Baku-bakong daan.
Marurupok na higaan.
Malamig at mainit na panahon.
Parang kahapon lamang.Nag-uumapaw na emosyon.
Hindi man lamang tinutugon.
Pinababayaang huwag iahon.
May matitira pa bang debosyon?Hangad mo lang ay kanilang kaligtasan.
Pinapanalangin mong iadya sila sa kapahamakan.
Hindi mo man sabihin ang iyong kalagayan,
Bakit ba hindi ka nila maintindihan?Kapag sinabi mo, magagalit sila.
Kapag nagdamot ka, magtatalak pa.
Kapag tahimik ka, ikaw pa ang may sala.
May puwang ba ang puso mo sa kanila?
BINABASA MO ANG
Ngumiti. Nagmahal. Sinaktan
PuisiMinsan lang tayo kung Ngumiti at Magmahal pero sa huli Sasaktan at Masasaktan lang din pala. Thanks @missbulilit sa cover.