Ikaw ay binansagang ilaw ng tahanan.
Sa buong mundo'y lubos na iginagalang.
Kung hindi alam ang iyong pagkakakilanlan,
Hindi mo makukuha ang tiwalang binigay ng mga taong ngayo'y nagkaroon ng tapang.
Ilaw ng tahanan, alam ko ang iyong nararamdaman.
Dugo at pawis ay iyong inilaan,
Upang iyong asawa't anak ay maalagaan,
Mabigyan ng oras sa mundo ng walang pag-aalinlangan.
O, ilaw ng tahanan kung nalalaman mo lamang,
Na walang pagsisidlan ang aming kaligayahan.
Sa tuwing maramdaman ang kalinga mong hindi nakalalamang,
Pighati sa mga puso'y laging nakakalimutan.
Kung para sa iba ay hindi ka karapat-dapat,
Alagaan, pagtiwalaan, at mahalin ng lubusan,
Kahit pa mga matatamis mong salita sa iba ay hindi sapat,
Para sa akin bawat payo mo'y aral na karapat-dapat.
Dalangin ko sa Diyos na buhay ninyo ay pahabain.
Maging malusog at hindi kailanman magiging sakitin.
Dahil kapag ika'y nawala sa buhay namin,
Asahan mong buong mundo ay magluluksa rin.
BINABASA MO ANG
Ngumiti. Nagmahal. Sinaktan
PoetryMinsan lang tayo kung Ngumiti at Magmahal pero sa huli Sasaktan at Masasaktan lang din pala. Thanks @missbulilit sa cover.