Chapter 25.2

128 5 1
                                    

Iria

Bakit kailangang harap-harapan pang sabihin nila King na may posibilidad na magustuhan ni Arius yung Dana na yun!

Ang sakit!

Sobrang sakit!

Yung naramdaman kong sakit kahapon nung nakita kong may kahalikan si Arius, naging milyon pa yung sakit kasi knowing na may posibilidad na magustuhan nya yung Dana na yun yung nakakadurog pa lalo....

May yumakap sa'kin. Alam ko ang amoy na to.

Kuya Ace.... bulong ko.

Sshhhh.... Iiyak mo lang yan.... bulong nya din sa'kin.

*****

Arius

Labasan na nila Kuya at iniintay ko lang silang makauwi.

IKAW ANG SUMUWAY AYA! AT KAPAG MAS NASAKTAN PA YAN, WALA NA KAMING PAKI! WALA KAMING KASALANAN! rinig kong sigaw ni King.

Bakit kaya sila nagsisigawan?

AYA NGAYON MO LANG KAMI SINUWAY! WAG NA WAG MO KAMING SISISIHIN O IDADAMAY MAN LANG MISKI SI ARIUS KAPAG UMIYAK YAN AT ITINANONG NI ACE KUNG BAKIY YAN UMIYAK! rinig ko namang sigaw ni Kuya Skie.

Narinig ko na lang na sumigaw si Julian ng 'Aya pasaway ka' tapos ayun sunod sunod silang pumasok.

Nakita ko si Aya sa hulihan. Ngingiti na sana ko kaso nakita ko yung kasama ni Aya sa likod. Napasimangot ako.

Aya kahit anong pilit mo hindi ko gagawin yang gusto mo. sabi ko kaagad kay Aya at umakyat na sa taas.

Aqua

Nakasunod lang ako kila Aya at kitang kita ko kung gano kagalit sina Arius.

Napiling na lang ako. Bakit ba ang pasaway ni Aya?!

Nilagpasan ko lang sila ni Iria at tiningnan ko pa si Iria ng masama bago ako sumunod kila King.

In the first place kasi si Iria naman yung nagpilit eh...

Arius, Aqua pumasok kayo dito. May paguusapan tayo... tawag samin ni King.

Sumunod naman kami ni Arius at umupo sa dalawa pang bakanteng upuan sa meeting place ng Phoenix at DGK.

Kailangan nating patigilin ang nararamdaman ni Iria para kay Arius. matigas na sabi ni King.

Hindu natin magagawa yun. Kasi sa sobrang bait ni Aya, isisiksik at isisiksik nya si Iria sa buhay ni Arius. sabi ko.

Tama si Aqua. Kaya nga napag-isipan naming dalawa ni King na wag muna nating pansinin si Aya para sumuko sya at sabihin na gagawin nya lahat para lang pansinin natin sya. Tapos dun na papasok yung sasabihin natin sa kanya na wag isiksik si Iria kay Arius kasi hindi naman sya mahal ni Arius. Masyado naman na kasi syang umasa kaya sya nasasaktan. Kasalanan nya yung sakit at hindi kasalanan ni Arius. Sya yung umasa. Hindi naman sya pinaasa ni Arius eh. Hindi naman sinabi ni Arius sa kanya na 'Umasa ka sa'kin kasi masusuklian ko yang pagmamahal mo' hindi naman nya sinabi yun eh. Hindi rin naman pa-fall si Arius kaya kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo, si Iria ang may kasalanan kung bakit sya nasasaktan. mahabang paliwanag ni Skie.

Tama kayo. In the first place naman si Iria yung nagpilit sumama eh. Sya yung nagpilit, sya yung nagsiksik ng sarili nya sa lugar na alam nyang hindi pwede. Bakit ba kasi ganun ang mga babae? Si Aya sobrang bait, si Iria naman sobrang umasa. Ganon ba talaga sila? Msyado kasi silang assumera. Si Aya naging assumera kasi nag-assume sya na pwede si Iria at Arius. Si Iria naman nag-assume sya kasi inisip nya na pwede sila ni Arius. Kailangan ng mapigilan to sa lalong madaling panahon kasi kapag tumagal pa to, may posibilidad na si Arius ang lumabas na masama sa dulo. Sya at hindi si Iria. mahaba ding sabi ni King.

Sumang-ayon kaming lahat.

Anong first step? tanong ni Julian.

Hindi pansinin si Aya. sagot ni Arius at nag-kibit balikat.

***********************************

An:/ Tama ba ang ginawang solusyon nila King?

Hayyy..... nakooo..... bakit ba kasi ang assumera ni Iria.

Masyadong K!


My Brother is the Gangster KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon