C3:CURSE HEAD

19 2 0
                                    


Lunes ngayon kaya maaga akong nagising mas maaga pa sa alarm ni tita.Huhh kala nya haa..charot lang,sadyang maygana lang talaga akong gumising ng maaga ngayon.Trip ko lang.

Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya dahil maliligo na ako.Pagdating ko sa banyo ay dali-dali na akong naghubad at nagsimola ng maligo.

Sinabunan ko na ang katawan ko at syaka ang mukha ko.Dahil ayokong dumilat pag may sabon ang mukha ko kinapa-kapa ko nalang ang shampoo at salamat sa dios nakuha ko naman.

Dali-dali akong kumoha ng shampoo at inilagay na ito sa aking buhok.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit subrang lagkit ng shampoo.Binasa ko nalang ang mukha ko upang matanggal ang sabon at nang matanggal na ay dumilat na ako at tinignan kung anong shampoo ang nakoha ko at..

"Aaaaaaaaaaaaaa" malakas at paulit-ulit kung tili.

Narinig ko si titang tinawag ang pangalan ko pero hindi parin ako tumigil sa pagtili.

May kumatok sa pintuan.Si tita!
"Steph anong nangyari dyan" sabi nya na may halong pagaalala sa kanyang boses.

"Stephanie hoyy anong nangyari dyan" ulit nyang tanong.

Binuksan ko ang pinto.
"Tita tignan nyo po" sabi ko sabay toro sa buhok ko.

Tinignan nya ito at nagpigil ng tawa.
"Steph naman sa pagkarami-rami ng shampoo natin yang toothpaste pa ang inilagay mo dyan sa ulo mo" sabi niya habang nagpipigil parin sa pagtawa.

"Tita wag nyo nang pigilan hindi naman yan nakamamatay e" sabi ko at nag echo sa banyo ang ang tunog ng kanyang pagtawa.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha" napa upo na sya sa subrang pagtawa.

"Wag naman subra OA mo na" sabi ko sa kanya at tumigil naman ito sa pagtawa.

"Bakit ba kasi yang toothpaste pa ang ginawa mong shampoo"sabi niya.

" Hindi ko naman alam na itong peste palang ito ang nalagay ko sa buhok ko e"pagdadahilan ko.

Pero dahil toothpaste ang na shampoo ko yung shampoo naman ang etotoothpaste ko....
Charot lang ano ako baliw.

"O sigi ipagpatoloy mo na yan.akalo ko naman kung ano na.hhaaaayyy" umalis na siya habang tumatawa.

"O sigi po" sabi ko at isinara na ang pinto at nagpatuloy na sa pagligo.

Matapos kung maligo at kumain ay nagpaalam na ako kay tita na papasok na.

•••
SCHOOL

Naglalakad ako ngayun sa hallway.As usual wala namang tumitingin sa akin and i love it.

Habang naglalakad ako ay bigla akung napahinto ng may bumato sa akin mula sa likuran ko,humarap ako sa kung sino mang sira ulong nambato sakin.

Hay As usual ang tatlong anak nanaman ni corazon.Pwede bang tumigil naman sila sa pambubully sa akin kahit isang araw lang?..

"Hoy freak" tawag sakin ni Honey.

Tinaasan ko lang sila ng tatlo kung kilay..syempre joke.ng dalawa lang pala.hihihi.

"Freak ano ang pinakain mo sa kapatid ni Zy at naisipan kang pansinin,ha!"Sabi sa akin ni Judy.

" Bakit gusto mong magpadiliver?"sagot ko sa kanya.

"Wag na baka may lason pa yan"sabi sakin ni Remy.

Inirapan ko nalang sila at nagsimola ng maglakad ng.

TOK!!

May malaking bato na tumama sa ulo ko.hinawakan ko ang parte ng ulo kong natamaan.

Nang mahawakan ko ito ay parang may malagkit na liquidong dumadaloy rito.

Pagkatapos non ay biglang dumilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang ang malamig na simento.

••••

Nagising akong may benda sa ulo at nasa clinic na ako ngayon.

Tumingin tingin pa ako sa paligid at nakita ko sa may upuan ang natotolog na gwapong si hmmm alam nyo na si
Zylan.Ano bayan kinilig naman ako.

Nakaka ano ha nakaka ano...OMG...Nakaka ano..

Binuksan nya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin.

Babangon na sana ako ng maramdaman ang sakit ng ulo.Hinawakan ko ang ang aking ulo at mahinang tumili.

Napatayo naman si Zy sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin.

" Wag mo na kasing pilitin"sabi nya sa akin.Hinawakan niya ang ulo ko at dahan-dahang ipina higa ako.

"Salamat nga pala ha sa pagdala mo sa akin dito" sabi ko sa kanya.

"Wag ako ang pasalamatan mo yung kapatid ko,pinabantayan lang naman ka nya sa akin kasi ipapasa pa raw niya yung project nyong dalawa" sabi nya sa akin at umupo na.

"Pero kahit na binantayan mo naman ako dito e kaya dapat lang na pasalamatan kita" sabi ko sa kanya na ngayon ay nakapikit na.

"Tss" mahina niyang tugon sa akin.

Ipinikit ko lang ulit ang mata ko upang makatulog.

•••

Nagising ako malakas na pag sira ng pinto.Tinignan ko kung sino ang pumasok.Ay si Zach lang pala.

"Galit kaba?" Tanung ko sa kanya.

"Hindi naman bakit" sabi nya.

"Padabog mo kasing isinara ang pinto hindi mo ba alam na may natutulog dito?"

Nagkibit lang siya ng kanyang balikat at umopo malapit sa akin.

"Kumosta kana" sabi nya sa akin.

"Eto okay na.teka paano mo ba nalaman na nahimatay ako kanina"

"Domaan kasi ako don kanina ng binato ka ni Judy,and speaking of Judy nandon nga pala sila sa cr at naglilinis yun kasi ang consequence nila sa pagbato sayo kanina" masaya niyang sabi sakin.

"Zach?"

"Hmm"

"Bakit mo nga pala ako tinotolongan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang gusto lang kitang tulungan at isa pa ayaw ko talaga sa tatlong matsing na yun" sabi nya.

Tumawa lang ako ng mahina.

"Nga pala thank you,kasi tinulungan mo ako kanina" sabi ko.

"Wala yun ikaw kaya makakita ng taong nahimatay na duguan ang ulo hindi mo ba tutulungan?" Tanong niya

"Syempre tutulongan" sabi ko

"Nga pala may project tayo sa math by group each group has three member at naisipan kung ikaw,ako at si Zy magiging groupo,pumayag naman si zy e ikaw ba papayag ka?" Sabi niya akin sabay kuha ng mansanas sa mesa at binigay sakin.Kinuha ko naman yun at sumagot.

"Oo naman walang problema,ano ba ang project natin?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh gumawa raw tayo ng mga problems at ilagay yun sa isang illustration board. Kaya tatlo kasi ang isa ang gagawa ang isa ang magsosolve at ang isa naman ang mag eexplain.Napagdisitionan narin namin ni zy na ikaw na ang gagawa ng problems ako ang tagasagot at si zy naman ang tagaexplain"

Sa haba ng sinabi nya ay tanging tango lang ang sagot ko..

Who Am ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon