My Prince Is A Princess
©richtu101/Ryan Mark Alcansare
"Sabi nila, ang pag-ibig daw ay parang fairytale. Mistulang magical at makapangyarihan. Mistulang mahiwaga at misteryoso. May twists o pagbabago na hindi mo inaasahan kung kaya't patuloy itong kinababaliwan. Kagaya ng fairytale, hindi mawawala sa buhay ang tinatawag nilang PAG-IBIG. Pag-ibig na siyang nagpapa-ikot sa istorya ng fairytale at ng mismong buhay. Pag-ibig na nakaka-baliw, nakaka-aliw, nakaka-iyak, nakakahalakhak at kung ano pang expressions na alam ninyo sa buhay. At siyempre, mawawala ba ang bida ng bawat fairytale? Ang isang maganda at marikit na prinsesa ka-holding hands ang kanyang gwapo at makisig na prinsipe na masayang nagkita, nagka-inlovean at namuhay ng masaya pang-habambuhay.
Ganun nga ang buhay ko kasama ang prinsipe ko at sa ngayon, we we're living happily ever after. At dito na po nagtatapos ang istorya ko! Salamat sa pagbasa!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Haay... Malamang sa malamang, nagbibiro lang po ako , wala pang chapters ang kwento na ito tatapusin ko agad? Hahahahayyyyy... Sana nga ganun na lang ang nangyari. Kaso HINDI! Malaking H-I-N-D-I! Madrama ang fairytale ko. Kasing-drama ng kay Cinderella, Snow White, Tinkerbell, Ariel at kung sino pang bruhang bida sa fairytales. (bitter ba? wahaha)
Paano kung ang prinsipe ng buhay mo ay isang prinsesa din? T________T
BINABASA MO ANG
My Prince Is A Princess (ongoing)
Teen FictionPaano kaya kung ang hinahanap mong prinsipe ay katulad mong prinsesa? Paano ang gagawin mo kung ang kalaban mo sa lalaking mahal mo ay lalaki din hindi babae? Paano? Paano? :(( Mababaliw ka ba? Ipaglalaban mo ba siya? Gagawin mo ba siyang lalaki? O...