By: Arey Serrano
Sa gitna ng pag iisa isang nilalang ang aking nakilala, habang ako'y naglalakbay sa kawalan
Sugatan at puno ng hinanakit ang kalooban kong minsa'y nanabik
Sa mga yakap at halik, isa sa pinakamasarap sa pakiramdam na aking inaasam-asam
Nakilala kita.Sinamahan mo ako sa aking pag iisa at doo'y nag umpisa ang ating storyang masaya
Storya na para bang itinadhana sa ating dalawa
Sa pagitan ng kawalan at kalungkutan natagpuan ko ang kaligayahan
Na akala ko tuluyan nang naglaho at tinuldukan na ng panahon ngunit may sumang ayon.Sang ayon ang panahon at doo'y nagumpisang maglakbay muli
Paglalakbay papalayo sa madilim at masalimuot na sandali ngunit hindi naging madali
Dahil sa paglalakbay na yon mayroon kang nakilala
At madalas mong pinapaalala na sa tuwing nakikita mo sya mas lalo kang sumasayaAt ako, ako ang naging matalik mong kaibigan na naging hingahan mo at labasan
Ng sama ng loob sa tuwing ika'y nalulungkot.
Umibig, nasaktan, umibig muli at muling nasaktan, nasaktan hanggang sa napagod nalang
Ang puso mong nagmamahal ngunit nandito parin akoNiyayakap ka ng buong buo, "pagod na pagod na ako, sana ikaw nalang ang minahal ko"
Salitang kusang lumabas sayo, na sobrang ikinauhaw ko... uhaw ako, nauuhaw sa pagmamahal mo
At niyakap kitang muli, niyakap ng sobrang higpit dahil nadurog ang puso ko sa salitang iyong sinambit"Samahan mo akong muli sa'king paglalakbay", yon lang ang nasabi ko
Habang pumapatak ng dahan-dahan ang mga luha ko.
Maglalakbay tayo sa masaya at makulay na mundo at sisiguraduhin ko sa'yo
Na magiging maramot na ako sa mga maaring makasalubong natin
Dahil hindi ko na hahayaang maagaw ka pa ng iba sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoezieSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...