Ikawalong Kabanata

2K 38 7
                                    

Nandito kami ngayon sa National Book Store ni Giann. Nga pala, before kami gumala, nagsuot muna kami ng shades. Nakascarf nga rin ako eh.

Nakakapanibago lang. Mas okay pa nung ordinaryong tao lang ako. Hindi ko kailangang magtago.

Tsaka ewan ko ba kung bakit pinasuot pa sakin ‘to ni Giann. Di pa naman ako sikat tulad niya. Wala pa yatang nakakakilala sakin eh. Di pa naman naipapalabas yung Mara Clara.

“Uyy Giann. Bakit kailangan ko pa kasing magsuot ng ganito.”

 

“Aish. Di ka ba nakinig kanina? Alam na nga nila na ikaw ang bago kong loveteam kaya mag-iingat ka na.”

 

“Okay okay. Pasensya naman.”

 

“Alam mo, tulungan mo nalang akong maghanap ng BATMAN book.”

 

“Okay po.”

 

Habang naghahanap ako ng pinapahanap niya, nakarating ako sa Magazine Section.

Grabe naman tong Giann na to. Nasa TotalGirl at ChalkMag! Teka teka, nasa Star Studio rin pala. Sikat!

“Naghahanap ka ba o ano?”

Nabigla naman ako nung biglang nagsalita si Giann.

Kumuha ako ng isang TG Mag.

“Grabe ka. Ang sikat mo naman talaga. Tignan mo oh, naifeature ka dito, sa Chalk Mag tsaka sa Star Studio.”

Kinuha lang niya sakin yung magazine tsaka binalik.

“Halika na nga sa counter. Babayaran ko na to.”

Habang nagbabayad si Giann, may narinig naman ako.

“Tignan mo oh, parang si Giann Lopez. Di kaya siya yan?”

“Oo nga noh. Tsaka tignan mo, BATMAN book yung binili.”

“Oo nga. Diba mahilig si Giann sa BATMAN?”

“Baka siya yan. Pero sino yung babae?”

“Baka ate niya?”

“Hindi. Baka yaya niya.”

“Yaya? Eh bakit ang bata? Mukhang magka-age pa sila eh.”

“Oo nga noh. Baka si Francel.”

“Sinong Francel?”

“Francel Viloria. Yung bagong loveteam ni Giann.”

“Baka nga!”

 

Grabe naman sila. Ako? Yaya ni Giann? Psh. Pero tama nga si Giann. Alam na nila na ako ang bago niyang kaloveteam.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon