T'Sec'C 47: His Side

226 15 0
                                    


Junel's POV

Nakita kong umiiyak si Izyle habang yakap-yakap siya nina Rose, Justine at Grace noong pumasok ako sa caf.

Sa pagkakataong iyon ay gusto ko rin siyang yakapin at patahanin. Gusto kong umiyak siya ng umiyak sa mga bisig ko. Pero naisip ko ring anong karapatan ko para maramdaman iyon? Galit siya sa akin. Kinamumuhian niya ako.

Mukha ngang wala na kaming pag-asang magkabati pa. Wala na akong pag-asa para sa kanya na noon pa man ay gusto ko na.

Yes, aaminin ko ora mismo ang lahat. Matagal ko na siyang gusto.

Matagal ko ng gusto si Izyle simula pa lang noong araw na nabangga at nabagsakan ko ng libro si Sugar sa paa, 5 years ago.

Lahat ng mga pang-aaping ginagawa ni Izyle sa akin ay tiniis ko. Lahat ay kinaya ko, para sa kanya. Alam ko kasi sa sarili kong she didn't mean it. Alam kong napag-utusan lang din siya ni Sugar.

Habang tumatagal, ay aaminin kong mas lalo akong humahanga sa kanya kahit na trip lang niya ako. Hinahayaan ko siyang apihin ako dahil gusto kong masilayan siya araw-araw. Gusto kong hawakan niya ako at mapansin, kahit sa ganon lamang kababaw na paraan. Desperado man, pero iyon ang totoo.

Siya ang nakapatay sa kakambal ko noon pero kailanman ay hindi ko siya sinisisi doon. Ang totoo'y wala rin naman akong pakialam sa kakambal kong iyon. Kaagaw ko rin kasi ito kay Izyle. Mula pagkabata rin ay hindi kami magkakasundo nun. Karibal ko kasi siya sa lahat ng bagay lalo sa babaeng gusto ko, si Izyle.

Pero mas lalo akong humanga kay Izyle noong araw na pinigilan niya si Sugar na patalunin ako sa rooftop.

Kahit na siya pa ang nagtulak sa akin nun, hindi tinubuan ng galit ang puso ko laban sa kanya, bagkus ay mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko. At alam ko ring aksidente lang ang nangyari.

Kaya noong nahospital ako at iyon din ang araw na huli ko siyang nakita, sobrang nalungkot ako.

Oo, tinakot at pinagbantaan ko sila noon pero ang totoo'y si Sugar lang ang gusto kong patamaan at takutin. Nagsisisi ako sa mga sinasabi ko noon. Kung alam ko lang na magiging dahilan iyon para malayo sa paningin ko si Izyle, hindi ko na lang sana iyon sinabi.

Hanggang sa dumating ang araw na nakausap ko ang tito ko matapos akong makarecover mula sa hospital. Nabanggit niya sa akin ang tungkol sa Writers Club at noong nalaman kong doon siya nag-aaral ay nagpa-enrol agad ako. Doon ko rin nalaman na wala na si Sugar Villanueva dahil nabanggit din iyon sa akin ni Tito. Nalaman ko na may karumal-dumal na pangyayari sa seksyon pero hindi ako nasindak at natakot. Ang importante sa akin ay ang makita muli ang babaeng gusto ko.

Tinakot ko siya at sinasabihan ng mga weirdong salita, oo. Pero hanggang doon lang talaga ako. Masyado ko siyang namiss kaya pati ang pang-aasar ko sa kanya ay gustong-gusto kong gawin, masilayan lamang ang klase-klase niyang reaksyon.

Hindi ako nagbalik para maghiganti. Nagbalik ako dahil mas gusto ko siyang kilalanin pa, gusto kong malaman ang reaksyon niya ngayong nagbabalik na ako.

Ni hindi ko nga alam na nalaman pala nilang may relatives ako na mamamatay tao.

Hindi ko rin naman itinatanggi ang katotohanang iyon dahil totoo naman ito. Dating mamamatay tao ang tito ko. Di ko nga lang alam kung pati ba ngayon ay ganun pa rin siya.

Wala akong intensyon na maghiganti noong una pa lang. Hindi ko lang talaga inaasahang pati pala si Izyle, ang babaeng dahilan ng aking pagbabalik, ay pinagbibintangan akong mamamatay tao. Nakakatawa pero hindi nakakatuwa.

At ang katotohanang ang bracelet na nasa palad ni Bengle ay nakuha nito noong gabing nagustuhan din mismo ni Leah ang bracelet, ay siyang ikinataka ko dahil pinagbintangan niya rin ako sa kaganapang iyon.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon