Chapter Eleven

2.1K 52 0
                                    

AJ POV

"Dude, parang ayaw ko ng sumama." Malungkot na sabi sa akin ni Gab.

Katabi ko sya ngayon sa kotse. Nagpahatid lang din kasi kami sa driver nila papunta sa apartment ni Reign para sunduin silang dalawa ni Abby bago kami didiretso sa airport. Dun na kasi ang meeting place namin ng barkada at ngayon yung vacation namin sa Palawan.

"Bakit naman?" Tanong ko ng may pagtataka.

"Ma OOP lang ako sa inyo eh. Ako lang walang kapartner sa inyo." Sabi nya. Natawa naman ako sa sinabi nyang yun.

Ahh yun pala ang dahilan nya.

"Aray! Bakit ka nambabatok dyan?" Reklamo nya sa akin. Binatukan ko kasi sya.

"Eh paano! Wala ka lang partner hindi ka na sasama sa amin?" Sagot ko

"Eh totoo naman eh. Panigurado naman magiging busy lang kayo sa mga kasama nyo eh." Sagot nya habang malungkot na nakatingin sa bintana.

"Drama mo dude! Kelan pa naging ganyan sa tropa ha? Alam mo naman na kahit may kanya kanya kasama eh nagbobonding pa din tayo lahat." Sagot ko. Hindi naman sya kumibo sa sinabi ko.

"And remember Abby? Reign's bestfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Why?" Kunot noong tanong nya sa akin.

"Sira ka talaga. Ininvite ko sya na sumama sa atin di ba? So hindi ka loner noh! Ininvite ko sya para sayo." Sabi ko. Bigla naman nagliwanag ang mukha nya sa narinig.

"Really??" Tanong nya.

"Yes." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti sya.

"Uyy. Parang iba ang ibig sabihin ng ngiting yan ah. May gusto ka kay Abby no?" Kantyaw ko sa kanya.

"Hindi no." Tanggi nya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagblush nya. Kaya tinawanan ko na lang sya.

Tsk tsk. Malalaman ko din ang totoo. Hahaha.

Nang makarating kami sa apartment ni Reign agad akong bumaba at nagdoorbell.

Ilang sandali lang ay bumukas ang gate at bumungad sa aking ang isang napakaganda at napakasexing babae. She's wearing white short shorts exposing her white legs. Bigla tuloy akong napalunok sa nakita ko.

"Hi!" Bati nya sa akin.

"Hi!" Yan lang ang tanging nasabi ko habang nakatitig pa din sa kanya.

Naramdaman ko naman na may biglang tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko ito. Si Gab pala.

"Baka matunaw." Bulong nya sa akin.

Parang nahiya naman ako bigla.

"Tara na baka naghihintay na sila dun." Sabi ko na lang sa kanila.

"Wait lang isasara ko lang yung pinto." Sabi ni Reign.

May naalala naman akong kalokohan kaya lumapit ako dito habang nagsasara ng pintuan. Binulungan ko ito at agad naman syang pumayag.

Nang papasok na kami sa van naunang pumasok si Abby naupo sya sa bandang unahan kaya naman ng pumasok si Reign ay naupo sya sa likod nito sinundan ko naman ito at agad umupo sa tabi nito. Kita ko sa mukha ni Gab ang pagkagulat pero kahit nag aalangan man wala na syang nagawa kundi umupo sa tabi ni Abby. Kapwa naman sila nahihiya sa isa't isa. Nagkatinginan naman kami ni Reign at pasimpleng natawa sa itsura ng dalawa.

Nandun na ang buong barkada sa airport pagdating namin, kami na lang pala ang hinihintay.

Pagsakay namin ng eroplano kami pa din ni Reign ang magkatabi kaya wala pa din nagawa yung dalawa kundi magtabi ulit. Natatawa na lang kami sa dalawa kasi hanggang ngayon ay hindi pa din sila masyadong nag uusap tingin ko ay nagkakahiyaan pa din sila.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon