three

62 8 15
                                    

three

﹏﹏﹏

third person’s

“Emo hyung, anong gusto mong kainin? Magluluto ako tutal may ilang grocery naman dito.” Hindi kumibo si Wonwoo at pinagpatuloy pa rin ang pagbabasa. nO oNE cAN stOP wonU frOm reaDING, u knOE.

“Ewan. Ikaw bahala,” saad ni Wonwoo.

“Emo hyung, walang pagkain na ewan! Lalo na ang ‘ikaw bahala’!”

Pabagsak na sinarado ni Wonwoo ang librong binabasa, saka tiningnan ng masama ang nakababata. “Wala akong alam sa mga pagkain kaya ikaw na bahala. Tsaka ilang beses ko bang sasabihin na it’s Wonwoo. Hindi emo.”

“Emo hyung.”

“Wonwoo.”

“Emo!”

“Wonwoo.”

“EMO.”

“WONWOO,” mas may diin na sabi ni Wonu.

“Mas accurate sa’yo ang emo.”

“It. Is. Not. Emo. It’s. W-O-N-W-O-O.”

“Luh, galit agad? Tsaka halata naman na ‘yun ang spelling, a?”

Wonwoo hissed because of what Mingyu said. “Masyado ka nang maingay. Magluto kana lang d’yan. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na. Nasa taas lang ako, nagbabasa,” sabi ni Wonwoo na mas kalmado na ngayon.

Dala-dala ang libro ay umakyat na si Wonwoo sa kwarto niya. Para sa isang Jeon Wonwoo, nakakapagod makipagsabayan sa isang Kim Mingyu. Hindi na nga siya palasalita, halatang ginagalit pa talaga siya ng nakababata para lang maglabas siya ng mga salita.

Pagkapasok niya ng kwarto, pabagsak niyang inihiga ang sariling katawan sa kama. Kasabay ng pagod na katawan, ay ang kanyang pagod na utak.

Kanina, habang nag-aayos ng mga gamit, bumalik na naman ang pag-iingay ng cellphone niya. Bumalik na naman ‘yung non-stop na pagtawag sa kanya ni Junhui. Bumalik na naman ‘yung mga bagay na hindi mapaliwanag ni Wonwoo. ‘Yung mga bagay na talaga namang ginugulo ang lahat.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

———

“Emo hyung! Kakain na!” tawag ni Mingyu mula sa kusina. Ang kaso lang, kanina pa niya ito tinatawag pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito bumababa.

Napagdesisyunan ni Mingyu na akyatin (hindi ng ligaw, ha) na si Wonwoo, at baka lumamig pa ang pagkain.

“Emo hyung?” tawag muli nito sabay ng ilang katok sa pinto ni Wonwoo, ang kaso hindi talaga ito sumasagot. Naalarma si Mingyu, ano bang malay niya kung nagbigti na si Wonwoo dahil sa sobrang ka-emo’han niya?! Shit.

Pinihit ni Mingyu ang doorknob at dali-daling pumasok, kaso, isang natutulog na Wonwoo lang ang naabutan niya. Mukhang nakatulog agad, ni hindi man lang nag-abalang tanggalin ang specs bago matulog.

“Emo hyung?” Tapik ni Mingyu dito, kaso hindi talaga magising. Sa tingin ni Mingyu, ngayon pa lang ito natulog simula dumating sila kanina. Baka may jet lag pa nga ito.

just me and you・meanie [slow updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon