Hindi ko inaasahan na makikilala kita.
Ni wala nga akong ideya na magf-friend request ka saakin eh. Kasi aaminin ko, oo na. Gwapo ka! At ako? Hindi naman ako kagandahan para mapansin mo.
Kaya natuwa ako nung chinat mo ako agad nang i-accept ko ang request mo.
Maaga pa yun. Mga alas siyete ng umaga at para akong timang na napangiti nang mabasa ang simpleng Hi na sinend mo.
Nag-alangan pa ako kung rereplyan ba kita o hindi kasi baka masanay akong kausap ka. Malay ko ba kung baka bukas bigla kang di magparamdam, mahirap na.
Pero nireplyan kita. Nagkausap tayo ng matagal at nagpakilala sa isa't-isa. Gumaan agad ang loob ko sayo dahil nararamdaman kong mabait ka, isa pa... nalaman kong kapatid ka pala ng isa kong kaklase at nakatira ka sa bayan na kasunod ng kung saan ako nakatira. May pag-asang pwede kitang makita. Haha
Nagulat ako nang sinend mo yung number mo saakin dahil hindi ko naman iyon hinihingi. Sabi mo i-text kita, kaya ginawa ko. Tama ba itong ginagawa ko?
Ayun, so far so good naman. Kahit aamin ko na boring ako kausap, ang dami mo paring kwento, halatang interesado kang kausapin ako.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa mga salita mo nung tumawag ka saakin. Sabi mo ang sarap ko kausap at walang iba kang gustong kausapin kundi ako. Niyaya mo akong lumabas tayo pero nahihiya ako, kaya tumanggi ako. Sabi mo okay lang dahil may bukas pa naman.
Natawa ako dun, meron pa nga ba? Naisip-isip ko.
Hindi ko namamalayan, parang nahuhulog na yata ako sayo? Kasi nakakainlove yung boses mo. Parang ang sarap pakinggan, lalo na pag nagkwekwento ka. Ang saya mong kausap at saka nung nakausap kita, nakalimutan kong broken hearted pala ako. Syet lang. Paano mo ako nagawang pasayahin eh kanina lang kita nakilala? Nakakatuwa, sampung oras na tayong magkausap.
Gabi na pala. Hindi narin naalis ang mga ngiti ko. Parang ayaw ko na alisin yung phone ko sa paningin ko. Ano bang nangyayari sakin?
Sa tuwing nakikita ko yung pangalan mo sa inbox ko, yung chat head mo, pati narin yung pangalan at number mo pag tumatawag ka, parang feeling ko ang swerte ko naman.
Feeling ko nanliligaw ka na. Wala ka naman sinasabing nanliligaw ka, pero feelingera kasi ako! Eh parang ganun narin kasi yung pinaparating mo eh. Ang bilis ng mga pangyayari, natatangay ako.
Hanggang sa naubos na yung pantawag mo sakin. Kaya ako naman ang tumawag sayo. Kinikilig ako!! Hutangina. Ang cute cute mo. Kunyari nagpapalambing ka pa saakin at natatawa ako dahil magkausap lang naman tayo sa phone. Malandi ka haha.
Ang dami nating napagkwentuhan, kahit ano na yatang bagay. Naikwento mo saakin na meron kayong mga alagang manok na pansabong, at yung mga alaga mong aso na hilig mag-swimming sa palaisdaan. Ang weird pero nakakatawa at napapangiti ako.
Naikwento mo rin saakin yung ex girlfriend mo, na ang tanga tanga dahil sinaktan at pinakawalan ka lang. Bihira ako makilala ng tulad mo, yung gagawin lahat, kahit ikasasakit ng sarili, mapasaya lang yung mahal mo. Parang ako ba? haha.
Ang swerte ko siguro—este, ang swerte ng susunod mong girlfriend dahil napaka bait at mapagmahal ka. Well, nasabi ko yun kasi base narin sa mga bagay na naikwento mo sakin kanina pa.
Ni hindi ko na nagawang silipin kung ano nang oras dahil kausap kita.
Nararamdaman ko nang bumibigat na yung mga talukap ng mata ko at alam kong malalim na ang gabi. Ngunit gusto pa kitang kausap kaya tiniis ko ang antok ko.
Hanggang sa pinagalitan na ako ng lola ko dahil naririnig daw niya akong may kausap eh gabing gabi na. Naririnig kitang tumatawa sa kabilang linya habang sinasabi mo ayan kasi ang ingay ingay mo! Haha sorry kasalanan ko, gustong gusto lang kasi kitang kausap.
No choice, pinatay ko na ang tawag at baka pagalitan nanaman ako kahit ang sama ng loob ko. Hay nako naman.
Pagkatapos ng tawag ay nagkachat tayo ulit. Nagpasend ka saakin ng picture ko.
Nagsend ako mga lima yata yun. Sabi mo di kana makapag-antay na kurutin ang mga pisngi ko at asarin ako.Pero mga ilang minuto lang, tumagal ka nang magreply at di mo narin sini-seen ang mga chat ko. Siguro nakatulog kana. Naintindihan ko kaya nagsend na ako ng goodnight. Di bale bukas naman ulit makakausap kita diba?
Sa wakas, sineen mo narin ang mga chat ko at ang reply mo ay goodnight. ang sakit ng ulo ko kaya ang tagal ko magreply. Sorry, bye. Antok na ako. Thank you :)
Di nako sumagot sa message mo at sa sobrang antok ko ay nakatulog na ako agad. Nang may ngiti. Naaninag ko pa ang oras sa phone ko, 12:02 bago ako tuluyang napapikit.
Kinabukasan tinanghali ako ng gising. Nagpanic ako nang makitang 8:00 na pala ng umaga at agad kong hinanap ang phone ko para alamin kung may message ka ba.
Pero wala. At active 8hrs ago ang nakalagay sa messenger mo. Nakaramdam ako ng lungkot. Pero naisip ko baka tulog ka pa. Kaya naglaba muna ako.
Umaasa akong baka pagkatapos ko eh may message kana ulit na Hi o kaya naman Goodmorning na.
Pero tanghali na't lahat lahat, wala ka paring message. Kaya nalungkot na ako ng sobra. Anuna? Anong problema? Parang kagabi lang ang sweet sweet mo. Ngayon bakit ni tuldok wala man lang akong mareceive galing sayo?
Nahihiya naman ako na maunang magtext/magchat sayo kasi baka isipin mo papansin ako. Pero ito ako, nag-iisip kung ano pwedeng i-type dahil sakto, active ka na ngayon at pinag-iisipan ko kung magmemessage ba ako sayo.
Nagsend ako ng Hi. Pero sineen mo lang.
Haha!
Tang-ina. Pinagtripan mo lang ba ako kahapon? Bored ka lang ba? o baka naman lasing ka? may pasabi sabi ka pa ng "nandito lang ako para sayo at ng mula ngayon ikaw na ang priority ko". Syet na malagket. Ako ba ang malandi o ikaw? Meron pa nga sabi mo pa "mula ngayon sayo na 'ko". Sinungaling ka rin pala tulad ng mga lalaking nakilala ko.
Nainis ako. Bwisit ka. Kahit kahapon lang kita nakausap, pinakilig mo mula anit ko sa ulo hanggang yung ingrown ko sa paa. Tapos bigla moko iniwan sa ere ngayon na parang walang nangyari kahapon. Wala naman talagang NANGYARI pero, ugh! May part saakin na gusto ulit kitang makausap at may part na naiinis ako sayo at ang sarap mong ihampas sa pader.
Kung kahapon nagawa mo akong pangitiin ulit, ngayon eh nalulungkot ako.
Gabi na at hanggang ngayon, wala ka paring reply kahit putangina, active ka naman.
Siguro nga, hindi totoo yung lahat kahapon. Siguro nag-assume lang ako at nag-expect. Bakit ka nga naman manliligaw saakin?
Pinatay ko na ang mobile data ng phone ko at natulog.
Salamat dahil pinasaya at pinakilig mo ako kahit sa sandaling panahon.
Yun na yun eh, crush na kita eh.
Drim kam tru na yung first time ko maranasan na gustuhin ako ng lalaking gwapo, mayaman, mabait, at may sense of humor na kagaya mo.
Kaso anong nangyari ngayon? Hay nako naman. Ang tanga ko naman kasi. Assumera to the 10th power kahit kailan kaya nasasaktan.
Pero salamat parin at kahit paano nag-aksaya ka ng 24 hours ng buhay mo para sakin.