**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**
Angelo's POV
Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Di ko alam kung bakit napagsabihan ko sya ng ganun. Ng mga masasamang salita. Tutal, kasalanan ko naman kung bakit nadulas sya, eh.
Ilang araw na ng huli kong nakita si Kylee. Nung huli naming pag aaway. Hindi ko naman intensyon na saktan sya ng ganun. Sadyang nadala lang ako sa daming problema na hindi naman dapat pinoproblema sa isip ko. Nadala lang ako sa galit dahil kay Leane kaya pati si Kylee nadamay sa galit kong yun.
Ilang araw na ng hindi pumupunta si Kylee dito sa bahay. Ni hindi ko na rin sya nakikita sa school.
Balak ko sanang lapitan sina Mariana at Hadley, na sa pagkakaalam ko kaibigan ni Kylee. Pero pati sila iniiwasan ako. Mukhang alam na nila yung tungkol sa pag aaway namin ni Kylee. Gusto kong itanong sa kanila kung anong nangyari kay Kylee. Ewan ko ba kung bakit gusto kong malaman.
Oo aaminin ko, nung una kong nakita si Kylee sa isang fast food restaurant natuwa ako. Ewan ko kung bakit. Kahit aksidenteng natapunan nya ako nun ng pineapple juice. Para kasing nakita ko na sya dati. Kaya sinadya ko syang inisin, para makagawa sya ng masama sakin. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko syang makasama, kaya naisipan kong gawin ko syang maid.
Hindi ko naman akalaing maiinis sya sakin ng ganun. Sinubukan ko ring tawagan yung phone na binigay ko sa kanya pero walang nasagot. Tinadtad ko na ng mga messages pero di man lang sya nagrereply.
Break time ngayon. Pero hanggang ngayon di ko pa rin makita yung kupal na Xyrus na yun. Pinapahirapan ba naman ako! Umorder muna ako ng pagkain at hinanap na kung nasaan si Xyrus. Matagal ko ng kilala si Xyrus pati ang pamilya nya. Maski nung bata pa kami palaging magkasama kaming tatlo nina Xyrus at Leane. Psh. Naalala ko na naman yung babaeng yun.
"Angelo!! Dito!! " tawag sakin ni Xyrus habang nakataas ang kanang kamay para makita ko sya kung saan sya naka upo.
Lumapit ako sa kanya at dun ko nalaman na kasama nya pala si Mariana at Hadley. Chansing din tong Xyrus na to.
"Antagal mo naman!! Kanina pa kami naghihintay dito!! " reklamo ni Xyrus.
"Kung sinabi mo lang sana sakin kung saan ka nakaupo. Kasama mo pa tung chikababes mo," nang masabi ko yun, napansin kong namula yung mukha ni Mariana.
Speaking of Mariana. Pagkakataon ko na to, para malaman kung nasaan si Kylee.
Nilapag ko na yung tray kung nasaan nakalagay yung pagkain ko. Nagulat na lang ako ng biglang dumukot ng isang dakot ng fries tong si Xyrus.
"Buraot naman! Bumili ka nga ng sayo!! " pagrereklamo ko.
"Psh. Damot. Unti lang to," sabi nya sabay bilang ng fries na nasa kamay nya. "Tignan mo, 13 nga lang to," sabi nya sabay harap ng palad nya na may fries sa mukha ko. Dumukot ako ng isang fries dun at kinain. "Tignan mo!! Binawasan mo pa! "
Hindi ko na lang pinansin si Xyrus at itinuon ko ang pansin kay Mariana na kanina pa palang nakatingin sakin. Nang makita nyang tinignan ko sya biglang sumama ang tingin nya.
"Uhmm. Ma-" hindi natuloy yung sasabihin ko nang biglang magsalita si Mariana.
"Si Kylee??! Hindi mo na sya makikita! By the way! Eto nga pala yung bayad nya sa nasirang bintana ng kotse mo," sabi nya sabay bigay ng isang malaking bag.
Tinignan ko yung laman nun, at nakita kong medyo madami yung pera. Magrereklamo sana ako ng wala ng Mariana akong nakita. Sumunod na rin si Hadley dun at tinignan ako ng masamang tingin.
"Mukhang di lang isa ang galit sayo Angelo, ah! Tatlo pa!! "
Hindi ko na pinansin si Xyrus at kumain na lang ako. Kailangan kong ibalik sa kanya tong pera.
**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**
Kylee's POV
Nandito ako sa kwarto ko habang nanonood ng Sofia the First. Ilang aarawko na ring hindi napapanood to. Namiss ko tuloy si Clover. Awieee!! Ang cute nya. Habang nanonood ako, dumukot ako ng isang clover na chichirya na nakalagay sa plato sa kaliwa ko.
Dudukot na sana ako ng clover ng may kumatok sa pinto.
"Pasok po! "
"Indai Kylee. May nangita nimo sa ubos," sabi ng bisaya naming yaya na si yaya Nicole. Matagal na syang yaya ni mommy kaya kinuha na lang sya ni mommy para maging yaya dito sa bahay namin.
(Translation: "Indai Kylee. May naghahanap sayo sa baba")
Dahil sa medyo nakakaintindi naman ako ng bisaya tumango na lang ako. "Sige po ya, pakisabi po bababa na po ako. "
"Sige, indaii!! "
"Thank you po ya! " sabi ko at isinara na nga ni yaya Nicole ang pinto.
Sino na naman kaya yung naghahanap sakin?? Baka si Mariana, pero imposible naman kasi kung sya nga yun, didiretcho na yun dito sa taas. Baka naman si Hadley, imposible rin kasi hindi nya naman alam kung saan yung bahay namin. Hindi ko pa kasi sya nadadala dito sa bahay, eh. Hayy! Ewan! Bababa na nga lang ako, para masagot na tong katanungan sa utak ko.
Inabot ko yung remote na nasa kaliwa ko at pinatay yung tv. Sayang naman. Kung kailan Sofia The First na, o! Sinuot ko na yung tsinelas na pangbahay at inabot yung platong may natitira pang clover. Ayaw ko ngang iwan to, dito. Mamaya pagdiskitahan pa ng mga barkada kong langgam tapos uubusan pa nila ako. Di pa naman sila marunong magshare.
Binuksan ko na yung pinto habang dala dala yung plato ng clover. Bumaba na rin ako ng hagdan. Dumaan muna ako sa kitchen para ipasok sa fridge tong clover. Mamaya ko na lang to uubusin. Uminom muna ako ng tubig bago umalis dun sa kusinang yun. Humarap muna ako sa human sized mirror na malapit sa dining table para tignan yung sarili ko.
Okay na naman siguro tong suot ko. Nakasleeve less na damit at short lang kasi ako. Inayos ko ng unti yung pagkakatali ng buhok ko. Teka! Bat ba ako nag aayos ng ganito?? Mamaya si Mariana lang pala yun.
Dumeretcho na ako sa sala nang makita ko kung sino ang nakaupo sa sofa.
Sya ba ang bisita ko?? Bat sya nandito??
**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**
Vote. Comment. Share
Thanks!
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With My Destiny
Novela JuvenilDISCONTINUED -------------------------- Before reading this story, basahin nyo muna ang book one, which is yung "Is He My Brother??!! " Si Rachelle Kylee Kobe ay anak nina Sophia Baylee at ni Carl Adrian. Si Kylee ay isang simpleng babae. Ngunit sa...