Nag-flashback bigla sa isipan niya ang lahat ng nangyari sa may airport, kung paano siya sumama kay Steve upang mahanap lang si Kyle dahil pareho ang departure day ng dalawa.
Pakiramdam niya kakalas na ang rib cage niya sa lakas ng paghampas ng puso niya habang nakasampa siya sa escalator. Hindi pa siya nakontento, tumakbo pa siya as if hindi iyon escalator kundi hagdanan.
"God please don't let me be late!" halos agaw-buhay niyang usal. She had never prayed like this in her entire life.
May humablot bigla ng braso niya pagtuntong niya ng second floor.
"Steve bakit mo ba ako pinipigilan?" aniya sabay piglas dito.
"I thought you were coming with me!" dismayado nitong banggit na hingal na hingal. Paano tahimik lang siya sa biyahe, nababaliw na sa kaiisip kung makikita pa niya si Kyle. He had misinterpreted her response.
"Ba't ako sasama sa iyo Steve! Don't you get it? Hindi ikaw ang mahal ko kung hindi si Kyle, ang asawa ko!" pilit niyang pagpapaintindi rito. Hindi naman siya galit dito. In fact naawa pa nga siya sa binatang matangkad. Ang maamo nitong mukha ay parang kinapitan bigla ng malubhang sakit.
Steve was a nice person, a gentleman in fact. Kung sa ibang pagkakataon siguro baka pumayag pa siyang lumawig ang relasyon nila. Pero kasal siya...3 years to be exact sa pinakaguwapo at pinakamabait na lalaki sa balat ng lupa.
And now more than ever, mas in-love siya kay Kyle. At habang nabubuhay siya, walang sinuman ang puwedeng kumuha ng puwang nito sa puso niya. Not even death...
Mabilis siyang umatras sa kausap. "Steve, may ibang tao na nakaplano ang Diyos para sa iyo..."
Sumuko na ito ng tuluyan sa wakas. Mukhang naunawaan na nito na wala na itong puwedeng ipaglaban pa, dahil buo na ang kanyang decision. Natanggap naman ng binata ang lahat. Hindi naging madali pero buong-loob nitong tinanggap ang lahat. Kaya naman sa bandang huli, nakiusap ito na samahan na lang niya ito sa may check-in counter. At bago ito tuluyang pumasok sa check-in area ay humingi ito ng mahigpit at mahabang yakap, a farewell hug.
She gave in to his request, for old times sake. Maski siya ay napaiyak sa sobrang tuwa dahil nakuha nitong palayain siya sa kabila ng lahat ng nangyari.
"Thanks for being a good friend," bulong niya rito na may kapayapaan sa puso.
The flashback ended.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...