A Letter From Him (One-shot story)

55 7 8
                                    

Kinuha ko agad yung phone ko sa side table, sinagot ko iyon ng hindi tinitignan kung sino.

"Hello?!" Inis kong sagot.

Sino ba kasing matinong tao ang tatawag sakin sa ganitong oras-pinatay ko agad yung alarm clock sa side table ko nang mag ingay ito. Ugh, ganitong oras na 7:00am palang?!

"Oh, chill." Natatawang sagot ng sa kabilang linya. Tinignan ko agad yung phone ko para malaman kung sino yung tumawag.

"Ugh, Chard. What the hell is your problem for calling me this early?"

"Chill first okay," natatawa na naman niyang sagot. "Handa ka na ba mamaya?" Tanong niya.

"Ha? For what?" Kinusot-kusot ko yung mata ko.

"For acquaintance party?"

I rolled my eyes heavenward.

"Myghad Chard! Mamayang 6pm pa ng gabi 'yon! Are you that excited? Talo mo pa ako." Sabi ko. Totoo naman kasi.

"Syempre, maisasayaw kita e." Tumawa siya ng mahina. "Bangon na, ang anghel pa naman ng pangalan mo."

"Whatever." Umirap ako sa kawalan atsaka nilagay sa side table yung phone ko.

Bumangon na ako gaya ng sabi ni Chard. Hinagilap ko agad yung twalya ko at damit na susuotin bago pumasok sa bathroom para makaligo na.

After 30 minutes or more ay bumaba na ako para makapag almusal nang may mahagilap ang mga mata ko.

"Oh Angel, gising ka na pala. Kanina pa nandito si Richard inaantay ka." Bungad sakin ni Mommy.

"K-kanina pa? You mean..." napatingin ako kay Chard.

Tumawa siya ng mahina bago ako tinignan at nginitan, "Ooooppsss, sorry."

Napailing na lang ako nang mag-peace sign pa siya.

Sumabay sa amin si Chard na mag-almusal. Sa mga oras na 'yon nakabusangot lang talaga ako. Ka-badtrip kasi siya. Tss.

"Magbihis ka after neto," napatingin ako kay Chard. "May lakad tayo."

Kumunot yung noo, "at saan naman?"

"Haha! Secret!" Malawak siyang ngumiti sakin.

Di ko talaga alam paano ko 'to naging kaibigan simula first year high school.

Pagkatapos namin kumain ay nagbihis ako ng pang-alis atsaka bumaba na.

"Una na kami Tita!" Sigaw ni Chard.

"Ingat kayo! Angela umuwi ka rin agad okay!" Sigaw ni Mommy mula sa dining area.

"Okay!"

Pagkasakay namin sa audi ni Chard ay tinanong ko na siya kung saan kami pupunta. Sabi naman niya sa mall lang.

Saktong 9am na kami nakapunta ng mall, bukas na kasi.

Nagpasama siya sakin sa department store dahil may bibilhin daw siya. Napunta kami sa men shoes.

Habang nagtititingin ako ng sapatos para kay Chard ay hinila niya ako bigla paalis doon, may paper bag na dala.

"Oh, nakapili ka na?" Tanong ko.

"Yup, kaya ikaw naman bibilhan ko." Kumindat siya sakin at ngumiti ng malawak.

Napanguso na lang ako para mapigilan ang ngiti. Ramdam ko rin ang pagbilis ng pintig ng puso ko.

Pinaupo niya lang ako doon sa isa sa mga upuan dito sa womens shoes. Siya daw pipili. Pagkabalik niya ay may dala siyang dalawang pares ng sandals at yung isang sales lady ay isang pares ang dala.

A Letter From Him (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon