Bedtime Stories

352 3 4
                                    

PAYONG, SULAT, PUNO AT ULAN 

Umuulan noon. Wala na naman akong dalang payong pero okay lang. Naka-istambay ako sa ilalim ng isang puno. Nakita ko si Merce. Nakikipag-usap siya sa isang babae, kay Girly. Kumirot ang puso ko konti.Okay, kumirot talaga sya. Ang sakit pala, kahit di kami, basta mahal mo sya. Nagpipigil na ako ng iyak nang oras na iyon. Ang sakit nga sa lalamunan eh, yung pinipigilan mong ilabas ang luha. Di rin nagtagal,umalis na sila. Mukhang di talaga nila ako nakita. Paalis na rin ako nang mapansin kong palapit si Merce sa akin. Aba, napansin nya ako? Eh ang luha ko? Ang mukha kong parang pinagsakloban ng langit at lupa?

Di pa siya tuluyang nakalapit, nagsalita na ako.

Merce, di ko na kaya. - ako 

Na-ano ka? (?_?) - Merce 

Napatawa ako. Syempre di nya alam na mahal ko siya noh, alangan naman babae hahabol sa lalake. Eeew. Di ako ganon noh. Conservative daw ako. 

MInahal kita Merce- ako 

Oowwsss.. - Merce. 

Aba't di naniwala ang loko hah. Eh kung ipainom ko sayo luha ko?! 

Aalis na ako bukas. - ako 

Nataranta ang ungas. 

HaLah?! Bakit? Kelan? - Merce. Natataranta talaga. Mas malala pa toh sa best friend kung umasta eh. Sabagay close naman talaga kameh eh. 

Napangiti rin naman ako. Cute kasi sya kung natataranta eh. Pero dahil rin sa may care sya dahil paalis na ako. Di bah. He cares.! 

Masyado kasi akong nasasaktan dito eh. Di ko na kaya Merce. - ako 

Di ko na sya pinasalita. Syempre. Natulala rin naman sya eh. Mga 3-5 minutes pa siguro bago makaget-over yun. Slow eh. Hindi ko na sya hinintay pa. di ko na rin pinakinggan ang response nya. Umuwi na ako. Tinakbo ko lang. grabe noh. Naghahanap ng sakit eh. Tumakbo sa ilalim ng ulan tapos papa- air con sa loob ng kwarto. Syempre umiyak rin ako noh. Humagulhul ako doon ng todong-todo. Sariling bahay na eh. Iba talaga pag may trabaho ka nah. Matapos malabas ang sama ng loob ko. Dere-deretsong tulog na. Aba naman kasi, ang aga ng flight ko bukas noh. Di pwedeng malate kaya dapat early bird ako. 

Balikan natin si Merce. Hayun sya sa ilalim pa rin ng puno. Nakatulala. Nakatunganga. Nakatanga. 

--------3rd Person's POV------- 

Mahal nya pala ako?- Merce. 

Malamang. Sinabeh ng babae eh. Sadyang bitter noh. Lalo na kung torpe ka. 

Hindi lang pala ako ang nababaliw eh- Merce. 

Ganun. Pag-inlove baliw na. Sabagay, kinakausap mo sarili mo eh. Sige kayo na main-love dyan. 

Ewan kung anong nangyari pero di napigilan ang flight ni babae. Sabagay sabi niya bukas lang. walang oras or kung anong airport or kung anong plane. Dagdag mo pa ang dami ng tao, hindi rin alam ni Mercekung saan patungo yung isa eh.  

-----ilang taon nang lumipas------ 

Dito na masasabi na career men and women na talaga yung batch ni babae at Merce. Pro na Pro na sila sa trabaho eh. Marami na sa kanila ang nag-asawa na. 

POV ni babae. 

Bumalik ako sa dating bahay ko. Syempre bumili rin ako ng bahay sa ibang bansa. Matagal rin ako doon eh. Sa Zimbabwe. Haha. Yun kasi yung last place na hahanapin ako eh. 

Aba, ang dami palang letters ditto eh. Di ba nila alam na walang tao ditto? Eh nag-status na ako sa FB na aalis ako. 

Di ba sila nag-iinternet? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon