Ern's pov
"Ern!" Bigla akong napaharap sa babaeng tumatakbo papalapit sa kin galing sa pinto nang classroom.
"Oh bakit?" Taning ko kay Miro. Ung best friend ko na classmate ko din.
"Anong o bakit ka jan? Ung boyfriend mo, may nililigawan nanaman!" Ano pa nga bang bago Miro. Halos linggo linggo, araw araw, buwan buwan, may bago yan ee.
"Yaan mo siya Miro." Sabi ko na lang. I mean ano namang magagawa ko? Kasiyahan nya un. Bat ko siya pipigilan. Girlfriend niya lang naman ako.
"Anong hayaan? Martir ka na Ern!" Bulyaw muli sa kin ni Miro.
"Wala naman akong magagawa Miro. Kung pipigilan ko siya, para ko na ding hinadlangan ang kasiyahan niya." Sabi ko na lamang at nagpatuloy sa dinodrawing ko.
"Ay tanga...." mahaba habang pag bigkas ni Reo. Kaklase ko na nakaupo sa bandang likudan ko. Makulit din naman siya. Kaya lang minsan lang makipag usap sa ibang tao bukod sa kin. He considers me as his friend, kaming dalawa ni Miro. Tahimik din siyang tao. Mag sasalita pag gusto.
"Hindi naman. Nagmamahal lang Reo." Sabi ko sabay hawak nilang dalawa ng sabay sa mga ulo nila at umiling iling.
"Edi martir naman." Sabi naman ni Mayu, class president namin. Mabait, matalino at magaling sa leadership. Close din namin siyang lahat. Magaling mag bigay ng advice, kaya nga bagay lang sa kanya ang pagiging class president.
"Makipagbreak ka na kaya." Sabi naman ni Gino, boyfriend ni Mayu sabay yakap ng patalikod kay Mayu. Sobrang sweet nyan grabe. Minsan nga naiinggit ako sa kanilang dalawa. Kasi kahit kailan, di naman ako niyakap nang ganyan ni Cali.
"Kung makikipag break ako, malulungkot ako. Siya na lang kasi ang meron ako." Malumanay kong sabi habang gumuguhit.
"Bat kami? Ano ba kami sayo?" Bulyaw uli ni Miro.
"Mga kaibigan ko kayong matalik oo. Pero pag dating sa aspeto na meron kami ni Cali, hindi kayo kabilang doon. Sana maintindihan nyo." Malungkot kong sabi.
"Haay nako Ern. Basta pag di mo na kaya, dadayaman ka namin ha. Kung yan din naman ang makapag papasaya sayo, bat ka namin pangungunahan." Sabi naman ni Mayu.
Dumating din naman ang teacher namin at agad silang bumalik sa dati nilang pwesto. Iniligpit ko naman din agad ang gamit ko para di na ako masita ng teacher.
"Okay class, Good morning. " bati ni Teacher Rose. Teacher namin sa History.
"Good morning teacher." Bati din naman namin pabalik.
Nasan na kaya si Cali. Mapapagalitan nanaman siya neto. Late nanaman siya.
"Okay, bring out your assignments." Sabi ni teacher habang nag sususlat sa board.
Agad din naman namin ipinasa ang mga assignments namin nang dumating si Cali.
"Oh? Mr. Tadashi, bakit late ka nanaman?" Mataray na tanong ni Teacher Rose.
"Kasi teacher, may niligawan po ako." Sabi naman ni Cali habang pa cool cool pa.
"LANDE!" Sigaw naman bigla ni Miro. Sabay nagtawanan ang mga kaklase ko. Kahit kelan naman talaga tong si Miro oh. Hays.
"Quiet class!" At napatahimik naman ang klase.
"At ikaw Mr. Tadashi! Asan ang assignment mo. Hindi kita papapasukin sa klase ko hangga't wala kang binibigay na assignment! Hindi puro panliligaw ang inaatupag mo! " Bulyaw ni teacher Rose.
Nagpakunwari namang hinahanap ni Cali ang assignment niya. Paano ko nalaman? Sabi sa kin ng kapatid niya, puro computer games lang ang ginawa niyan buong magdamag. Kaya walang assignment yan.
"Ano?! Asan na?" Bulyaw ulit ni Teacher Rose.
"Ay naku teacher, hindi ko po makita." Pacool uling sabi ni Cali.
"Kung ganun! Pumunta ka sa likod mag---." Bago pa man natapos ni Teacher Rose ang sasabihin niya at agad akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Anong kailangan mo Ms. Kanayoshi?" Tanong ni Teacher Rose.
"Ito po ang assignment ni Mr. Tadashi teacher." Sabay kuha ko sa papel ko na nasa lamesa niya at iniabot agad sa kanya.
"Paanong naging assignment ni Mr. Tadashi ito kung pangalan mo ang nakalagay? Ano un, minagic ganun?!" Bulyaw ni Teacher Rose.
"I e-erased h-his n-name teacher. S-so I c-could replace i-it by my name. I am sorry." Sabi ko na lang.
"Very well then. Mr. Tadashi you can go to your sit. Ms. Kanayoshi, stay in front." Sabi ni Teacher Rose at agad akong kinabahan sa gagawin niya.
Agad niyang kinuha ang manipis at mahaba niyang pamalo at winagayway sa hangin. Naririnig naming lahat ang tunog na nalilikha nito. At bawat tunog nito ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Okay class, panuorin ninyo kung gaano ako kabagsik pag dinadaya ako!"sabi niya sabay palo ng malakas sa bandang binti ko sa likudan. At masasabi kong sobrang sakit nun.
"Diba 20 items ang assignment natin class? Now Ms. Kanayoshi, you'll have 10 strucks at your legs and you hands para magtanda ka. Ngayon, nakaisa ka na sa binti mo. 9 pa at 10 sa kamay." Sabi ni Teacher Rose at nag patuloy sa pag palo. Tahimik ko naman itong tinatanggap habang nakatingin na lamang sa dingding sa likudan.
Pinipigilan ang pag patak ng mga luha ko na nag paparating sa kin kung gaano ako nasasaktan. Physically yet emotionally.
Nang mapatingin ako sa gawi ni Cali, nag se cellphone lamang siya. Habang si Miro naman ay nakatakip ang mukha habang umiiling. Si Mayu naman ay sa ibang lugar naman nakatingin.
Natapos ang araw ko nang ganun ganun na lamang. Medyo hirap lang akong maglakad dahil sa hapdi ng mga palo ko. Lalo na sa kamay, hirap tuloy ako sa pag bit bit ng mga libro ko. Buti na lang at tinulungan ako ni Miro.
Hanggang sa makarating ako sa locker ko at inilagay din ang mga libro ko. Iniwan na din naman ako ni Miro at baka mapagalitan nanaman siya ng mama niya.
Nang mapatingin ako sa paparating. Si Cali pala at naka aakbay kay Shin, ang leader ng cheering squad sa school. Ah, sya pala ung tinutukoy ni Miro kanina.
Nang madaanan na nila ako, di man lang ako pinansin ni Cali at nag tuloy tuloy na lamang.
Pagkatapos ko sa locker ko, nagpunta na ako sa waiting shed para maantay si Cali at maihatid na ako. Un lang naman ang naging tungkulin niya sa kin bilang boyfriend ko, ang ihatid lang ako pauwi.
8pm na, wala nang masyadong tao dito sa school bukod sa mga taong nag aabang ng masasakyan. Mukhang nakalimutan nanaman ni Cali ang paghatid sa kin pauwi.
Maglalakad na siguro ako pauwi.
YOU ARE READING
Lost In your Love (On-going)
Teen FictionIts about letting go someone you love even if it could take your happiness.