Is this really the end of our Story? <3

34 0 0
                                    

Unang Tagpo

Sabi nga nila, masyado pang maaga para magkasyota. Pero, mapipigilan mo pa ba ang puso mo kapag tumibok na sa isang tao?

Ako si Bianca Legazpi. Simple. Maraming pangarap sa buhay. Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa patibong ni kupido.

"Anak, mag ingat sa pagpasok sa paaralan" sabi ni Mama.

"Opo." sabay lakad ko palayo. Narating ko ang paaralan ng maaga.

Wala pa gaanong estudyante. Naisipan kong sa canteen nalang dumiretso para naman makapag agahan na ako. Pagdating ko doon ay may isang grupo ng kalalakihan. Hindi ko inaasahang mayroong makakakuha ng atensyon ko. Nakapasimple ng pagmumukha niya at sobrang maamo. Nilagpasan ko siya. Sinusubukan kong labanan ang kilig ko. Pagkatapos kong umorder ay pumunta na ako sa isang bakanteng upuan malayo sa grupong iyon. Maya-maya pa'y tumunog na ang bell at kinakailangan na naming pumunta sa mga silid namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabanggaan kami sa daan. Tumatakbo ako at siya ay di tumitingin sa dinadaanan kaya't walang ano ano'y natumba ako.

"Sorry miss."

"Ahh. Okay lang. Hindi naman ako nasaktan." Pero sa totoo'y nasaktan ako. Masakit ang paa ko. Hinatid niya ako sa silid namin at... Kaklase ko pala siya. Naliligaw pala siya kaya't di siya tumitingin sa daan.

At mas nakakakilig pa ang susunod na nangyari. Hindi siya umaalis sa tabi ko kasi alam niyang may masakit sa akin kahit hindi ko sinasabi sa kanya.Inaalalayan niya pa ako. Kahit hindi namin kilala ang isa't isa. Alam kong nagkakaroon na ako ng gusto sa kanya.

"Bawal akong magkaboyfriend" bulong ko sa sarili ko.

"Ano?" sabi niya. Siguro'y nagtataka siya kung anong sinasabi ko.

"Wala" sabay ngiti ko.

Lumipas pa ang ilang buwan at linggo ay palagi na kaming nagsasama. Literal na nagsasama. Hindi na siya sumasama sa grupo niya dahil buong atensyon niya ay nasa akin na.

Pangalawang Tagpo

 Naging magkaibigan kami. Nagkasama sa lahat ng bagay. At ang nararamdaman ko? Mas lumala. Pumupunta siya ng bahay. Pinapagalitan ako ni mama dahil baka raw ay boyfriend ko.

"Anak, bata ka pa."

"Anak, wag muna ngayon."

"Anak, maniwala ka sa akin."

Palagi itong sinasabi sa akin ni mama. Minsan nga ay nakakasawa na. Pilit ko rin namang pinipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Siya nga pala si Paul Tuazon.

Mayroon pang isang pagkakataon na umiiyak na ako dahil sa paulit-ulit niyang sinasabi.

"Wag kang magboboyfriend, anak. Lagot ka sa amin ng Papa mo kapag nangyari iyan."

Napaiyak ako sa kadahilanang nararamdaman kong wala silang tiwala sa akin. Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend pero bakit ganito nalang ang lahat?

"Saan ka pupunta?" tanong ni Papa nang makita niyang nakasuot ako ng casual.

"Mayroon po kaming event sa paaralan."

"Umuwi ka agad pagkatapos ng event na sinasabi mo."

Is this really the end of our Story? &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon