Chapter 6: SUMMER VACATION~(THE ARRIVAL) \^O^/
( Shee's P.O.V )
Kakababa lang namin mula sa van. Nandito nga pala kami ngayon sa ***somewhere in the phil.***
Dito ako lumaki. Pati parents ko, dito nakatira. 3 yrs. na rin akong hindi nakabalik rito. Actually, umalis ako sa lugar nato noong grade 4 pa lang ako. Pinapunta ako ng parents ko sa Maynila upang doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Every 3 months ay dumadalaw ako dito. Ngunit, noong tumuntong ako ng high school ay naging busy na ako masyado kaya wala na akong oras dumalaw dito. Kaya nga, laking pasasalamat ko sa M-5 at naisipan nilang magbakasyon. Kaya agad kong sinaggest ang lugar naming at pumayag naman sila! Kaya heto kami ngayon, kakarating lang sa lugar namin.
Siguro nagtataka kayo kung paano ko nakilala ang M-5. Ganito kasi ang nangyari... noong freshmen high school ako ay naging kaklase ko si Charm. Wala akong naging kaibigan nung time nayon kasi ayaw nilang makipag kaibigan sa akin dahil probinsyana raw ako. Hindi ko nalang sila pinansin dahil ayaw ko ng gulo. Tahimik naman ang aking buhay hanggang sa isang araw...
***flashback**
Nasa harap na ako ng pinto ng classroom namin. Papasok na sana ako ngunit bago pa ako makahakbang ay bigla nalang ako natapunan ng maputing bagay. Akala ko nung una polbo iyon...pero hindi pala. Chalk powder pala ang natapun sa akin. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko nun. Napaupo nalag ako sa sahig nun at walang nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hanggang sa may naramdaman akong lumapit sa akin. Titingnan ko sana kung sino yung lumapit ngunit bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. magsasalita sana ako ngunit naunahan niya ako.
"hai seatmate... napakaiyakin mo naman... wag ka ng umiyak. Sige ka, papangit ka niyan... akin na lang kaya yang mukha mo...sayang naman ang ganda mo kung iiyak ka lang jan eh noh... kaya tahan nah kung ayaW mo mawalan ng mukha Luhyra..." sabi ni Charm habang pinapatayo ako
" gaga! Shee nalang ang itawag mo sa akin....ayaw ko ng Luhyra eh..." sabi ko habang pinapagpagan ang uniform ko
" o sige, Shee nalang ^___^" sabi niya sabay pulot ng mga chalk powder.
"ano ginagawa mo? Bakit mo yan pinupulot?" tanong ko
"wow naman...ikaw nagtanong ikaW RIN SUMAGOT...HEHEHE...alam mo,, minsan ang buhay ay parang BOXING lang...? kung hindi ka lalaban, hindi ka mananalo at forever ka ng talunan! Katulad ngayon...kung hindi ka gaganti,........
...
....wala kang panty! Kaya ano pa hinihintay mo! Pulot2x rin pag may time at bato2x rin pag may time! Hahaha" sabi ni Charm at saka pinagbabato ng chalk powder ang iba pa naming mga kaklase. Wew! Iba rin ang isang toh! First time kong maka-encounter ang isang tulad niya....GAGA....hahaha.... wala na akong nagawa kundi gayahin nalang ang pinag gagawa niya... at nagkaroon nga ng chalk powder fight sa loob ng klasrum! Ang saya nga eh!hehehe... na guidance pa nga kaming lahat nun... peru ok lang...dahil hindi ko pinagsisihan na sumali ako sa CPF ng araw na yon... kasi, kung hindi dahil dun,, hindi ko makikilala ang isang Charm Min Mercedes!
***End of Flashback***
Simula nung araw nayun, palagi na kaming magkasama ni Charm. Ang sarap ngang kasama si Charm eh! Minsan nga nahahawa na ako sa pagiging GAGA niya! Hahaha...
Dumaan ang ilang lingo, parati pa rin kaming magkasama ni Charm. Hanggang sa isang araw, naglalakad kami sa hallway nang may mapansin kaming nagkukumpulan na mga estudyante. At dahil sa likas na chismosa kami, eh nakikumpol na rin kami.. at dun namin nakita ang apat na babae.,este, estudyante na nagsasabunutan ng buhok. Well, may isa kasing lalaki na kasali eh... at eto pa ang nakakatawa...hirap na hirap yong babae habang sinasabunutan niya ang buhok nung lalaki! like hello! Sino kayang matino na sabunutan ang buhok ng isang lalaki! Eh ang iikli kaya ng mga buhok nila! Hindi pa rin sila tumitigil sa pag-aaway ng bigla silang lapitan ni Charm. Napahinto naman silang apat at napatingin kay Charm. Hindi lang pala silang apat, pati rin pala yung mga nanunuod.. na kay Charm lang ang atensiyon ng lahat. Nung hindi pa nagsalita si Charm, akamang mag-aaway na naman ulit yung apat ngunit biglang nagsalita si Charm.