Rain's POV
Knock! Knock! Knock!
Bigla akong nagising dahil sa lakas ng katok sa door ko. Tinignan ko agad yung time sa cellphone ko. 6:47 AM. Are you f*cking kidding me?!
Hindi pa rin tumitigil yung kumakatok sa pinto ko. Kaya badtrip na badtrip akong bumangon para buksan yung door.
Salubong yung kilay ko na nakatingin sa kanya. Ang gulo gulo pa ng buhok ko. Namamaga pa yung mata ko dahil kulang na kulang sa tulog.
"Seriously Niks?"
Nagsmile lang siya at saka siya pumasok.
"Alam mong late akong natulog kagabi. Bakit ang aga mong mang-istorbo?"
"Because I asked you yesterday na bumili ng coffee bago ka umuwe. Pero hindi ka bumili. Wala na akong coffee sa apartment dahil ikaw rin naman ang nag-uubos" sabi niya.
Ok, alam kong ang haba ng sinabi niya. Pero wala akong naintindihan dahil antok na antok pa rin ako.
"What?" sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ako sa cheeks.
"I would kiss you on the lips kaso hindi ka pa nag-totoothbrush at naghihilamos" saka siya bumalik sa kitchen.
"Ah ganun ah"
Sinundan ko siya sa kitchen. Ikikiss ko dapat siya sa lips pero umiwas siya.
"Eeww Rain! Mag-toothbrush ka nga muna!"
"Bakit ayaw mo kong ikiss?" sabi ko.
"Dahil amoy alak pa yang hininga mo. Ang dami mo na naman sigurong nainom kagabi noh?"
"Hindi ah. And for you information, bumili akong coffee. Hindi ko lang naibigay sayo last night kasi tulog ka na"
Pumunta ako sa kwarto at inabot sa kanya yung coffee.
It's been 3 months simula nung naging kami ni Nicole. Wala naman gaanong nagbago. Ganun pa rin kami sa isa't isa. Lagi pa rin kaming sabay mag-coffee sa umaga. Maliban lang sa mga araw na natutulog siya sa parents niya. Or kapag isa sa amin ang late nagigising.
Pag-kagaling ko sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush, umupo ako sa dining area habang si Nicole nag-titimpla ng coffee.
"You think I should give you a key to my apartment?"
Lumingon siya sa akin. Hindi siya nagsalita. Inantay kong matapos siya sa ginagawa niya. Pinatong niya yung coffee sa table. At saka siya umupo sa lap ko.
"We agreed about this diba? It's too soon for that Rain"
"I know. Kaya lang ang hassle eh. Tulad ngayon, gigisingin mo pa ako para lang makapasok ka dito"
"Gusto ko rin naman na anytime pwede akong pumasok sa apartment mo. Or vice versa. But we live across each other. Araw araw tayong nagkikita. Dito ka na lang din nagkakaroon ng time sa sarili mo. And same goes as mine"
Nag-smile ako sa kanya. Akala ko nung una sobrang mag-aadjust ako nung naging kami ni Nicole. Kasi ito yung unang relationship niya. Pero nakakatuwa lang na parang walang gaanong nabago sa mga ginagawa ko. Hinahayaan niya pa rin akong lumabas kasama ang mga friends ko or office mates ko ng wala siya.
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?