Heartbeat

0 0 0
                                    

2nd year. 1st day.

Hay buhay. Ba't ba kasi masyado akong matalino at napunta ko sa section 2-B? Nahiwalay tuloy ako kela Phina at Ange! Sa 1-A kasi sila. Ansisipag eh!

'halaaa pano ko makikihalubilo sa mga to?' inisip ko. Pano ba naman kasi wala kong kilala dito pwera lang sa 4 na kaklase ko dati! Hay wareber tatahimik na lang ako.

Few months latur...

Uwian na ngayon at putek! 2nd term na wala man lang akong makausap dito! Ta's di rin ako kinakausap ni Keljay (kaklase ko dati at kaclose ko) kasi may gelprend na! Haysus. Palibhasa fangirl na nga ako otaku pa kaya di sanay makisocialize sa iba. Waaaaaah! Nagdradrama ko dito nang parang may tumatawag sakin

"hi inah!" ngiti niya sabay kaway. Sino nga ba to? Ah si Frio! Problema nito?

"hi!" sabi ko rin at ngumiti. Pagkatapos nun ay umuwi na ako.

Ilang linggo na ang nakalipas at hi parin ng hi si Frio! Di naman sa nakakairita pero nakakairita eh! Pero okay lang kasi at least may nakakausap na ko ngayon dito kahit puro hi lang siya.

Religion na ang subject at meron kaming role playing chever. Tapos na yung pag-arte ng group namin tungkol sa gluttony at may natira pang isang oreo kaya kinuha ko. Oy isang oreo din yun! Pabalik na ko sa upuan ko ng mapansin kong lumipat pala si Frio sa tabi ng upuan ko. Luh? Problema nito? Umupo na ko sa upuan ko at kakainin na yung oreo nang biglang may humawak sa kamay ko. Ah si Frio lang pala.

Huh?

Hawak... Kamay... Frio?

ANOOOOOOOOOO?!?! Eh ano ba tooo?

Gusto mo naman hihi

Shatap my inner self.

Kaya nga eh. Ba't parang there's a spark? You know like one of those cliche stories. WAAAAAAAAAH! Ba't parang bigla akong kinabahan? Yung tipong anlakas ng tibok ng puso ko ta's parang lalabas na s---

"uuuuuyyyyy akin na lang yang oreo mo" putcha naman to manggugulat pa eh kitang iniisip ko nga siya! Ay joke. Ano ba kasi yung naramdaman kong yun?

"oh ayan kainin mo" ta's sinubo ko nang buo yung oreo sa kanya.

"haha tignan mo mukha mo ohhhh! Haha" nakakatawa kasi yung mukha niya na parang nabubulunan!

"tss epal" sabi niya ng nakatingin ng galit at nagbelat.

Few days has passed at naging close na kami. Tuwing magrereview ako sa corridor lagi niya kong tinatabihan, pag walang ginagawa tuwing recess pumupunta kami sa computer lab at nakikinig sa songs ni Ed Sheeran at halos sa lahat ng class activity lagi niya kong tinatabihan. Takte mas gumrabe na yung pagtibok ng puso ko pero di parin ako nakakapagpacheck-up eh. Layuan ko na kaya yung si Frio? Para kasing siya yung dahilan eh. Sa tuwing siya yung kasama ko dun lang naman tumitibok ng ganito si heart eh. Sus sige na nga iwasan ko muna yun baka kasi madeads ako pag tumibok lagi ng ganun si heart ko eh.

1 week latur

Isang linggo na ang nakalipas ng iawasan ko siya. Dun din sa one week na yun niya ko tinatry na kausapin. Kada araw, oras, minuto at segundo kinakausap niya ko. Kahit nga nasa likod yung upuan niya pinapatawag niya parin ako para tumingin sa likod eh. Kasi naman, yung puso ko pag kasama siya tumitibok ng malakas.

Diba nakakatakot? Baka nga kasi nahkakasakut na ko sa puso dahil sa kanya! Eh kasi parang gustung-gusto ko parin siya kausapin na parang di ko na matiis. Haaay wareber basta uuwi na---

"inaaaaaaaaaah!" nako si Frio yun ah!

"uy inah ba't di mo ko kinakausap! Araw-araw kitang tinatawag at kinakausap pero dinededma mo ko! Di mo ba alam kung gano kasakit yun? Sobrang sakit na layuan ka ng mahal mo! Di mo alam kung gano kalakas tumibok yung puso ko pag kasama kita! Kung ayaw mo salin de wag! Warever!" haluh? Love ba ang ibig sabihin nun? Mahal niya ko? At mahal ko pala siya? Waaaaaaah "wait laaaang Friooo" sinigaw ko na magpahinto sa kanya.

"kung sinabi mo kasi yan dati pa edi sana nalaman kong mahal din pala kita! Aysuuuus!" oh ayan na. Mahal ki siya okay?

Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako.

"shunga mo rin eh no" aba't nang-asar pa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon