Chapter Six
Tatlong araw na simula nung masapak si Lindon, mayroon pa rin itong pasa sa pisngi, pero hindi na gaanong halata. Sabado ang last day ng intrams nila, nauna pumasok si Lindon kay Pola. Pagdating nya sa school kinausap nya ang mga kamember ni Pola sa drums and lyre. “Guys, tulungan nyo naman ako, pleaase?” pagmamakaawa nya sa mga ito. Kinausap nya rinn ang ilan sa mga kaibigan nito, yung tatlong kaibigan na palagi nitong kasama. Pati ang mga teammates nya, kasali rin sa plano. Pumayag naman ang lahat. Sabi nya kay Pola, magtext kapag malapit na ito sa school. Maya maya pa’y nagtext na si Pola, pero hindi na sya nagreply dito.
Pagdating ni Pola sa gate, nakita nya agad ang tatlo nyang kaibigan. “Pola! Pola!” tawag nito sakanya, “kanina ka pa namin hinihintay,” sabi ni Cailyn. “Bakit naman?”, “Si Lindon, nasa gym, may kaaway!” dagdag ni Dawn. Agad naman silang tumakbo papunta sa gymnasium, sa gitna ng gym, nandoon ang mga basketball players, nakapabilog ito at tila may pinagkakaguluhan sa gitna. Tingin nya’y nandoon sa gitna si Lindon. Papalapit sya sa may gitna ng tumugtog ang grupo ng drums and lyre ng kantang ‘Never knew I Needed by Chris Brown’. Agad nanamang humarap sakanya ang mga basketball players na may nakasabit palang tag-iisang bondpaper na may nakaprint na letter sa bawat isa. Humanay ito sa harap nya at pagbinasa, ang mabubuong salita ay, “Will you be my girlfriend?” aatras na sana sya, pero pagtalikod nya, nakita nya naman ang tatlo nyang kaibigan na may dalang tag-iisang red rose at inabot sakanya, patuloy pa rin ang pagtugtog ng drums and lyre, mula sa gilid naman ng gymnansium lumabas si Lindon. Agad naman naghiyawan ang mga tao sa gym, dumami na ito higit pa noong una, at marami na rin ang nananood sakanila, maging ang mga teachers nila ay nanonood din.
“Pola, will you be my girlfriend?” tanong nya kay Pola, nakitingin lang ito sakanya, bahagyang namumula ang pisngi, alam nya namang masyadong ‘showbiz’ ang ginawa nya para dito, kaya naman talagang pinaghandaan nya iyon. Matagal na silang nakatayo sa gitna, at hindi pa rin ito nagsasalita. Kinakantyawan na sila ng mga estudyante, ng may biglang sumigaw, “Go! Pinsan, just say yes! Love mo naman si Lindon di ba?” kilala nya ang boses na yun, pagtingin nya ay nanonood na rin pala sakanila si Steph. Muli syang tumingin kay Pola, “Will you ba my girlfriend?” tanong nya ulit dito, at hindi sya nagkamali, worthy ang effort nya, dahil ang sagot ni Pola ay isang matamis na, “YES.”
Agad namang pinost sa facebook ang mga nangyari sakanila, may mga pictures pa sila mula sa mga estudyanteng nanonood. May mga taong natuwa, at mayroon din namang hindi. Isa na dito si Brittany at Cael. Si Ralph na lang ang palagi nyang kasama,humiwalay na sakanila si Cael. Third week ng December ang Christmas party nila, third Monday ng December. May special performance per section kaya naman, kasali sila doon. Sila ng mga classmates nyang lalaki, sasayaw, alam nyang nakakahiya, pero kasiyahan lang naman, at kapag nanalo, may prize. Inaabangan nya kung anong gagawin ng section nila Pola, ang sabi nito, abangan na lang nila kung ano ang presentation ng section nila. Kala Brittany, alam na nilang sasayaw ang mga ito, at hindi na nagbago yoon. Pangalawa silang magpeperform sa apat na section. Ang unang section ay nagrole play. At sila naman, nagbigay saya lang, dahil, hindi naman lahat sakanila ay magaling sumayaw. Ang iba pa nga’y pinagtatawanan dahil matigas ang katawan, pero higit na pinagkaguluhan si Ralph, dahil malambot talaga ang katawan nito, sorry na lang sa ibang babae dahil may girlfriend na din ito. Sumunod na nagperform ang scetion nila Brittany, naghiyawan ang mga kalalakihan at nagsimangutan naman ang mga kababaihan sapagkat masyadong daring ang steps ng sayaw nito, at hindi naman napukaw ang atensyon nya dahil doon. At magpeperform na ang pinakahihintay nya, ang section nila Pola. Kakanta palaang mga ito, accapela, at may solo daw na kakanta. Nagulat sya nang malaman na si Pola pala ang magsosolo ng chorus sa kantang Give Love on Christmas Day. Maganda ang boses nito, at noon nya lang nalaman yoon, kung bakit ba kasi ang daming lihim ng tao na pinili nyang mahalin.
“Oy, babae, bakit hindi mo sinabing maganda pala boses mo?” tanong nya dito. “Bakit? Nagtanong ka ba?” sagot nito. Pagtapos ng Christmas Party, nagpunta sila nila Ralph kasama ang girlfriend nito sa mall, yoon na lang ang bonding nila, dahil Christmas vacation na simula bukas. Kumain lang silang apat at nagpunta sa Quantum. Nakita nya namang hindi naiilang si Pola, kausap nito ang girlfriend ni Ralph na si Darlyn. Sa ibang bansa ito nag aaral, pero pareho lang ito sakanila na fourth year highschool na. “Pare, ang laki ng pinagbago ni Cael no? Dati naman hindi ganun ugali noon eh,” sabi sakanya ni Ralph, “Oo nga eh, ewan ko ba, naimpluwensyahan na lang siguro yoon ng mga bago nyang kaibigan.” Habang naglalaro, dumating din doon si Brittany, kasama ang mga kaibigan nito pati na rin si Cael. “So, nandito pala si Mister King of the night, at pati ang Mister King of the dance floor, kasama ang mga grilfriends nila,” taas kilay na sabi ni Brittany. Lumapit sakanila sina Darlyn at Pola, “Bakit ano problema dito?” tanong ni Darlyn, “Wala lang lyn, wag mo na yan pansinin,” sagot naman ni Ralph, “Ang ganda pala ng girlfriend mo Ralph, buti ka pa, di tulad ng isa dyan, di alam yung definition ng salitang MAGANDA,” dagdag pa nito, napatingin si Darlyn kay Pola, “Miss, baka ikaw yung hindi nakakaalam ng salitang maganda, bakit sino ba maganda sa paningin mo? Sarili mo?” tanong ni Darlyn kay Brittany, “Aba’y alalay lang sa school namin ang ganyang mukha eh.” Pagkasabi non ni Darlyn ay nagwalk out na si Brittany kasunod ang mga kaibigan nito. “Ang galing mo talaga, mare! Kaya love ko ‘to eh,” natatawang sabi ni Ralph sa girlfriend. “Sa wakas, nakahanap din ng katapat si Brittany,” sabi nya sa sarili.
Si Darlyn ay isang mayaman na babae na nag aaral sa ibang bansa, nagbabakasyon ito sa Pilipinas para makasama din si Ralph. May maamo itong mukha at hindi naman katangkaran, ngunit ngayon nya lang nalaman na matapang pala ito.
“Ang taray naman pala ni Mrs. Fernando,” sabi nya dito. Natawa lang ang dalawa. Samantalang tahimik na ulit si Pola, “Oh, bakit natahimik ka?” tanong nya, “Wala lang.” “Aalis ba kayo sa pasko?” tanong nya dito, “hindi, kami lang ni kuya magkasama eh, aalis sila daddy at mommy,” sagot nito, “Tayo na lang, alis din tayo kasama sila Ate Shaniya,” sabi nya, “Kung papayag sila,” tipid nitong sagot.”
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Подростковая литератураSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...