Chapter Seven
December 24, gusto nya sanang makasama si Pola ngayon, pero sabi nito yun lang ang time nila ng family nito para i-celebrate ng advance ang Christmas. At dahil wala naman syang gagawin sa bahay naisip nyang maglibot na lang sa mall at maghanap ng mga pang regalo nya sa ate nya at kay Pola. Gusto nya sanang kasama ang ate nya, pero may lakad ito kasama ang mga kaibigan nito. Kaya naman wala syang nagawa, kundi ang maglakwatsa mag isa.
Palibot libot lang sya sa mall, dahil hindi nya alam kung ano ang bibilhin nya para sa dalawang reregaluhan nya. Napadaan sya sa isang botique ng mga bags, alam nya namang mahilig ang ate nya dito kaya naman bag na lang siguro ang bibilhin nya para dito. “Pink, blue, green, red, black, white, yellow, brown. Ano pa ba ang kulay na kulang sa kanya?” tanong nya sa sarili. “Violet!” naalala nya, orange pala ang huling kulay ng bag na binili nito. “Ano naman yung para kay Pola? Ang hirap mag isip,” napadaan sya sa botique ng mga stuffed toys, “Stuffed toy? Napaka common naman, pero....” Natapos din syang mamili ng mga pang regalo. Oras naman para mamili ng pang balot sa mga ito. “Pink, Hello Kitty? Pwede na siguro to,” sabi nya sa sarili. Pag uwi nya sa bahay, agad syang nagpunta sa kwarto at doon nagkulong para magbalot ng regalo, first time nya lang magbalot kaya naman todo effort sya, nagsearch pa sya sa YouTube para lang dito.
Matapos magbalot, bumaba na sya para kumain, ang Ate Shaniya nya ang naghain ngayon dahil umuwi sa pamilya nito ang kasambahay nila. “Kain na, Lindon,” aya nito. Habang kumakain sila, “Lindon, may lakad ka ba bukas?” tanong ng ate nya. “Wala naman ate, bakit?”, “Buti naman, dito na lang magce-celebrate ng Christmas sila Genesis at Pola,” sagot ng ate nya, “Ah, sige okay lang, para mas tipid, dito na lang sa bahay, nakakasawa na sa mall eh.” Nagpatulong ang ate nya sa paggawa ng grahams at fruit salad. “Gusto mo ba ng vegetable salad bukas?” tanong nito, “Sige, Ate. Wag ka na magtanong, gusto ko yan, lagyan mo ng fullon ha at bacon,” saad nya.
Silang dalawa lang ng ate nya ang palagi magkasama, namatay ang Daddy nila noong four years-old pa lang sya, at ang Mommy naman nila ay nasa Saudi Arabia. Kaya naman hindi na nagtataka ang mga kaibigan nya kung bakit ganoon na lang sila kalapit sa isa’t isa ng Ate Shaniya nya.
Kinabukasan, maaga syang gumising para tumulong sa Ate nya sa kusina, pero laking gulat nya nang madatnan nya si Pola at ang kuya nito na tumutulong na sa Ate nya sa pagluluto sa kusina. “Merry Christmas, Lindon,” sabi ni Genesis. Napatingin si Pola, at ngumiti ito ng makita sya. “Merry Christmas, bi-ey-bi-way,” bati nito sakanya, “Merry Christmas, Goodmorning, eich-yu-en-way ,” bati nya dito. Bakit bi-ey-bi-way? B-A-B-Y. Bakit eich-yu-en-way? H-U-N-Y. Tumulong na sya sa mga ito, pagtapos ay naligo na din sya. “Okay, bigayan na ng regalo,” sabi ng Ate nya. Pumunta sya sa kwarto at kinuha ang isang plastic ng regalo. “Ang dami naman nyan, Lindon. Mukhang pinaghandaan mo talaga ha, kailan ka pa natuto magbalot ng regalo?” natatawang tanong ng Ate nya. Inabot nya sa Ate Shaniya nya ang regalo para dito, ganoon din naman sa boyfriend nito. Nakatingin sya kay Pola, “Saan na yung regalo ko, babae?” tanong nya dito, “Hala, wala eh. Hindi kasi ako nakapag ipon,” sagot nito, natawa sya, “Okay lang yoon no, kiss mo na lang ako,” nakangiting sabi nya dito, “Hoy! Lindon, puro ka kalokohan,” suway ng Ate nya, dinilaan naman sya ni Pola, natawa ulit sya, “Sige na nga oh eto na, lahat ng nasa plastik sayo.” Nakita nya namang nagulat ito, “Ang dami naman,” saad nito.
Bumili sya ng bag, para sa Ate nya, at nakita nya ang isang botique para sa mga couples. Pumasok sya doon at bumili ng t-shirt para sa Ate nya at kay Genesis. Bumili din sya ng sneakers at backpack para naman sa kanilang dalawa ni Pola. Napadaan sya sa bilihan ng mgasilver accesories at bumili ng couple rings, bumili din sya ng kwintas at hikaw para kay Pola. Pagdating nya naman sa bilihan ng stuffed toys, bumili sya ng teddy bear, binilhan nya din ito ng damit at pinagawaan ng bought certificate, pinangalanan niya itong Snoozer. Pumunta sya ng National Bookstore at bumili ng Christmas Card para kay Pola. Dahil sa hirap syang mamili ng regalo para dito, kaya naman lahat ng maisip nya ay binili nya na lang para dito.
“Lindon, eto nga pala regalo ko para sayo,” inabot sakanya ni Pola ang isang usb. Nagsalo-salo sila sa pagkain hanggang sa oras na para umuwi ang mga ito. “Lindon, wag mo na ilabas yung laman ng usb sa facebook at kung saan pa man ha,” sabi nito sakanya bago ito umuwi. “Opo, eich-yu-en-way, I love you. Merry Christmas,” pag papaalam nya dito. “I love you more, bi-ey-bi-way. Merry Christmas ulit.” Pagkauwi nila Pola, naglinis ulit sya, hindi naman ganoon kakalat dahil nagligpit naman sila bago ito umalis, kaya lang may kaunti pang natira. Matapos maglinis ay umakyat na ulit sya sa kwarto nya para buksan ang usb na binigay sakanya ni Pola, excited sya sa kung ano man ang laman nito.
“Hi! Bi-ey-bi-way! Mister Lindon O. Vilerio, this is Pola I. Gregorio, speaking. I just want to inform you that I really love you so much, and I’m very thankful that we’re together. I hope that you will never change. I hope that you’ll stay the way you are right now. Sorry if this record makes your nose bleed. Just always remember, that whatever happens, I will be always here for you. I’ll be your girlfriend and your bestfriend. I love you, bi-ey-bi-way.”
Ito ang maririnig sa record mula sa usb na binigay nito sakanya. Simple nga lang siguro ang gusto ni Pola, hindi ito tulad ng iba na mahilig sa materyal na bagay, ito’y isang tao na mas maa-appreciate kung talagang nag effort sila. Hindi nya pa binibigay dito ang couple ring na binili nya, sa New Year nya pa ito ibibigay. Inilagay nya sa cellphone nya ang voice record ni Pola, simula ngayon ito na ang magiging ringtone nya para lang kay Pola sa twing magtetext at tatawag si Pola, gusto niya, ang boses agad nito ang maririnig nya. Isa itong pasko na hindi nya malilimutan, unang pasko na kasama nya si Pola.
“Lindon, hahahaha! Ang sweet mo pala.” Isnag text message ang nareceive nya mula kay Pola.
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Teen FictionSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...