(Two hours prior to Riri's Birthday Party Event)
Eunwoo's POV
7:00 pm palang pero BOREDOM STRIKES
PUTA! ANG BORING!
Muli kong isinalpak ang sarili ko sa kama. Nagpagulong gulong ako hanggang sa.. TANGNA! ARAY! nabali ata esophagus ko nung tumama likod ko sa sahig.. peste!
Umupo nalang ako sa sofa sa gilid ng bintana saka tumingin sa buwan.
Mabuti pa ang buwan sobrang liwanag. Pero ba't ang buhay ko NAPAKADILIM?
Ano na kaya ang ginagawa nung babeng yun ngayon?
Ang tanga tanga nya talaga. Akala ko ba ginagawa nya ang lahat maiwasan lang yung tyanak na yun? eh ba't ganun ang ginawa nya?
ANG GULO NYA! SOBRA!
TSK!
Kaya ngayon sure na sure akong nag-eenjoy yun ngayon kasama ang lalaking pinapangarap nya. SANA TALAGA MAG-ENJOY SILA! PWE!
Napatingin ako sa mesa nung mag-vibrate ang cell phone ko kaya agad ko naman itong kinuha.
Unknown number?
Pare, just wanna ask a favor. Though I know I don't have the right. Please look after Lynn tonight. Something came up at naipit ako kaya hindi ko magagawa na maging partner nya. Pinabura ko na ang pangalan ko as her pair then currently the management is changing it to your name. Kaya pakisabi nalang mamaya sa guard ang pangalan mo together with hers. And by the way, puntahan mo sya sa puno ng mangga malapit sa Mansion. Papunta sya dun ngayon at pakidala na rin ng maraming band aid. Salamat.
HUH!?
TANGNA! ANO AKO OPTION?!
MATAPOS MONG TUHUGIN ANG BABAENG YUN! PINASA MO NA NGA SAKIN ANG LAHAT NG RESPONSIBILIDAD MO! PATI BA NAMAN ANG PAGBANTAY SA KANYA AKO DIN GAGAWA NUN!? IPINANGANAK AKONG TAGA-PAGMANA! HINDI YAYA! PUTA!
Bwisit!
Binuksan ko ang Messenger at hinanap ang pangalan ni Chloe sa gc ng section namin. Hindi kami friends sa fb. Hindi din naman kasi ako masyadong nagi-ifb. Sila Jinjin at Moonbin lang naman kasi ang natatanging friends ko. Si Jinjin na walang kalaman laman ang account at si Moonbin na recently puro lang mukha ni Riri ang nakabalandra. Kaya sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana.
Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang account ni Chloe. Tanga lang kasi ang hindi nakaka-alam na hindi ka pwedeng pumasok sa lugar na 'yon ng walang partner. Isa pa baka magwala pa yung dalawang amazona.
Hoy Chloe! putang ina! ako na ang bahala kay Lynn. Wag nyo na syang problemahin.
TSK!
Ayan tuloy. Ako na ang mamomroblema sa kanya.
Matapos kong masend ang message ay tumayo na ako at lumabas ng condo. Dediretso muna ako sa kubo para makapaghanap ng masusuot.
--
Mahigit isa't kalahating oras ang lumipas ay sa wakas nakarating na rin ako sa Grand Entrance. Pero dadaanan ko nga pala sya muna sa.. PUTA! SAN BA YUN!
Oo sa puno nga pala ng mangga! ba't sa lahat ng puno, sa mangga pa? pwede namang sa bayabas o saging o di kaya sa sampalok?
Sakto namang pagdating ko ay may umalis na sasakyan sa katapat ng puno. Sino naman yun?
Agad akong bumaba ng sasakyan at hinay hinay na lumapit sa puno. Bigla akong napahinto ng may maaninag akong babae na nakaupo sa ilalim ng kahoy.
Ang babaeng shunga pala na hinahanap ko. Mabuti pa si dim light maganda sya tingnan, pero sa liwanag, hindi kapansin pansin mukha nya. Sa katunayan nakakasuka nga eh.
BINABASA MO ANG
Daddy Eunwoo (ASTRO)
FanfictionKumaway ako sa lalaking kaharap ko. "Hi Hello!" PATAY! kung minamalas ka nga naman! sa napakaraming tao na pwedeng dumaan dito. Bakit pa si Eunwoo? "Hi Eunwoo ehehe. Musta?" ulit ko pa pero diretso lang syang nakatingin sa akin. Tsk. Cold naman ng...