I've Been Beset By Thoughts Of You

442 25 6
                                    

"Dito na lang ako sa Pilipinas magti-take ng Law, Dad, Mom," kaswal na paalam ni Miguel Jr. or Miggy habang naghahapunan sila sa bahay isang gabi.

He noticed his parents looked at each others first before giving him a questioning look.

It's been 2 days since he came back from Harvard after studying there for only 2 months. Hindi niya nakayanan ang lungkot nang pag-iisa habang andun siya. He's been living alone in the States and staying in an apartment near the university. Wala siyang kamag-anak o kahit kakilala man lang doon maliban sa mga naging kaklase niya. Studying the course is hard enough, what more kung mag-isa lang siya? Walang pamilya, walang kaibigan, walang.......Sherine.

He may had left her alone as he promised her after their argument one time during college, pero hindi ibig sabihin non, nawala na rin ang pagtingin niya sa dalaga. Ang akala ng lahat, pati na ni Sherine, nawala na ng tuluyan ang pagtangi niya dito, where in fact, he is still deeply and madly in love with her. Until now. He's just doing his damn best not to let anyone know, especially her.

He thought when he agreed with his grampy's wish na sa Harvard mag-aral, kakayanin niya ang malayo kay Sherine. He's confident na kahit wala siya sa paligid, someone, if not all the people around him, will take care of her for him. And it was some sort of test for him too, to really know how deep is his love for the lady. Pero nakakailang araw pa lang siya dun, hindi na siya mapakali. Tumatanggi agad ang puso niya na hindi makita ang dalaga kahit hanggang sulyap lang. Almost everyday he would call his family or Sherine's family, and even their common friends, to ask indirectly about her. Siyempre, hindi niya ipinapahalata na humahagilap lang siya ng balita tungkol dito, dahil oras na may makahalata sa mga ito, lalo na ang pamilya niya, siguradong makakarating sa dalaga.

It was the most tormenting months for him, ang hindi masilayan ng mata niya ang iniirog niya. Totoo namang hindi rin niya kaya ang mawalay sa pamilya, at lalong hindi niya iniinda ang hirap ng pagiging law student dahil likas na matalino siya. Pero mas nakahihigit ang pagka-miss niya sa dalaga, at pakiramdam niya ay ikamamatay niya kung magtatagal pa ang hindi niya makita ang dalaga.

"Why the decision?" napukaw ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang tanong ng ama.

"You know why."

"Why nga?" ang mommy naman niya ang nagtanong.

"I can't live alone far away from all of you, that's why."

"Paano ang lolo mo?"

Kibit-balikat ang isinagot niya.

His maternal grandfather used to be the governor in their place. Grumadweyt ito sa Harvard as a lawyer it hiniling nito na ganun din ang gawin niya. Gusto din nitong sundin niya ang yapak nito, ibig sabihin, maging politiko siya balang araw.

Pero ayaw niya. Ayaw niyang maging politiko. Ayaw niya ang tinapos niyang kursong Political Science. Ayaw niyang kumuha ng Law. Ayaw niya ang nangyayari sa buhay niya ngayon.

Pero may magagawa ba siya? Wala. He loves his family to the bits, at hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na makakasakit sa mga ito, lalo na ang lolo niya.

Ngayon lang.

He loves the old man, may pagka-tyrant man minsan, still, he looks up to him more than he does with his own father. At sana maintindihan nito kung umayaw man siyang mag-aral sa Harvard. His grandfather knows how close he is with his family at kung ayaw nitong hindi matupad ang pangarap nito sa kanya, papayag ito sa gusto niya.

"Have you told grampy about your decision?" pukaw na naman sa kanya ng kanyang ama.

"Hindi pa po Dad. But I'm sure may idea na siya kung bakit ako biglang umuwi ngayon. We'd been talking about my being alone there and I hinted many times na gusto ko nang mag-backout from that school."

Afraid For Love To FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon