(A-Ches' P.O.V.)
"Dude!" Sigaw ni Sir.Kim kay Sir.Min
"Bakit? Mamaya ka na, inaantok pa ako," sabi niya
"Um!" Pinagulong sya ni Sir.Kim
"Puwede patry?" Biro ko at tinignan lang nila ako
"Nasa harapan ka ng employee natin, umayos ka nga," sabi ni Sir.Kim
"Nagpapakatotoo lang ako," sagot niya, natawa ako sa bangayan nila
"Ms.Park," biglang tawag ni Sir.Min
"Po?" Tanong ko
"Palitan mo na ako sa pagka CEO," sabi niya kaya hinampas siya ni Sir.Kim
"Kim Nam Joon," tawag niya kay Sir.Kim, mukhang seryoso na si Sir.Min kaya nanahimik si Sir.Kim
"Pag usapan natin iyang madalian mong desisyon," sabi ni Sir.Kim
Ilang beses pa silang nagpilosopohan bago sumeryoso ulit
"Ms.Park," si Sir.Kim naman ang tumawag
"Bakit po?" Tanong ko
"Hanggang kailan ang kontrata?" Tanong niya
"Hanggang sa manguna raw po ang MY Company," sagot ko, napahawak siya sa ulo niya
"DUDE NAMAN!" Sigaw niya
"Oh?" Kalmado lang na sabi ni Sir.Min sabay abot ng illustration ko
"Ano ito?" Sabi niya at tinignan ang papel
"Ikaw ang gumawa nito?" Tanong niya sa akin
"Pasensya po kung di kagandahan, tinatamad po kasi ako kanina kaya binilisan ko na," sabi ko
"Tinamad ka pa nito!?" Tanong niya
"Hindi lang ako ang tamad dito," sabi ni Sir.Min
"Tumigil ka, sya kahit tinatamad nakakagawa ng magandang outcome, eh ikaw!?" Sabi ni Sir.Kim
Bumuntong hininga si Sir.Min
"Mamaya ko na sasagutin iyan," sabi niya
Umiling iling lang si Sir.Kim nang tumingin sa akin at ngumiti
"Sikreto lang ito ha," sabi niya
"Opo," nakalagay naman sa kontrata eh
"Patingin nga ng kontrata," sabi niya
"Hindi puwede," sabat ni Sir.Min
"Anong!?" Reklamo ni Sir.Kim
"Haha, uuwi na po ako Sir.Min, baka hanapin po ako ng kapatid ko," paalam ko
"Ah sige," sabi niya
"Ihatid mo iyan," sabi ni Sir.Kim
"Oo na!" Napilitan niyang sagot
Nang bumaba kami ay nakasalubong namin ang baby kooooo!
"M-Mauuna na po ako," paalam ko sa baby ko
"Oh, ingat kayo ha," sabi niya at pumanhik
"Saan papunta ang baby kooo!?" Bigla ko nalang nahampas si Sir habang palabas ng pintuan
"Aray," walang emosyon niyang reklamo
"Sir, pasensya na, pahampos po muna ako please po!" Sabi ko at hinampas siya
"Ms.Park, napagkasunduan naman nating hindi ka mag iingay sa bahay diba?" Panenermon niya sa akin
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanficKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...