Love Knows No Boundaries

9 0 0
                                    

Alas sinko pa lang ng umaga at antok na antok pa ako ng mag-ring ang aking cellphone...
"Dahil sayo ako'y matapang.
   Para sayo ako'y lalaban.
   Dahil sayo ang pagmamahal ay.
   walang katapusan..."
 
Corny ba? I'm sorry in love e.
Sinagot ko ang aking cellphone ng makitang si Alex ang tumatawag, siya ang aking nobyo si Alex Ramos siya ang aking recruiter para sa trabahong aking pinapasukan sa Manila.

"Hello hon. Ang aga mo namang napatawag?"Ako

"May Good news ako sayo hon,guess what?! Hahaha"Alex

"Ano?! Hays! Sabihin mo na inaantok pa ko!"Ako

"Tanggap ka na  para sa trabahong pinapasukan  mo sa Manila,makakapunta ka na dito hon!"Alex
  Ang antok na aking nararamdaman ay nawala sa ibinalita ni Alex.

"Talaga? Oh my God!!! Thank you! Ang saya saya ko! Yesssssss!"Ako

"Yes hon,Oh pano see you when I see you? I love you"Alex

"Sige hon, I love you!"Ako

At tuluyan na kong nagising sa balitang hindi ko inaasahan.

"YESSSS!!! Ang saya!" sigaw ko sa loob ng aking kwarto at hindi namalayang pumasok ang aking ina.
"Oh Maimona! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo! Sigaw ka ng sigaw! Ano ba yun?!

"Mama!! Natanggap na ko sa pinapasukan kong trabaho sa Manila! May trabaho na ko,hindi mo na kailangang magtrabaho!"

"Talaga anak?! Mabuti kung ganun ng hindi ka lang nakatambay dito."

"Ma naman!"

"Anong ma naman! Kelan ang luwas mo? Sinasabi ko sayo Mona trabaho ang pupuntahan mo dun! Huwag na huwag ka munang magboboypren!"

"Bukas na po ma. Opo ma, Pangako!"

Lumabas na si mama sa aking kwarto, sumilay ang lungkot sa aking mga mata sapagkat hindi pa alam ni mama na ako'y may nobyo na. Kinahapunan nag-impake na ako at kinuha lahat ng mga importante kong gamit sapagkat bukas ng madaling araw ang aking alis.

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw at inihanda lahat ng aking gamit. Pagkatapos kong maligo at kumain ng agahan inihatid ako ni mama sa terminal kung saan ako sasakay.

Makalipas ang ilang oras ng aking biyahe nasilayan ko ang mga nagtatayugang gusali at ang pagkahabahabang traffic sa edsa. Pagkababa ko agad kong tinawagan si Alex upang ipaalam na nakarating na ko ngunit hindi siya sumasagot kaya't ako na lang ang pumunta sa office na kanyang sinabi.

***
Pagdating ko doon nagkukumpulan ang mga tao doon kaya lumapit ako upang magtanong.

"Miss ano pong nangyayari dito?"

" ha? Hindi mo ba alam."

" ang alin po?"

" itong agency na 'to ay peke."

"Po?"

"sigurado ako. Naloko ka din ng agency na 'to. Tama ba ako iha?"

Tanging tango lang ang naging sagot ko sa matandang nakausap ko. Muli kong tinawagan ang numero ni Alex pero cannot be reach talaga. Umuwi ako sa boarding na bagsak ang dalawang balikat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko pwedeng sabihin sa aking mga magulang ang nangyaring ito.

****

Ilang trabaho na ang naapplyan ko pero hindi pala ganoon kadali ang maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Kaya Napagdesisyunan kong tanggapin ang inaalok ng aking pinsan na si Cittie sa isang Seafood restaurant na pagmamay-ari niya.

Dali dali 'kong inilabas ang calling card na binigay niya sa akin ilang buwan na ang nakaraan.

'' Hello!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Knows No BoundariesWhere stories live. Discover now