CHAPTER 30

7K 164 2
                                    

  Pagkarating  ng mag-asawa, nagpaalam si Mitch na doon magpapalipas ng gabi sa rest house. Di nman tumutol ang mag-asawa. Di nya alam kung may nakapagsabi na sa nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Charles sa labas ng bahay. Alam nyang dinig iyon ng mga kawaksi sa villa.

Pero wala na syang pakialam kung makakarating sa mag-asawa ang naganap kaninang alitan nilang dalawa ni Charles.

Di nya ito hinayaang makaharap at makausap syang muli. Para anu pa at pakikinggan nya ito. Sapat na ang kanyang nakita kanina. Di pa rin ito nagbabago.

   Bitbit nya ang ibang gamit ni gabby ng bumaba sya. Nasa ibaba na rin kasi ang anak nya kasama ng mag-asawa.

Naroon rin si Charles katabi ni gabby sa sofa ng makababa sya. Di nya nakita ang babaeng hitad na kung makakapit kanina sa lalaki ay tila isang sawa!

  "Honey, come on now. We're leaving.  "Aniya at sumulyap sa mag-asawa na tumango lamang sa kanya. Tumalikod sya  ng makitang tumayo ang anak at nagpaalam sa dalawang matanda matapos yakapin at halikan ang mga ito. Di nya tinapunan ng tingin ang lalaking nakatitig sa kanya ng mariin. Alam nyang napakaseryoso ng mukha nito ngunit wala syang pakialam rito.

Wala doon ang babae nito marahil itinago nya iyon sa loob ng silid nitong ginagamit sa Villa. Di nya nakita ang babae sa labas marahil nga baka nasa silid ito ni Charles at namamahinga na. Or baka hinihintay lang nitong makaalis sya bago ito magpapakita sa mag-asawa. Bakit nga ba pag-aabalahan nyang pang isipin ang hitad na iyon. Kastigo nya sa sariling isipan.

  Nailagay nya na ang lahat ng dadalhin sa compartment ng car  ng marinig ang boses ni Charles sa kanyang likuran.

"Why do you need to leave the house? "Anito. Seryoso ang tinig na nakamasid sa kanyang ginagawa . Nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng  suot nitong jeans.

"Why do  I need to stay here too?! Sisikip ang bahay sa ating tatlo ng babae mo!  "Ang maanghang nyang saad rito.

Nabubulagan na sya ng kanyang galit at selos. Napatiim baga nman ang lalaking nakamasid sa kanya. Alam nyang nagtitimpi lang ito ng sarili na hablutin sya para pigilin syang umalis roon. Ngunit alam din nyang di ito makagagawa ng anumang hakbang na maaaring pagmulan muli ng kanilang hidwaan dahil nandoon na ang mag-asawa.

Iniwanan  nya itong nagpupuyos sa galit at tinungo ang sasakyan at pumwesto driver side saka pinaandar.

Di nya alam kung bakit pa sya nito sinundan sa labas. Wala na silang dapat pang pag-usapan.

   Maya maya nakita nyang patakbo na lumabas si gabby patungo sa sasakyan ng hinarang ito ng lalaki.
Kinarga ang anak at hinalikan sa noo at pisngi.

Hinatid nito sa loob ng sasakyan nya ang anak.

"Bye daddy! "Anito sabay yakap at humalik sa pisngi ng lalaki.

Walang kamalay malay ang anak sa alitan nilang dalawa. Nakangiti itong kumaway sa lalaki.

Kumaway ito muli matapos isara ng lalaki ang pintuan ng kanyang sasakyan saka sumulyap sa gawi nya. Pinigil nya ang sariling mapasulyap rito. Kaya napilitan itong dumistansya sa pintuan ng sasakyan nang pinastart nya na ang engine ng car. Pagkatapos, mabilis na pinaarangkada ang sasakyan palabas ng gate. Napailing iling na  nasundan ni Charles ng tingin ang papalayong sasakyan ng asawa. Sa ngayon hahayaan nya muna ang babae para lumamig ang ulo nito saka nya ito muling kakausapin.

  Kinabukasan maaga pa lang nasa rest house na ang lalaki. Di ito pinakiharapan ni Mitch. Tanging si Mang Dindo at Gabby lamang ang nakausap nito. Di talaga sya lumabas kahit halos magiba na ang kanyang pintuan sa kakakatok ng kanyang anak.

  Kahit sa opisina di nya rin ito pinakiharapan. Kapag hinahanap sya nito puro wala or nasa meeting ang sagot ng mga kasama nya dito. Kaya laglag ang balikat nitong muling nilisan ang branch ng office nila.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon