•Prologue•

43 1 0
                                    

Mas lalo pang binilisan ni Jomel ang pagpapatakbo sa kotse. Halos maubusan na ng dugo si Prince dahil sa pagbaril nya sa tiyan nito. Unti unti na syang namamatay. Hindi alintana ni Jomel ang mga luhang bumabagsak sa kanyang mukha galing sa kanyang mata. Nanghihinayang sya sa sinapit nila. Kung bakit kailangan pang humantong ang lahat sa ganito. Kung bakit pa sa ganito magtatapos ang kwento nilang dalawa .

"I-im s-sorry j-jomel.  I-m s-sorry. M-mahal p-paren K-kit.." tuluyab na itong binawian ng buhay

Kasabay ng pagkawala ng buhay ng taong mahal nya ay sya ring agos ng mainit na likido mula sa kanyang mga mata.  Likidong pitong taon nyang inipon.

" P-prince. tutuparin ko yung pinangako ko sayo. magsasama tayo sa kabilang buhay." Huminga sya nang malalim at saka pumikit

Tuluyang pang binilisan ni Jomel ang pagmamaneho sa kotseng sinasakyan nila hanggang sa mahulog ito mula sa bangin hanggang sa Malalim na dagat

Ito na siguro ang katapusan ng sakit sa puso nya.  Ito na siguro ang katapusan ng lahat sa buhay nya. Pero kahit ganoon. Masaya sya. Dahil kahit ganito ang kinalabasan ng lahat.  Kasabay nyang mamamatay ang taong minahal nya ng lubos.

"Prince. Tayo Parin Hanggang Dulo"

Naramdaman ni Jomel ang sakit ng paghampas ng malamig na tubig sa kanyang mukha at katawan, unti-unti na syang nanghihina kaya naman himimlay na nya ang kanyang sarili. Tapos na sya sa kanyang paghihiganti.

Kasama ang taong pinakamamahal nya, masaya syang binitawan ang kanyang huling hininga
~~~~~

Author's note:

iyan muna para sa kwentong ito, prologue po muna! Sana nagustuhan nyo. Vote and comment po pls! Para ganahan naman akong ipagpatuloy itong kwento ko!

Jomel! Alam ko namang di ka magagalit sakin dahil ginamit ko name mo! Hehe labyu bessy! <3

Prince! Sensya na! Hahahaha :p

Tayo Parin Hanggang Dulo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon