Playful Hearts (Tagalog Story)

193 1 0
                                    

(Author's Note: Sensya na kung una pa lang ng story may AN na agad..:D Alam ko kasing maraming readers na hindi nagbabasa ng AN ehh..BTW ang One Direction po dito ay 4 members lang..Di po kasali si Harry...Kailangan ko po ng inyong malawak na IMAGINATION para maintindihan nyo to.:D)

Chapter 1

OhmyGulay!!!! Si Zayn nasa TV!!! Waaaaaaaaaahh!!! Dapat ba akong magwala?! Basagin ko kaya yung TV? Dinampot ko agad yung cp ko at tinawagan si Chanel. Sinagot naman nya agad.

Me:Chaneeeeeel!!! Si Zaynie nasa TV!!!

Chanel:Ouch! My Ears!!! Oo alam ko! Nanonood kaya ako ngayon! Grabeeeeee ang pogi ng Asawa ko!!

Me:Manahimik ka! Asawa ko si Zayn! Gusto mong kumabit? Di pwede uy!!!

Chanel:Nakakainis ka!Gusto mo Lagi sa iyo si Zayn! Sige,akin na lang si Liam!

Me:Sige lang! Hahaha! Kasama mo sila Kaye?

Chanel:Oo! Papunta pa lang si Mita eh! Sleepover tayo!

Me:Sige! Pero saan?

Chanel:Sa condo ko naman! Tara!

Me:Sige tatapusin ko lang to! Sunod na ako dyan! bye bye!

doo.doo.doo.doo.

Hahaha!Binabaan ko na sya!Pag di ko yan binabaan di kami matatapos mag-usap.Pumunta ako sa kwarto ko tapos kumuha ng mga Damit. Inayos ko yung mga damit ko sa sala habang nanonood ng Brit Awards 2014.Nang matapos nagbihis na akoat pumunta sa parking lot.Sumakay ako sa loob at in-on yung radio.Sakto! Midnight Memories yung kanta! Oh, BTW ako nga pala si Claudette Margaux R. Santos. 4th year high school sa Santos High. Yeah right. Kami may-ari ng school na pinag-aaralan ko.Presidente ako ng Best Singers Club.Singer ako eh!!! Hahaha!XD Syempre may mga bestfriends ako.Sila Kaye,Chanel at Miya. Mga baliw yun eh! Kaming apat ay fan ng 1D! They are so Pogi!!! Grabeeeeee! Meron din akong matinding karibal! Si Harry Styles. President sya ng Singers of Santos High.Matindi ko ring karibal si Clarisse Ann Perez. V-Pres ng SCC Club.May gusto kasi yun kay Harry kaya galit din sakin! Bah! Mas maganda ako sa kanya! Pero wala akong gusto sa Harry na yun!Flirt kaya yun!May naging bf na ako.Si Christian Matthew Cruz.Pero friends naman kami ngayon.And as of now may bf ako. Si Pierce John Estrada. Pogi nun! Hahaha! Ay! Nandito na pala ako sa parking lot ng condo ni Chanel.Bumaba na ako at sumakay ng elevator.Mag-isa lang ako sa condo ko kasi ang parents ko nasa England. May business kasi kami dun ehh.Nag-doorbell ako sa condo ni Chanel at bumukas agad yun.Pumasok ako sa loob.Nandun na din pala si Miya.Nung nakita nila ako bigla silang tumakbo at niyakap ako.Baliw talaga eh no?! Sabi ni Chanel dun daw ako sa kwarto nya dumiretso.Dun nga ako nagpunta.Nagpalit ako ng damit pantulog.Pumasok din sila maya-maya.May dala silang napakaraming pagkain.Umupo kami sa lapag at bumuo ng bilog.

Miya:Oy,alam nyo ba na si Clarisse nagpakulay ng buhok?!

Kaye:Kulay red pa! Kamukha nya tuloy si Nemo! Hahaha!

Chanel:Di! Baka kamo si Lightning McQueen! Ka-Chow!

Me:Hindi! Baka si Olaf! Wahahahahaha!

Miya:Huh? Diba kulay white si Olaf?

Chanel:Oo nga! Bakit si Olaf?

Me:Wala na ako maisip eh.Hahaha!Nga pala kamusta bf mo Miya?

Miya: Yun,Goodboy naman!

Kaye:Kung hindi dahil sa truth or dare namin edi sana wala kang bf ngayon!

Chanel:Ako naman hanapan nyo!

Me:Sige! Hahanapan ka nila!

Miya:Sali kana sa Truth or Dare namin!

Me:Ayoko!Mapahamak pa ako dyan!

Chanel:Hindi nyo mapipilit yang si Claud.Kelan ba sumali satin yan?

Kaye: Oh em gee! Claud nagdudugo ang ilong mo!

Chanel: Hala! oo nga! Bakit? Di naman kami nag-english ah!

Me:Mga ugok! Diba nga lampa ako?! Sakit ko kaya to!

Miya:oo nga pala! Kunin mo na yung kit Kaye!

Kaye:Oh eto na!

Ginamot na nila ako.Tama kayo.Lampa ako.Sakitin ako.Nasa lahi namin ata to eh!Time Check 12:05 am.Need to sleep na! Mamaya di lang yan ang abutin ko!

(Authors Note: Try ko pong mag-update tomorrow! May pasok kasi ako bukas ehh...Nagustuhan nyo ba yung Chapter 1? Sana nga! Hahaha!!! )

Playful Hearts (Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon