MIKAY's POV:
At dahil tapos na ako sa mga gawain ko dito sa bahay ay nag re-reminisce na lang ako ng mga bagay-bagay na napagdaanan ko magmula nung naging yaya ako ng mga Padilla. Masaya ako kasi Grade 7 student pa lang ako. Di kagaya nila Ate Kath. Yes Ate kong Maganda yan kaya walang aangal! So yun bilang college mas napaaga ang klase nila kumpara sa aming mga high school students. Heller! Kung matalino kayo dapat gets niyo ko amd kung malupit ang analyzation dapat gets niyo na if you could see sa bawat paksa ng pahina ng buhay ko (A/N: Sisterkas ampeg?! Intindihin niyo na lang po ibig sabihin niyan ~chapter~ nabobo lang ako -_-) So yun at sa dinami-dami ko pang maire-reminisce eh yung eksena ko pa sa group chat. Pansamantala akong nakaramdam ng inis -_-
FLASHBACK!!!
At dahil ako'y na boredom strikes sa bahay ng mga Padilla, shooveng inilabas ko yung iPad ko na binigay ni Elly sa akin wahahaha, gusto kong maki-connect sa wifi, at pagtingin ko sa mga wifi connection ng Padilla. Naasar ako bigla ilagay pa naman daw ba sa pangalan ng wifi 'Kawawa Ka Naman Walang Wifi' Psh, damot may password! At dahil sa mala kastilyong bahay nila Sir Daniel. Tinamad akong lumabas ng bahay, eh sa day off ko eh. Atsaka hayahay sa kwarto ko noh?! Single bed tas may kalawakan na kabuuan tapos may aircon pa oh diba petiks! Tas naalala kong may password, at dahil sa tinatamad akong lumabas para itanong kay Elly kung anong password. Ako na mismo ang mag-aalam leche katamad pero dahil desidido ako sa pag fa-fangirling ko ako'y mang ha-hack muli. Naka- Program naman yung iPad ko kaya yung mga files,application,quadruple system na wala ang kawawang iPad ay nalagyan ko. iPad 4 lang 'to pero mukhang latest model ng iPad wala eh, magaling kasi ako 😏
So pumasok ako sa main source ng wifi at napag-alaman ko sa kwarto pala ni Sir Daniel yun, kaya pala pati inosenteng wifi nahawaan sa kayabangan ng amo ko eh, ang angas akala mo naman matibay yung defense ng Operating System sus, isang click lang d'yan tibag yan! At dahil hawak ko na ang OS ng computer ni Sir. Agad akong pumunta sa iNet Connection at kinalikot ko ang mga dapat kalikutin at napag-alaman ko ang password ''WTFDanielGWAPO'' kahanginan nga naman nagpakahirap pa ako -_- nakalimutan kong may pagka- Narcissus nga pala amo ko. Hayaan na nga. Bago ko i-exit yung hacking na eksenang ginawa ko sinigurado ko munang walang bakas na maiiwan ng ma-clarify ko na in-exit ko na pero hild ko pa rin yung OS ng computer ni Sir Daniel para in-case hahahaha
At ng maka-connect na ako binuksan ko yung isang account ko bali tatlo ang account ko yung isa pang 'Anonymous' yung pangalawa kung saan ako sikat tas pangatlo yung account ko sa PU eh sa ayaw kong malaman nilang may pagka-famous ako mahirap na baka dikitan lang ako para sa popularity. Kaya for now commoner muna ako not so famous and yet not invisible. Pero sa ngayon ginamit ko yung isang Facebook account ko kung saan ako sikat. SUMIKAT LANG naman ako nung may isang page sa Facebook tas "Chix Spotted" ata yun tas nakita nila yung picture kok at dun nag simula ang lahat. At dahil wala akong interest duon kasi ang jeje pakinggan hindi ko na lang pinansin -_- ngayon lang nakakita ng magandang nilalang eh 😏
Nag-status na lang ako para hindi naman amagin yung timeline ko
"Sa kayabangan mo pati wifi mo nadamay. May password naman akala mo kung sino ka, hmm. Damot, TSE!"
78 Likes | 4 Comments | 28 Shares
Mga halimaw -_- like agad? At dahil maganda ako sige lang bahala sila sa buhay nila -_- wala akong makitang masyadong picture ng 1D kaya sa Twitter na lang ako at napag desisyunan kong gamitin yung real account ko
Mikay Bernardo
@imsupermikayz:
"Latest pictures of 1D pleaseee?"
RT-56 Favorite-69
Bobo, nanghihingi ako ng pic. Tas ni-Retweet zoned ako! At dahil walang nakinig sa akin nag manu-mano na lang ako pumunta ako sa Twitter ng lima kong asawa at ang saklaf hindi pa pala nila ako napa-followback! At bilang isang deadly na Directioner kufufufufu ako na mismo ang gagawa ng paraan para ma-followback nila ako! Sino ang magaakala na ang tangin gamit ko lang ay notepad at basic codes mg HTML?! So I decided na i-black ang background ng notepad ko kasi sabi ni Te Kath sa akin mas mahirap daw ma-trace yun pag black ang background pero wala akong paki sa kung anuman ang koneksyon nun basta ako I found it gothic and yet cool!