Yung tipong gigising ka sa umaga, may dala-dala kang sobrang laking EYEBAGS! \_(=____=)_/
Ay. Bwiset. Hindi na pala eyebags to. EYEMALETA na! EYEMALETAAA!
Tawa kayo, please? :3
Ba't ba kasi lagi akong naaalinpungatan tuwing madaling araw? Psh. -,-
Bumaba na ako ng room para lumamon. PG ako. Ba't ba? XD
"Oh Ronnie, sobrang puti ata ng mukha mo? Anyaree?" Pambungad sa akin ni mama.
"E di naglagay ng maraming maraming pulbo sa mukha" wika ko.
Sa hagdan kasi namin, mayroong malaking salamin. Nung pababa na ako ng hagdan, nagulat ako sa mukha ko.
Para kasing nasabugan yung mga mata ko e. Ang laki ng eyebags! Shemay naman duuude. ("_ _)7
"Ewan ko sayo, Veronica. Kumain ka na nga lang. Oh.." - Mama.
Sweet ng mama ko! hinainan ako ng breakfast ^____^
- - -
Hello! (^__^) Ako nga pala si Veronica Javier. I'm already 18 kaso isip bata pa rin ako. Pero maganda naman ako nu! Haha :)
Echos lang. :D
- - -
After eating, pumunta ako ng room ko para.. oo. para matulog ulet!
ganyan naman mga kabataan ngayon diba? KAIN-TULOG.
Lol. Babawi lang ako ng tulog! :P
Medyo matagal-tagal na pala akong natutulog.
Paano ko nalaman?
Syempre nagising ako! Tsh... Naalinpungatan na naman ako. BWIIISEET! \_(">___<)_/
Pumunta nalang ako ng CR para maghilamos.
Pagbukas ko ng pinto...
Sh*t..
"Kaninong buhok to?! Bwiset naman! Sa CR ko pa talaga naggupit. GRRR!" pagalit niyang sabi.
Wow. Grabe. Ako nalang pala mag-isa dito sa bahay. Hindi man lang ako ginising! ("-____-)
Tinapon ko nalang sa trashcan sa labas yung buhok na hawak ko. Pero bago yun, may napansin ako.
"Sobrang haba naman ata ng buhok na to? Saka, ba't ko sisisihin si mama? E ako lang naman ang mahaba ang buhok dito" pagtataka nito.
"Hija, mag-iingat ka! Di mo alam kung anong meron sa bahay na iyan! mag-iingat ka!" may isang babaeng matanda na nagsalita sa likod ko.
"B-ba-bakit po? Ano po bang meron sa bahay namin?" tanong ko.
Paglingon ko, wala na yung matanda. Hala. Nasaan na? pagtataka ko.
Pumasok nalang ako ng bahay at bumalik na sa kwarto ko. Maya-maya pa'y dumating na sila mama. Narinig kong bumukas yung pinto e.
O___O"
"hindi kaya, may pumasok na magnanakaw?!" pagulat kong sabi pero pabulong lang.
dali dali akong naghanap ng pwede kong panglaban at dahan dahang bumaba ng kwarto.
nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng mapansin ko sa kaharap ko na salamin na may dumaan sa likod ko. kakaiba. all black. parang babe na mahaba ang buhok..
unti unti kong nilingon ang ulo ko..
"huh?" napakunot nalang ako ng wala naman akong nakita kaya patuloy na akong bumaba habang hawak ko ang bakal na baseball bat.
nagtago muna ako sa pader para kumuha ng lakas ng loob at huminga ng malalim..
"p-paano ka nakapa-- huh? walang tao?" pagtataka ko.
medyo malayo ang kinatatayuan ko mula sa pintuan. nakatayo lang ako, hawak ang baseball bat at kasalukuyang tinititigan ang pinto.
maya maya pa'y biglang itong bumukas at sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin.
biglang nanlaki ang aking mga mata at nanginginig.
"IKAW! PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN KITA! HUMANDA KA! PAPATAYIN KITA!"
bigla akong sinakal nito at paulit ulit na sinabing papatayin niya raw ako.
konting konti nalang, maiihi na ako sa takot! sobrang higpit ng pagsakal niya sa akin. hindi na ako makahinga at di ko rin nakayanang pumiglas. nakatingin lang ako sa mga mata niya na tila nagliliyab. habang ang kanyang bibig ay nagbubuga ng.. ng.. ng itim na dugo?!
"ronnie... ronnie.. anak.. wuy. gising!"
nagising na lamang ako na basang basa ng pawis. panaginip lang pala ang lahat...
"ma..." *sobs*
"ano bang nangyari sayo veronica?" napayakap nalang ako kay mama ng sobrang higpit at di ko na talaga tuluyang napigilan na tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang takot...
BINABASA MO ANG
Comfort Room
Horrorsana magustuhan niyo kahit na di gaanong horror saka di pa tapos.