CHAPTER 35

7.8K 173 25
                                    

"You're the only one for me Mitch. You made me realize how lonely my life when you suddenly gone for real. You need to believe me."Anito sa kanya.

Nakabakas ang lahat ng emosyon ng lalaki sa mukha nito habang napatingin sa kanya. Namamangha man sa naririnig nya mula mismo sa bibig nito ay di agad nagpakita ng anumang indikasyon na tinatanggap nya ang lalaki.

Nakatingin sya sa mga mata nito. Nababasa nya ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. Ngunit nagdadalawang isip sya kung paniniwalaan ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Ayaw nyang magkamaling muli ng desisyon lalo na at di lamang sarili nyang kapakanan ang nakataya rito kundi pati na rin ng anak nya.

Hinawakan sya nito sa kamay at hinila palakad sa tabi ng kama at naupo doon. Pagkatapos pinaupo sya sa tabi nito. Di sya nagsalita bagkus ay hinayaan nya lamang ito sa susunod nitong gawin.

"Stay here. Wait till I come back. "Ang bilin nito saka nagmadaling lumabas ng adjoining room at pumasok sa master bedroom.

Nagtataka man ay hinintay nya pa rin ang lalaki hanggang sa makabalik nga ito.
Tumayo ito sa harapan nya at biglang iniluhod ang isang tuhod nito habang ang isa nman at doon ipinatong ang kamay nitong may hawak na maliit na box na itim.

Nagtatanong ang mga tingin nya ng salubungin ang tingin ng lalaki. Walang salitang binuksan nito sa kanyang harapan Ang box at kinuha ang kanyang kanang kamay.
Dinampot ang ring sa loob nyon at inilagay sa palasinsingan nya ang singsing nitong hawak.

At pagkatapos ay hinila palapit sa bibig nito Ang kanyang kamay at kinintalan ng masuyong halik ng di sya nito hinihiwalayan ng tingin.

"Can you give me another chance to be with you and Gabby? "Ang masuyong wika nito. Naghihintay sa kanyang kasagutan.

"Let me think it for a thousand times. and if I see you really are serious then maybe I'll give you a second chance for Gabby's sake only!" Saad nya na may kaseryusuhan sa mukha.

"That's enough for me to hear. Even if you don't give me your full trust now. I will definitely earned it one day. I'll prove to you how  serious  I am to you and gabby. And no more Frida's in my life. I will give you my 100% attention!" Anito ng buong kaseryusuhan.

"And  I am so sorry darling..., if I make you sad and lonely before. I know I'm such a heartless and insensitive jerk before but I'll work hard to gain your love and trust. Just let me show you how serious and devoted I am to you. Starting today." Puno ng kaaeryusuhang saad nito sa kanya.

Di sya nakahuma agad rito. Naramdaman nya na lamang na nangilid muli ang luha sa kanyang mata.

Tumango sya rito bilang sagot. Kaya masayang niyakap sya nito at hinagkan sa labi.

"Thank you love. "Ang sabi nito saka sya itinayo at niyakap ng mahigpit.
Sya namang pagpasok ni Gabby galing sa master bedroom.

"Mimi, daddy! "Ang sigaw nito at yumakap sa kanila. Nakangiting kinarga ito ni Charles at iginiya sya palabas ng adjoining room. Papasok sa bedroom nito.

"Mimi, nanny Hilda prepare our lunch. Come on ,we'll go down now before it gets cold. "Ang saad nito sabay hila sa kanilang kamay ng ibaba ito ng lalaki.

Napangiti syang sumunod rito at nagpahila sya  palabas ng silid ganoon din si Charles.
Masaya silang dumulog sa dining room.

Kinahapunan sumaglit sandali si Charles sa office saka muling bumalik sa bahay para ipasyal sila.
Doon na rin sila nagdinner sa labas. Namili ito ng iba pang gamit ni Gabby. Namili na rin sya ng personal nyang kelangan. Saka nya na lamang babalikan Ang gamit sa bahay ni Aling Rosita. Tinawagan nya na iyon at nagpaliwanag sya kung bakit di sila nakabalik muli roon.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon