Chapter 34: Success!
Zaffrina's POV
"Teka. Aaaaaaaah. Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo samin nila Phony at Ikumi sabay hawak sa kanilang mga sentido.
"Oh, ayos lang kayo? Magpahinga muna kayo dun sa kwarto mga bebest." Pagkukunwari ko.
Aalalayan na rin sana sila ni babe Phoenix nang biglang..
"Aaaaaaaaaah. Bakit nanlalabo ang paningin ko?" Namimilipit ding tanong ni Phoenix.
"Sorry babe ko kung nadamay ka, pero kailangan, para walang makakakita sa gagawin ko!" Bulong ko sa sarili ko.
At pagkatapos ay sabay-sabay na bumagsak ang kanilang mga ulo sa lamesa. Nakatulog na silang lahat.
"HAHAHAHAHAHAHA. SA WAKAS!"
Tumayo ako at isa-isa ko silang nilapitan at tinapik ng mahina sa kani-kanilang mga pisngi para siguraduhin kung talaga bang nakatulog na silang lahat.
Nang matapos ko silang ikutan..
"Clear! Hahaha nakatulog nga ang mga tanga." Pagdidiwang ko pa.
Pinagmasdan ko si Ikumi na himbing na himbing sa pagtulog. At pagkaraa'y..
"Sorry but not sorry my beloved bebest Ikumi. Ikaw kasi e, masyado kang mapapel na impakta ka. Oo kaibigan kita pero noon yun. Noong mga panahong hindi pa kasali si Phoenix sa mga buhay natin. Noong mga panahon na pagmamahal palang sa kaibigan ang alam ko. Bakit kasi nag-exist ka pa sa mundong 'to? Edi sana nasa akin lahat ang buong atensyon nila na pilit mong inaagaw! Hinding-hindi na 'ko papayag na kunin mo sakin ang lahat! Lalong-lalo na kapag tungkol ito sa lalaking pinakamamahal ko. Stuck to your mind that Phoenix is only MINE!"
Pagngingitngit ko sa kanya.And after uttering all of my hatred to her, I start doing my brilliant idea.
Marahan kong kinapkapan si Ikumi mula sa bulsa ng kanyang long sleeve, pababa sa kanyang palda at maging sa kanyang sapatos at mga paa. Kailangan na mas maging ma-ingat ako upang hindi sila agad na magising.
"Tsk, wala rito. Nasaan na ba yun? Ang alam ko nandito lang yun e!"
Paghihimutok ko.Hindi pa 'ko nakuntento kaya naman sunod kong kinapkapan si babe Phoenix sa bulsa ng kanyang school uniform na Polo shirt. Nagbabaka-sakaling naroon ang hinahanap ko.
"Wala pa rin. Damn! Nasa'n na ba yung lintek na yun?" At maya-maya'y may naisip ako.
TIIIIIIIIIIING!
"TAMA. ALAM KO NA!" Naibulalas ko. At wala sa sariling tinungo ko ang gilid ng kusina kung saan nakalagay ang mga bag namin.
Nang makita ko ang bag ng bruhang si Ikumi ay dali-dali ko itong kinuha at hinalungkat. Inilabas ko ang kanyang mga gamit at inilapag ang mga ito sa sahig.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasia☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...