Umaga nang may kumatok sa pintuan ng mga Borile.
Malamig ang simoy ng hangin na lalo pang pinapalinis ng mga nagtatayugang puno ng lanzones at ang pag-indayog ng mga dahon nito habang nalalaglag ang ilang mga tuyong dahon. Muling kakatok ang taong nasa tapat ng malaking pintuan hanggang sa ito ay pagbuksan ng isang matandang babae.
"Oh! Magnus... naparito ka!", simbulat ni Cassie sa nakapambahay na binata
"Ay...Magandang Araw po", bungad ni Magnus na may itinagong bulaklak sa likuran at magmamano sa matanda, "Gising na po ba si Chela?"
"Ah...si Chela, naku hindi pa bumababa galing sa kuwarto niya eh, maigi na pumasok ka muna para makapaghintay sa salas"
"Na...nakakahiya naman po... hehe"
"Sus! Ikaw naman, parang iba ka na dito sa amin, tara at makapag-kape ka na rin muna..."
"Salamat po... Busog pa po ako!", sambit ni Magnus na tutuloy sa loob ng mansiyon at mauupo sa sirang kutson sa may salas. Sira rin ang telebisyon ng mga Borile kaya pansamantalang hindi muna ito magagamit ng mga dumarating na bisita. Ilalapag ng binata ang bulaklak sa tabing upuan. Habang naghihintay ay pasipol-sipol na titingnan ni Magnus ang mga muwebles sa salas at ang matanda ay hindi na niya mapapansin kung saan nagpunta. May ilang mga agiw na natitira pa sa mga kasuluk-sulukan ng kisame at ang isang bintana ay may basag na parte at pawang may bakas pa ng dugo na natuyo. Sa gilid ng nakasaradong telebisyon ay makikita ni Magnus ang isang malaki at antigong salamin... ang paligid nito ay gawa sa kamagong na dinisenyuhan ng mga bulaklak habang ang ilang pigurin ng nakangangang aso ang sumasalubong sa mga panauhin. Ilalapit ni Magnus ang kaniyang mukha sa salamin at titignan ang mga dumi sa mukha, iaayos ang buhok at hahawak sa pisngi nang biglang may makitang ibang tao sa salamin.
"Woah!",gulat na sambit ni Magnus at lilingon sa kaniyang likuran
"Oh... para kang nakakita ng halimaw?", wika ni Chela na gulu-gulo pa ang buhok at bakas ang pagkaantok pa rin, "Hoahhhhy... Pasensiya na at masyado pa rin akong napagod mula kagabi sa graduation..."
Pupunta si Chela sa tabi ng telebisyon at kukunin ang isang maliit na suklay, "Ano pala ang sinadya mo rito?"
"Ah...eh...", nahihiyang sambit ng binata at pupunta sa kaninang kinauupuan, "Ano kasi... Tumawag sa akin kanina si George na kasama ko sa Sepak Takraw at inusog daw yung outing natin ng klase ng ibang time kasi marami pala ang naka-schedule na pumunta dun nga sa pupuntahan ng barkada"
"Oh...kaya, dumiretso ka pala rito para personal pa akong ipagpaalam na pupunta sa outing na iyan?", wika ni Chela habang nagsusuklay ng buhok, "Magnus... wala pa akong pera, sinabi ko naman sa buong klase natin na babawi na lang ako next time... kapag yumaman na ako eh! Nahiya nga rin ako sa mga titser natin na to be followed na lang ang blowout ko sa ila, siguro sa kuhaan ng cards na lang na'to!"
"Chela...ano ka ba! Sayang ang moment... sayang maanyag kining lugar"
"Alam ko...", banggit ng umupo na ring si Chela at ilalapit sa tainga ng kausap ang bibig upang bumulong dito, "Sasama sana ako kung hindi lang natanggal sa trabaho ang Ate ko... Nalooy man ako!"
"Sus... narito naman ako! Pumayag na sina mama at papa na ilibre kita! Sige na... ako na ang sagot sa lahat! Sumama ka lang...", ani Magnus at makikita ang dahan-dahang pagbaba mula sa hagdanan nila Carmen at Sebastian
"Oh siya... pero kailan ba ang outing na iyan at mukhang atat na atat ka nang umalis?", tanong ni Chela at titingin sa kanilang hapagkainan
"Teka lang... bago ko makalimutan", sambit ni Magnus na kukunin ang dalang bulaklak para sa dalaga at ibibigay ito rito. "Para sa'yo... hindi ba ang sabi ko eh cellphone ang gift ko sa iyo sa graduation? For now, flowers muna... hindi pa kasi pinapadala ni kuya yung package niya sa akin galing US..."
"Oh... thank you pero...", banggit ni Chela na pagkakuha ng bulaklak ay ilalapag niya sa may maliit na cabinet sa may tv at lalapit muli sa binata, "Hindi ako mahilig sa mga bulaklak eh... Tsaka huwag mo nang isipin yung regalo mo nuh! Okay na akong magkaibigan pa rin tayo kahit na magta-transfer tayo sa iba't ibang school..."
"Ah...ganun ba?", dugtong ni Magnus at mapapahawak sa kaniyang batok
"Mubalik tayo sa usapan kanina... kailan na ba ang outing na iyan?"
"Mamaya!",masayang sambit ni Magnus na magpapalaki ng mga mata ni Chela
"Mamayaaaa?!?", sigaw ni Chela na magpapagambala sa mga nag-aalmusal na kasama sa bahay hanggang puntahan sila ni Cassie, "As in... now na? Ngayon na ngayon na???"
"Oh...bakit, ano bang problema diyan?!", usisa ni Cassie
"Eh... kasi ho...", mabagal na sambit ni Magnus sa matanda
"Ano kasi 'nay... yung outing na hindi ko pa nabanggit sa inyo, eh kasi ano... inusog yung date para sa huling pagsasama-sama ng mga magkakaklase", mapapalunok ng laway na banggit ni Chela
"Oh... kung gayon, kailan ba ang outing na iyan at malayo ba iyan?",muling usisa ng nanay
"Sa Katibawasan po! Ano po, wala na pong ibang babayaran kasi napag-usapan na... po ng buong klase", sambit ni Magnus ng may pagtingin-tingin din kay Chela
"Eh ganun pala... oh siya, maghanda ka na anak! Basta mag-iingat kayo doon ah! Magnus... alagaan mo itong si Cecilia namin ah!", wika ng nanay na susundan naman ng nakatatandang kapatid na babae ni Chela
"Nay...",bulong ni Chela sa ina, "Wala akong..."
"Ako na ang bahala Chela...", sabi ni Sabrina at pangiting hahawak sa balikat ng dalaga, "Nakuha ko naman yung huling bayad sa akin sa pagtatrabaho ko sa sardinasan at may sosobra pa bukod sa panggastos sa bahay kaya sige na... treat ko na sa iyo!"
"Ta... talaga Ate?", namumulang banggit ni Chela na aakap sa mabait na kapatid, "Salamat... Maraming Salamat"
"Oh... wala nang problema! At tiwala naman kami kay Magnus na hindi ka pababayaan ng lalaking iyan kung hindi...", wika ng nanay at titingin kay Sabrina
"Kakainin ka namin ng buhay, Magnus! Hihihi!", sabi ni Sabrina at magtatawanan ang lahat. Tatango na lamang sa dulo si Magnus at kikindat ng nakangiti sa mag-iina.
Isang madilim na gabi at ang buwan ay nasa kaniyang 'First Quarter' sa ganap na ika-11:49 ng gabi. Ang marami ay nagsipagtulugan na sa kani-kanilang mga higaan. Ang isang nagpapatrol na sasakyan ng mga tanod ay tapos na rin rumonda sa barangay kaya sila ay nanatili na muna sa barangay hall upang magpahinga. Isang bahay malapit sa may ilog ang may maliit na babuyan na ang kabilang kural ay pinamamahayan ng isang inahing baboy na sa mga oras na iyon ay nanganganak na! Ang pinakabantay ng babuyan ay isang hindi masyadong katandaan at matabang babae na kung tawagin sa kanilang barangay ay 'Tabang Bebang' dahil sa mukha rin itong piggy bank. Nakabukas ang pinaka-ilaw sa kulungan habang ang asawa naman ni Bebang na magsasaka ay sinitsitan ang babaeng asawa at ibinilad ang bagong ligo na katawan na tuwalya lamang ang suot sa pang-ibaba. Nasa labasan ng kanilang bahay kasi ang pinaka-CR na kurtina lamang ang harang.Pagkatapos tawagin ito ay mabilis na susundan ni Bebang ang asawa sa kuwarto at iiwanan ang mga alagang baboy sa labas upang tabihan ang asawa habang nakasara ang kanilang ilaw.
Ilang saglit pa ang lumipas at nagsimula nang manganak ang baboy na nag-iingay-ingay. May lumabas na isa... sumunod ang isa pa...hanggang lumantad ang limang maku-kyut na mga biik. Habang pinapadede ito ng inahing baboy ay darating ang isang may mahabang kuko na halimaw. Magagalit ang baboy ngunit wala itong palag sa lakas na mayroon nuon ang halimaw. Kukunin ng gutom na halimaw ang mga sariwang panganak na biik... iisa-isahin ang paglamon sa mga ito hanggang puntiryahin na rin ang nag-iingay na inahing baboy at hiwain ang tiyan nito na parang bagong katay...
AHOOOOOH!
BINABASA MO ANG
Ning Kalibutan
Lupi mannari"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo... Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"