KAPILTULO 24

305 0 0
                                    




Kinaumagahan. Paunti-unti na rin ang pag-iimpake ng mga gamit ng nagsipagbakasyon sa pamosong talon ng isla.

Ang iba ay inayos na ang mga ginamit na tent habang ang iba naman ay nililinis ang kanilang mga basura at itinambak sa tamang tapunan nito. Marami na rin ang nagtipon sa jeep upang isalansan ang mga dalahin habang sinusulit ng iba ang paliligo muli at pagkuha ng mga groupie shots malapit sa mataas na talon. Habang nag-aayos at nagbibihis pa sa kabilang higaan si Chela ay maiisipan naman ni Magnus na pumunta sa may halamanan ng orchids upang patagong pumitas at itaklob sa kanyang kamay. Daraan mula sa gilid ng pool si Chela kausap si Fred na nagtatanungan ng mga scientific names ng ilang nasa gubat.

"Chela!", tawag ni Magnus sa dalaga

"Oh... handang-handa ka nang umuwi ah! Ano iyang hawak mo?", usisa ni Chela na mapapansin ang dalawang palad na magkadikit na nakasara kay Magnus

"Ay! Siyanga pala...", banggit ni Magnus at bubuksan ang mga palad upang ilagay sa kaliwang tainga ng dalaga, "Para sa iyo pala..."

"Sa... salamat! Hachuu!", pahatsing na sambit ni Chela na bitbit ang bag

"Oh... panyo kailangan mo?", tanong ni Fred sa gilid

"Hi... hindi na, masyado lang sigurong malamig sa pagtulog kagabi kaya ako hinatsing...", sambit ni Chela at ibabaling ang tingin kay Magnus,"Salamat ulit Magnus"

Maya-maya ay makakakita sila ng isang forest mouse na dadaan sa malapit nila.

"Ay! Daga...", gulat na sambit ni Chela

"Apomys camiguinensis... one of the species believed to be endemic sa atong prubinsiya", wika ni Fred sa dalawa pang kasama, "Kasamang 'Bullimus gamay' na dagang natatagpuan din sa kagubatan ng Camiguin"

"Wow...talagang natatandaan mo pa ang mga iyan ah!", banggit ni Magnus na makikipag-apir kay Fred

"Siyemperd!",wika ni Fred na magpo-pogi sign. Hindi pa man sila nakakausad papunta sa kanilang jeep ay makakarinig sila ng sigawan ng mag-syota sa kanilang likuran. Ang magkasintahan na kanilang kabarkada ay nagkakaselosan sa kanilang mga ex na lagi pa ring nakokontak ng isa't isa. Siguro ay gantihan at gusto lang makipagsubukan ng katapatan sa isa't isa. Ang babaeng nagselos ay iiyak at magmumukmok sa tabi habang ang lalaki ay didiretso sa daan na mahaharang nina Fred, Magnus at Chela.

"Ano bang nangyari Bro?", tanong ni Magnus

"Paano kasi iyang si Sandy, lagi na lang kausap yung ex niya! Palibhasa mas gusto niya raw kausap yun kaysa sa akin kasi mas sweet kaysa sa ako! Eh bakit niya pa ako sinagot? Kakainis! Lagi ko na lang siya pinagpapasensiyahan kaya tuloy para makaganti eh pati yung ex ko kinakausap ko rin sa phone", sabi ng naharang na binata, "Akong gisulti... Adto nalang ka sa iyaha! Gikapoy na ko ba!"

"Alam mo Bro...", payo ni Fred, "Imbes nga gaselos naka, sige pajudka'g ingon ug ADTO NALANG KA SA IYAHA. Nya kung muadto jud sya ganahan ka? Puntahan mo ulit! Hindi pa huli ang lahat, karapatan mong lumigaya sa kaniya at karapatan niya rin namang maramdaman iyon sa iyo... Tiwala ba... tiwala Bro!"

"Ganun ba? Parang iyon nga ang kulang sa amin pa...", dagdag ng lalaki at titingin sa umiiyak na babae. Susundan niya ito at susubukang kausapin ulit. Tatapik muna siya sa mga balikat ng dalawa pang lalaking kausap, "Salamat mga tol!"

Susundan ng mga tingin nina Chela, Magnus at Fred ang nakausap hanggang mapangiti si Chela, "Ganun pala ang pag-ibig... dapat maramdaman niyo sa isa't isa ang parehas na karapatan at pagtitiwala... at hindi puro pagmamahal lamang"

"Parang yung sa Universal Declaration of Human Rights ba sa among sabi: Ang tanan nga tawo ginbun-ag nga hilway kag may pag-alalangay sa dungog kag kinamatarong. Sila ginhatagan sang pagpamat-ud kag balatyagon kag nagakadapat nga magbinuligay sa kahulugan sang pag-inuturay", wika ni Fred sa babae at magpapatuloy sa paglalakad

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon