Thirty-eight

0 0 0
                                    

Agad akong pumunta sa pwesto niya at inalalayan siya papunta sa sala. "Halika, linisin natin yan doon."

"Hindi na. Kaya ko ang sarili ko." Malamig na tono ng kaniyang boses. Agad siyang lumayo sa akin para pumunta sa cr.

Halatang halata sa mukha niya ang pagkagalit sa akin dahil sa pangyayari kanina.

Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nasugatan, pero di ko naman sinasadya eh.

Sinundan ko nalang siya papunta sa cr pero agad niya naman isinara ang pinto nito. "George.. Papasukin mo ko please.. Tutulungan kita.. Hindi mo yan kayang linisin mag isa, kanan ang nasugatan sayo, hindi ka naman kaliwete kaya mahihirapan ka.."

Dahil sa mga sinabi ko, bahagya niyang binuksan ang pinto. "Hayaan mong tulungan kita, please..." Utas ko sa kaniya.

Binuksan niya na ito ng malaki tsaka siya pumunta sa akin. Kinuha ko naman ang med kit sa loob ng cr tsaka ko siya hinatid sa sofa para duon linisin.

Umupo ako sa bandang kanan, siya naman sa kaliwa.

Habang naka upo kami, kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa ibabaw ng hita ko para di ako mahirapan linisin ang sugat.

Habang tinitignan ko ang sugat niya napansin kong isang diretso ito malapit sa mga daliri niya. "Buti nalang di masyadong malalim." Sabi ko sa kaniya sabay sulyap sa kaniya.

Nang tingnan ko siyang muli napansin kong natulog na siya.

Grabe. Nakakaantok pala ako maglinis.

Pagtapos kong linisin ang sugat niya, tinapalan ko na ito ng gasa. Dahan dahan kong inilapag ang kamay niya sa hita niya.

Si Paasa at si Umaasa (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon