One

9 0 0
                                    

Halos di ako magkandaugaga sa pagsuot ng dollshoes ko at mas mabilis pa sa kidlat na lumabas ng bahay.

GHAD! LATE NA AKO!

Di na ako nag-abala pang magsuklay ng buhok. Bahala na si batman sa kalangitan! Late na talaga ako.

"AUTUMN ALEXIS DE LEON!! DI KA PA NAG-AALMUSAL!" pahabol na sigaw ni Nanang. Waaaaahhh! Oh nose!

"SORRY NANG! NAGMAMADALI NA AKO EH. SA SUSUNOD NA LANG!" sagot ko at tumakbo na palabas.

Sa halos 24 na taon kong pamumuhay sa mundo, ngayon lang ako na late ng ganito. Waaahh! Huhu

I'm going to meet my long lost cousin kaya dapat maaga ako! But sh*t na mapait! Na late ako ng gising!

"Saan tayo ma'am?" tanong ng taxi driver.

"Sa Sweet Coffee Shop po Manong. Pakibilisan lang po!" Di mapakaling sagot ko.

***
Mabilis akong bumaba ng taxi nang marating namin ang shop at agad na pumasok sa loob. Nagpalinga-linga ako saglit. Teka? Ano nga ba ulit ang suot ni insan? Di ko na kasi matandaan ang pagmumukha nun eh. Well, you can't blame me. Limang buwang gulang palang kami nung huli naming pagkikita. Oo! As in 5 months. Sobrang baby pa namin. Haaay.

Wait?

Naka black daw siya. Omo?!

Nasan na ba yun?

Nagpatuloy ako sa paghahanap sa kaniya at di nagtagal— BOOM! Nakita ko na rin siya. Yieeeh!

"HEY YOW! MY DEAREST INSAN!" Masigla kong bati dito at walang kiyemeng niyakap siya ng mahigpit.
*sniff. Sniff*
Ang bangooooo.

"What—"

"HEP! TAHIMIK! May pupuntahan tayo. Halika na!" Putol ko sa sasabihin nito at kinaladkad sya palabas. Infernezz... Ang gwapo ni insan! Kanino kaya to nagmana?

"Look—" tinakpan ko kaagad ang bibig nito.

Pumara ako ng taxi. "Pasok ka na, dali!" Energetic kong sabi at pinilit siyang ipasok sa taxi.

Ang arte naman nito! Dapat talagang pinipilit, eh? Noh?

"What the hell—"

"Manong sa mall po!" Sabi ko at tinakpan uli ang bibig ng pinsan ko. Aba! Marunong din palang magmura! Akala ko good boy eh!

Tiningnan ako nito ng masama. Pero nagpaubaya na rin. Dumating kami sa mall ng 'medyo' walang sagabal.
Ang kulit niya kasi.

Ikinagulat ko ang bigla nitong pagtabig sa kamay kong nakatakip sa bibig nito. Ayt. Nakalimutan ko palang tanggalin kanina. Hehe.

"WHO THE HELL ARE YOU?!" Kunot-noong tanong niya sakin.
Kumunot din ang makinis kong noo. Anyare dito? Nagka- amnesia, ganern?!

"Lul insan! Ako to! Si Alexis!"

"I don't know you. At wala akong pinsan na katulad mo!" Namumula sa galit na saad nito.

Ano daw?!

Siguro ako lang ang dyosang pinsan na nakilala nya kaya ganyan yan maka-react. Tama. Tama. Ang galing ko talaga. *Clap. Clap*

"Aivan naman eh! Pinsan nga kita!" Pangungulit ko. Duh? Pinsan ko siya! He is Aivan De Leon! Ang gwapo kong pinsan! 'Di kaya nagka-amnesia ng panandalian 'tong si insan? Shocks!! O-M-G!!!—Ay ang OA ko.

" Damn it! I'm not Aivan!" napahilamos pa ito sa mukha.

"Ewan ko sayo! Ikaw nga si Aivan eh. Huwag mo kong lokohin!"
Niloloko talaga ako ni insan. Akala nya siguro maloloko nya ako. Hah! Manigas sya. Genius ata toh.

The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon