"Matagal pa ba yan?" yamot na tanong ni Dy. Oo! Dy—as in Dwight Ybañes.
"Kung ikaw kaya ang magluto dito?!" Asik ko sa kanya.
Nagluluto kasi ako ng pagkain ni Bebe Dy. Eeww. Biro lang yan. Di siya karapat-dapat na tawaging Bebe. Eto kasing antipatikong gwapo na 'to eh! Ginawa pa akong YAYA. You read it right? Yaya niya ako! Ang kapal ng mukha! Akala ko pa naman kung ano na talaga ang ibig sabihin ng sinabi niyang 'I need your body'! Akala ko talaga ang tinutukoy niya— yung —yung ano. Basta alam nyo na yun.
Haaay. Langya talaga 'to. Kung di ko lang talaga sya kailangan para sa article na gagawin ko, kanina ko pa yan nilayasan. Two months pa naman yung deadline kainis! Ang ibig sabIhin kasi nun, halos dalawang buwan din akong magpapaalipin sa kaniya. And take note! Hindi tutol ang boss ko. Just go with the flow lang daw. Hah! Walangya sila. Lalo na si Dy. Akala niya kung sino sya. Ang sarap niyang hubaran tapos iparape——ay teka? Ano ba tong pinagsasabi ko? Bad yan Alexis. Bad."Can you please hurry up? Tss."
Tamo 'to. Akala nya naman sobrang dali lang magluto. Ang lakas ng loob na magreklamo. Kung siya kaya ang lutuin ko? Tapos ibebenta ko sya sa karinderya?? Omo?! Baka yayaman pa ako pag nagkataon!
"Aw!—— 'nu ba?!" Asik ko sa kaniya matapos niya akong pitikin sa noo. Ang sakit!
"You're out of your mind, woman. Look, sunog na ang niluluto mo."
Nanlaki naman ang mga magaganda kong mata.
"Oh noes!! My specialty!"
Agad kong pinatay ang stove at binuhusan ng tubig ang mainit na kawali. Natalsikan tuloy si Dy.
"What the fuck?!"
Di ko siya pinansin. Nasa niluluto ko parin ang atensyon ko.
"Waaah! My pritong Gigi is getting sunog-sunog na!" Balak ko pa naman sana 'to ipagmalaki kay Dy. Huhu
"Tss. Crazy."
See? Pagkatapos kong magpakahirap para ipagluto siya tinawag niya pa akong Crazy! Ang sama talaga ng ugali niya!
"Let's go. Sa labas na lang ako kakain. Samahan mo ako," Sabi uli ni Dy pero umiling lang ako.
"Di ko iiwanan ang luto ko. Kakainin ko parin 'to kahit sunog na."
Natatawang napailing naman ito.
"Come on. I am your Boss here. You should follow me. Besides, mukhang di naman talaga masarap yang niluto mo eh."
Tiningnan ko siya ng masama. Nilait niya ang niluto ko! Ang kapal!Hinila na niya ako palabas kaya't di na ako nagprotesta.
Haler? Siya nga daw ang boss di ba? Alangan naman mag inarte pa ako.***
Dinala ako ni Dy sa isang mamahaling restaurant. Namangha nga ako ng husto kasi first time kong makapasok sa ganitong klaseng restaurant. Tiyak na madaming masasarap na pagkain dito. Hmmm... Excited na akong matikman lahat yun! Yieehh. Nakakakilig ang mga pagkain. Swear!
BINABASA MO ANG
The Cure
General Fiction"SHE was his cure But HE was her greatest nightmare." *** SHE. She isn't a type of girl that every guy can admire. Isn't a type of girl who acts like a real lady. Isn't a type of girl that anyone can fool. SHE. She is a type of girl that someone c...