Four

3 0 0
                                    


Kasalukuyan kong tina-type ang article na ginagawa ko nang kalabitin ako ni Winter.

"What?" Tanong ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

'The Mysterious CEO of Y Company is now ready to reveal his mysterious life!'

"May naghahanap sayo," Sagot niya.

Kumunot ang noo ko at bahagyang nag-angat ng ulo.

"Ha?"

"May guwapong lalake na naghihintay sayo sa labas," Singit ni Summer.

Nagtataka man, tinanguan ko na lang sila at tinungo ang kinaroroonan nung lalake.

Ano kaya ang kailangan niya sakin?

Ay teka----- parang kilala ko 'to ah. Likod pa lang niya, kilalang-kilala ko na!

"Dy? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong.

Nakasimangot na nilapitan niya ako. Bahagya pa akong napaatras.

"Tss. Ang tagal mo."

Napagat-labi ako.

"P-pasensya na," Hinging paumanhin ko. "What are you doing here?" Dagdag ko pa.

"Interview-hin mo ako ngayon. Come on. We're going out," Halatang inis na sagot ni Dy.

Teka? Bakit ba 'to naiinis?

"So dapat naiinis talaga ang itsura mo 'pag kausap ako, Dy? Ganun?"

Tinignan niya ako ng masama.

"Are you coming with me or not?"

Hala galit nga.

"Oo na. Ang sungit mo naman! Hmp."

Nagsimula na siyang maglakad kaya't sumunod na rin ako.

Ano kaya ang problema niya? Ang aga-aga pa nakasimangot na agad.

***

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kami nandito sa park ni Dy.
Di ko na talaga ma-gets ang guwapong damuho na 'to. Akala ko pa naman sa condo niya ako dadalhin kasi nga di ba? Magpapa-interview siya?

Pero di bale na. Mas maganda narin 'to. Takot ko lang na makabalik ulit sa condo niya noh! Pagkatapos nung 'kababalaghang' nangyari dun, sinumpa ko na talaga na di na ako babalik sa condo ni Dy.

Na-trauma na ako. Ghad! Buong buhay ko, di pa ako nakakita ng ganung pangyayari. Yung sa condo pa lang ni Dy.

Ang laswa pala!  Eeeew!

Pero I wonder-------- ano kaya ang lasa ng labi ni Dy? Lasang choco pie kaya? O baka naman lasang gatas? Ang sarap sigurong mahalikan ng labi ni Dy-----  Ay teka? Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Ang halay mo, Alexis. Yuck!

"Ang tahimik mo," Basag ni Dy sa katahimikang namagitan samin.

Nakaupo kami sa bench ng park. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Kaladkarin ba naman ako kanina ng damuho 'nato? Kaloka talaga 'tong si Dy. Tiyak na kawawa ang magiging girlfriend niya pag nagkataon. Mayaman nga, masama naman ang ugali. Haay.

The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon