"MAGANDANG MORNING SA AKING PINAKA—"
"Gwapong pinsan?"
"Gwapong Tatang?"
"Magandang Nanang?"
Natampal ko ang noo ko sa sunod-sunod na tanong ng tatlong taong mahahalaga sa buhay ko.
"Hindi po! Sa PINAKAMASAYAHING pamilya sa buong mundo!" Bara ko sa kanila.
Sobrang aga naman yatang nagsilitawan ng mga pangarap nila. Kung ano-ano ang naiisip eh. Siguro tulog pa ang mga 'to?
Teka. Ma-check nga.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin samin?" Takang tanong ni Aivan ng titigan ko sila isa-isa.
"Wala! Baka kasi tulog pa kayo." Naka-peace sign kong sagot.
"Hoy ikaw Insan ah, nakakasakit ka na ng damdamin! Porke't may bago ka ng boss na guwapo. Akala mo naman ikinaganda niya." Pabulong na yung panghuling sinabi ni Aivan kaya di ko masyadong narinig.
"Come again?" Nakataas ang kilay na tanong ko rito.
Sa halip na sagutin ako, binelatan lang ako ng loko!
"HOY!——"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong subuan ni Nanang ng malaking piraso ng tinapay.
Waaaah!
"Masarap ba, anak? Hehe. Binili namin yan sa bagong bakery." Matamis ang ngiting sabi ni Nanang.
Halos di na ako makahinga.
"Ang sarap nuh, Insan?"
Waaah! Pinagtutulungan nila ako. Unfair!
"TATANG OH! INAASAR NILA AKO!" Sumbong ko kay Tatang matapos lunukin—este nguyain ang tinapay. Muntik pa akong mabilaukan!
"Hay naku, Nak. Pabayaan mo na sila. Namiss ka lang ng mga yan. Ilang araw ka ba namang busy diyan sa trabaho mo."
Napasimangot ako.
Wag ako ang sisishin niyo. Sisihin niyo si Dy. Pssh!
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko kay Aivan.
Aba?! Ilang araw na ba yan nandito sa bahay namin? May sarili naman siyang condo pero nakikibahay pa samin. Ang kupal na 'to!
"Namiss kasi kita." At nag wink pa ito sakin.
Inirapan ko nga.
"Nakikibahay ka lang kaya ka nandito eh. Ang kapal mo! " Namiss daw? Chura niya. Hmp.
"Tama na 'yang bangayan niyo't baka magrambulan pa kayo sa harap ng hapagkainan." Saway samin ni Nanang.
Kumuha na lang ako ng tinapay at sunod-sunod na nginuya.
Ano kaya ang magandang gawin ngayon? Wala akong work ngayon eh. Binigyan ako ni Dy ng rest day. Ayoko sana ang kaso sobrang kulit niya. Di naman siya ang boss ko. Kaso under ang boss ko sa kaniya kaya wala rin naman akong magagawa. Haaay. Gusto ko pa naman sanang magtrabaho para matapos na agad yung kailangan kong tapusin.
Nagngingitngit din ang kalooban ko kasi kasama ngayon ni Dy si Sophia (si unknown girl. Oo! Sophia ang pangalan nung malantod na yun). Siya ang dahilan kung bakit wala akong trabaho ngayon. Nakakagigil siya. Mang-aagaw ng—ng—ng TRABAHO! Hehe.
Pero eto ha? Kahapon ko pa 'to naiisip. Malapit na kasing matapos ang article na ginagawa ko. So it means, di na kami magkikita pa ni Dy. Napasimangot ako. Nakakalungkot naman yun! Nasanay pa naman ako na lagi niya akong nililibre ng mga masasarap na foods. Haaay. Pero di ba dapat maging masaya ako kasi wala nang magsusungit sakin? Dapat pa nga magpa-party ako eh! Di ba? Di ba? Pero kasi eh! Wala ng manlilibre ng pagkain sakin. Sayang din yun!
Haaay...
Ang gulo ko talaga. Ang gulo-gulo ko. Mas magulo pa sa buhok ko. Kawawa naman. Lagi ko ng di nasusuklay. Hihi.
"Nga pala 'Nang, 'Tang. Magpapasama pala ako kay Aivan sa Hospital ah?" Pagpapaalam ko.
Napahinto sa ere ang planong pagsubo ni Tatang sa masarap na tinapay at tinapunan ako ng tingin.
"Ano ang gagawin mo dun?" Taka nitong tanong.
Napakamot ako sa ulo.
"Magpapa-check- up po ako. Hehe."
Malala na ang sakit ko. Kailangan ko ng magpacheck-up.
"Bakit anak? May sakit ka ba? Mukhang ok ka naman ah," Singit ni Nanang.
Marahas na napatango ako.
"Sigurado ka ba jan?"
"Baka pinagloloko mo na naman kami. Naku! Hindi magandang biro yan. Pagsabihan mo nga yan anak mo, Mahal. Nababaliw na naman eh!"
"Naku! Meron po talaga 'Nang. Kung alam niyo lang po! Lagi ko pong kinakausap ang sarili ko tapos feeling ko po naiihi ako na ewan sa tuwing nagtatrabaho ako. Tapos di lang yun ah? Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Lalo na pag naiisip kong magkakalayo na kami ng boss ko kasi nga malapit ng matapos ang article na ginagawa ko. Tatang? May sakit na po talaga ako di ba? Hindi na po normal ang heartbeat ko. Tapos gustong-gusto ko pang makasama lagi si Boss Dy at lagi ko rin siyang naiisip," Mahabang litanya ko ng nakanguso.
Napansin ko ang pag-awang ng mga labi nina Nanang at Tatang.
Ano 'to? Nganga lang ang peg? Ganern?! Kainis naman eh!
'Pano kung malala na pala 'to?!
Ayoko pang mamatay!Haays!
Kalma lang, Alexis. Hinga-hinga din pag may time.
*Breathe in. Breathe out*
Napansin kong napa-iling si Aivan
"Hindi hospital ang kailangan mo Insan. Mental hospital. Ward-9. Dun ka nababagay." Nakangisi nitong turan.
Sinamaan ko nga ito ng tingin.
"Anak——Diyos ko! Dalaga ka na!" Gulat na sabi ni Nanang at bigla akong dinamba ng yakap.
"Po?!" Gulantang kong tanong.
Napaisip ako saglit.
"Dalaga naman po talaga ako ah." Kunot-noo kong sabi.
"My goodness, anak! Mukhang malapit na akong magka-apo." Saad pa ni Tatang at nakiyakap narin sakin.
Teka?!
Wait?!
What's happening?
Tama ba ang narinig ko?!
Apo?! As in A-P-O?!
"Apo agad, uncle? Di ba pwedeng boyfriend muna?" Bara ni Insan kay Tatang kaya mas lalo akong naguluhan.
"Boyfriend po? Sino ang magkaka-boyfriend?" Taka kong tanong.
Napabunghalit ng tawa ang tatlo.
"Hahaha! Damn, Insan! I think kailangan mo na talagang magpacheck-up! You didn't even know na Inlove ka na?!"
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
Inlove...
Inlove...
In...
love...
In..."INLOVE?!" Gulantang kong tanong.
Napahawak pa ako sa dibdib ko.
INLOVE AKO? SERIOUSLY?!
Nananaginip ba ako?!*PAAK!*
"AW!" Daing ko matapos sampalin ang sarili.
Hindi ako nananaginip?! Inlove nga ako! Huhu.
Ang tanong—KANINO AKO INLOVE?!
Huhu.
Mukhang mahihirapan pa akong tukuyin kung kanino.
BINABASA MO ANG
The Cure
Ficción General"SHE was his cure But HE was her greatest nightmare." *** SHE. She isn't a type of girl that every guy can admire. Isn't a type of girl who acts like a real lady. Isn't a type of girl that anyone can fool. SHE. She is a type of girl that someone c...