"Stop doing that."
Nilingon ko ang nakabusangot na mukha ni Dy. Kanina niya pa ako sinasaway sa ginagawa ko. Mga 10 times na.
Eh sa ayaw ko nga eh!
"Ayoko." Wika ko at pinagpatuloy ang pagkutkot sa sariling kuko.
Nakakahiya.
Nakakagigil.
"You're ashamed of what you did earlier?" Natatawang sabi ni Dy.
Pinanlisikan ko ito ng mata.
"Pwede ba?! Mag-drive ka na nga lang!" Asik ko.
Pero imbes na mag-drive, nag-slow down ang antipatikong gwapo at inihinto sa isang tabi ang kotse niya.
Mas lalo akong naasar. Hayst!
Kitang nahihiya na nga ako eh. Di ko naman kasi yun sinasadya. Hindi talaga! Swear. Natuwa lang talaga ako. Malay ko ba! Hmp!"Don't worry. There's nothing to be ashame of. You can hug me anytime you want." At nag-wink pa ito sakin.
Wala sa sariling inabot ko ang tissue.
Tapos biglang sinaksak sa bibig ni Dy!
"Walangya ka! Hindi ako ganun! Dalagang Pilipina ako! Hindi ako easy-to-get! Bastos ka ah! "
"What the fuck, woman?!"
"Fuck-fuckin mo yang bunganga mo! Nahihiya na nga ako tapos pinapamukha mo pa sakin yung ginawa ko. Mabusog ka sana sa tissue na yan!" Asik ko sa kaniya at ngumawa ng sobrang lakas.
Nahihiya talaga ako sa ginawa ko.
'Pano kung nagalit si Dy?
Tapos ipapahuli niya ako sa pulis?
Tapos kakasuhan ako ng harrassment kasi nga nangyayakap ako ng walang paalam?!
Waaaaah!
Marami pa po akong pangarap lord!
Ayokong makulong!
Pero teka?
DI NAMAN SIYA TUMANGGI AH!
"Look. If you're really ashame of what you did earlier, we can just forget about it. Just---just don't cry." Sabi ni Dy at nag-iwas ng tingin.
Bakit ayaw niya akong umiyak?!
Dahil ba lalo akong pumapangit tapos sobrang nakakatakot pa ng mukha ko pag ngumangawa?!"AYOKO! HUHU! PANGIT BA AKO?!"
"H-hey. No. Of course not!"
"KAPALIT PALIT BA AKO?!"
Umiling ito. Pilit niya akong hinahawakan sa braso pero tinatabig ko ang mga kamay niya.
"THEN WHY?!"
Natahimik ito. Pagkuwa'y napabuntong-hininga. Halatang pinipigilang huwag magalit dahil sa kakulitan ko. Hihi. Kung alam mo lang Dy. Pft!
"Autum. Let's just------"
Di na ako nakapagpigil pa. Napabunghalit agad ako ng tawa.
"Autumn?""CHAR! Haha! Joke lang, Dy. Peace tayo! Ang seryoso mo! Parang nagbibiro lang eh!"
Haha! Ang seryoso ni Dy. Di niya nahalata na uma-akting lang ako. Ginagaya ko lang naman yung acting ni Liza Soberano! Hah! Ang galing ko talaga! Yiiehh! *Clap! Clap! Clap!*
"Uy, Dy! Joke lang nga yun! Natulala ka jan?" Untag ko kay Dy. Sinundot-sundot ko pa ang pisngi niya.
"You're just joking?"
BINABASA MO ANG
The Cure
Fiksi Umum"SHE was his cure But HE was her greatest nightmare." *** SHE. She isn't a type of girl that every guy can admire. Isn't a type of girl who acts like a real lady. Isn't a type of girl that anyone can fool. SHE. She is a type of girl that someone c...