Excited na binayaran ko ang mga cupcakes na hugis puso sa counter bago ibinaling ang tingin sa tatlong nagtatalo. Ang kambal na Season kasama si Bergillio.
Hay naku.
"Tapos na ba kayo jan? Baka naman gusto niyong umalis na tayo rito para di makaistorbo sa iba pang bibili?" Nakataas ang kilay na singit ko sa kanila.
"Eto kasing dalawa na 'to, Teh! Ayaw pang umamin na type ako nung naka-gray," At ininguso pa ni Bergillio slash Lia ang labi sa direksiyon ng lalakeng naka-cup. May kasama itong babae at halatang di mapakali.
Aba teka?
Naglakad ako papunta sa direksiyon ng tinutukoy niya.
"Hoy san ka pupunta—"
*poink!*
"ARAY!"
"SABI NA EH! NAKIKIPAGLANDIAN KA NA NAMAN!" Asik ko sa lalakeng nagngangalang Aivan. Naku. Naku! Kaya pala patingin-tingin sa direksiyon namin (na siyang pinagkamalan ni Bergillio na may gusto raw sa kaniya) kasi natatakot na baka mabuking! Ang hudas na 'to!
"GIRL! Naku! Naku! Pasensiya na po sa kaibigan namin. Kalalabas niya lang po kasi sa mental. Pasensya na talaga!"
Inis na binatukan ko ang bakla0.
"Walangya ka, Bakla! Pinsan ko yan!"
Nanlaki bigla ang mga mata ng tatlo.
"ANO?!"
"DI NGA?!"
Di makapaniwalang bulalas nila.
Napa-face palm ako.
Naman eh!
"Aray, Insan ah. Ang sadista mo talaga," reklamo ni Aivan bago binalingan ang mga kaibigan ko. "Hi, Ladies! Hi, dude!" bati nito.
Kinikilig na nakibati narin ang bakla naming kasama.
"My god! Girl—tinawag niya akong Lady!" impit nitong tili.
Napailing na lang ako.
"Naniniwala ka na ngayon?" Nakangising tanong ni Insan kay Winter. Kumunot ang noo ko. Ganun din ang dalawa.
"Magkakakilala kayo?"
Mahinang tawa lang ang narinig namin sa dalawa kasabay nun ang pag-fist bump nila.
"Dude! Ibang klase! Gumwapo tayo lalo ah!" Sabay pa nilang sabi.
Naningkit ang mga mata naming tatlo.
"Alam niyo kasi girls, magkaklase kami nitong si Win-win nung college. Di lang magkaklase kundi—"
"Heartrob pa!" duet ng dalawa sabay pogi sign.
Maloloka na talaga ako. *face palm*
"Ehe—eng gwepe me nemen Aivan," malanding sabi ni Bergillio.
Sumimangot kami ni Summer. Ang bakla na 'to! Nagawa pang lumandi.
"Mauna na ako sa inyo guys. Nangangamoy bulok na isda kasi ang paligid. I can't breathe!" Si Summer naman na todo pa sa pagtakip ng ilong.
Nangunot ang noo ko.
Inamoy amoy ko pa ang paligid.
"Teka. Di naman ah!" Singit ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Aalis na ako—"
"Summer, right?" nakangising sabi ni Aivan.
"Left," nakaismid na sagot ni Summer.
Ay teka.
"Pwede ba kitang ihatid?" Aivan ulet.
Waaaiit---
"Ay gusto ko yan! May kotse ka ba? Goshh!" -Bakla
Aba teka naman ah! Akala ko ba kwento ko 'to? Ba't na-OOP ako rito?!
"No. May date kasi ako ngayon—"
"WALA KAYA!" Duet namin ni Bergillio. Tsk. Tsk. Gaya-gaya!
"Wala naman pala eh. Hatid na kita ah?"
"Di pwede. Kasi ako ang ihahatid mo! Tara na! Napakalandi mo talaga! Pasensya na guys! Una na us! Hastalabista bibe!"
Nag-flying kiss pa ako na ikinasimangot ni Bergillio. Bitter kasi yan. Walang beauty eh!
***
"Anak ng putakte naman, Insan! Akala ko pa naman uuwi na tayo! Para saan ba yan?!" Reklamo ni Aivan. Namimili kasi ako ng regalong babagay sa antipatikong gwapo na si Dy. Gusto ko siyang sorpresahin kasi sa makalawa na ang birthday niya. Pano ko nalaman? Secret hihi.
"Wait nga! Nahihilo ako sayo eh. Saan ang mas cute sa dalawang 'to?" Sabay pakita ng Panda at Alien-like na teddy bear.
Nangunot ang noo ni Insan. Pagkuwa'y napangisi.
"Insan ah. Ibang level na yan. Para sa boss mo yang regalo na bibilhin mo noh?"
Napakamot ako sa ulo. Naman eh. Sabi kasi nung matandang ale nung isang araw pag pinakawalan ko daw ang pagkakataon sa birthday ni Dy baka maagawan pa ako.
"Eh ano naman ngayon sayo? Tulungan mo na nga lang ako. Ano ba ang magandang— WAAAH! Insan oh! Ang kyuuut!" Kumikinang-kinang pa ang mata ko sa sobrang tuwa. Hinablot ko ang isang kulay silver na boxer at tinapat sa mukha ni Aivan. Mehehe.
"Ano ba insan! Ang dugyot mo talaga!" Asik niya sakin.
Inirapan ko nga.
Ang KJ!
"Kyuut naman talaga 'to ah!" Giit ko pa. "Waaah! Ito na lang ang ibibigay ko kay—Aray ko naman!" Sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong sadista. "Ano ba?!"
"Insan talaga oh. Ang dugyot mo namang mag regalo. Ang pangit kaya niyan."
Napanguso ako.
"Eh ano ba ang regalong gusto niyong mga lalake?"
Ngumisi si Aivan. Tapos bumulong.
"Virginity."
Binatukan ko nga.
"Aray!"
"Puro ka talaga kalokohan!"
"Psh. Nagbibiro lang eh. Ano ba ang hilig niyang Boss mo?" Kakamot-kamot sa batok na tanong ni Aivan.
Napaisip tuloy ako.Ano nga ba?
Hmmm. Hmmm.
"AHA!"
"Insan naman! Wag ka ngang sumigaw!" Asik niya sakin. Mehehe! Alam ko na ang bibilhin ko.
"Halika na Insan! May alam na ako!" Sabay hila sa kaniya palabas ng mall.
Wahaha!
"Ang weirdo mo talaga!"
Tinawanan ko lang siya. Niyahaha! Sana magustuhan ni Dy ang regalo ko para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Cure
General Fiction"SHE was his cure But HE was her greatest nightmare." *** SHE. She isn't a type of girl that every guy can admire. Isn't a type of girl who acts like a real lady. Isn't a type of girl that anyone can fool. SHE. She is a type of girl that someone c...