"Ate, si kuya Sander yun diba?", tanong ng kapatid kong si Aya habang nakatingin sa lalaking paparating.
"Saan?", tanong ko sa kanya.
"Hi, Mandy!", ngiting bati niya. Malabo pero unti unting naging malinaw ang kanyang mukha.
"S-Sander?", gulat kong tanong.
Bigla siyang lumapit sa akin habang nakangiti. Oh, God! Ang binata na niya... I missed him so much!
Palapit na siya ng palapit at niyakap niya ako.
"Kamusta ka na? Nam---"
KRIIIIING!!!!! KRIIIING!!!!
"Haaays! Pasukan na naman.", sabi ko sa sarili ko habang pinatay ang alarm.
Nakakainis naman. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Hmmp!
Nag handa na ako para sa pag pasok sa eskwelahan. Kumain, naligo, nag bihis at pumasok.
Pero hindi talaga siya mawala sa isip ko. Bakit ko kaya siya napanaginipan? Ang weird lang talaga.
"Bruha, kanina ka pa tulala. Matatapos nalang yung klase oh. Matokhang ka niyan.", puna ni Jasmin.
"Oo nga naman, teh. Okay ka lang ba? Lalim ng iniisip mo eh.", sagot naman ni Abby.
Sila ang mga besties ko. Nasa 4th year high school na kami. Nakakalungkot lang kasi malapit na kami grumaduate. Hopefully, magkaka-classmates pa din kami kapag college.
"Eh kasi naman.. Ang weird eh. As in.", sagot ko sa kanila.
"Hah?", tanong nila pareho tapos natawa.
"Lutang nga 'to.", sagot naman ni Jasmin habang natatawa.
"Basta. Chika ko later after class.",sagot ko.
~~
Uwian na. Nandito na kami ngayon sa tindahan na tapat ng school namin. Bumili lang kami ngayon ng gulaman para pang palamig. Init e.
"So, ano na yung weird thingy na yun, teh?", Abby started the topic.
"Hmm.. I had a dream. Remember, Sander? Yung kinukwento ko sainyo before. Yung first ever crush and ideal guy ko? Napanaginipan ko siya.", kwento ko sa kanila.
"Sus. Panaginip lang naman pala. Ang OA lang ng pagiging tulaley mo.", sagot naman ni Jasmin.
"Baka naman kasi.. Iniisip mo siya? Ganun kasi yun diba?", tanong naman ni Abby.
"Hindi eh. I swear. Almost three years ko na nga siyang hindi naiisip eh. Tsaka, eight years ko na din siyang hindi nakikita ulit. Ang weird lang talaga.", sagot ko sabay kagat ng cookies na binili namin sa bakery.
"May facebook na ngayon, teh. Try mo kaya siya isearch? For sure naman, meron na siya nun diba?", suhestiyon ni Jasmin.
Tama. Masubukan ko nga mamaya.
"Tsaka, teh. Malay mo naman, maging updated ka dun. Yung kinder pa kayo dun sa picture niyo eh.",sabi naman ni Abby.
"Updated talaga? Sige, subukan ko. Punta kaya tayong computer shop ngayon?", tanong ko.
"Surething! Para makita na din namin yan!", excited nilang sagot.
A/N: Hi, readers! Sana magustuhan niyo to. May ibang scene dito na, true story. :)
BINABASA MO ANG
Paasang Kilig
HumorHe's my ideal guy. Matalinong humble, tahimik na makulit, sporty na hindi pa-cool kid, at higit sa lahat... gwapong NGSB! Saan ka pa diba?