Chapter 15

1.5K 42 46
                                    


Mika's

"Wafs okay ka lang?" tanog ni Ara habang tumatawa.

Aba'y gago din ano? Nasuntok na nga itatanong pa kung okay ako. Nalasahan ko na nga din yung dugo eh, at panigurado may pasa na din ako. Hello, nagboboxing kaya si Rad.


"Aray!" diniin ba naman kasi ni Kim yung ice bag sa gilid ng labi ko.

"Ayun yung ex mo? Di kapanipaniwala Ye. Akin na lang." saad niya.

"Asa ka." sabay kinuha ko na yung ice bag at ako na lang ang magtreat ng suntok ni Rad.

"Ye, ex mo naman na diba, akin na lang. Feeling ko naman din eh nagugustuhan ka na ulit ni ate Cha." wika niya na nagpakunot ng noo ko.

"Tigil tigilan mo si Rad. Akin lang siya. Akin. Lang." tumayo na ako at nagpunta ng kwarto.

"Possessive! Hindi naman kayo!" sigaw ni Ara at narinig ko pa silang nagtawanan pero hindi ko na lang pinansin.

Sino ba naman kasing tao ang sasabihin na gusto niya yung isang tao tapos biglang mawawala.

Ikaw Mika, abnormal ka eh.

Ah oo, ako nga ugh. Tanga tanga eh. Nag open naman ako ng facebook saglit at nag message kay Jovs.

Jovs! Sorry about what happened earlier, pero pwede ko ba malaman address ni Rad? Please 😭 Maawa ka sa puso ko. HAHAHA.  Pero seryoso, maawa ka sa taong nagmamahal haha.

Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung caller, baka kasi yung babae na pinagtripan ni Kim, mahirap na. Nakita ko namang si Cha yun kaya sinagot ko na din agad.

"Hello Cha?" panimula ko.

"Uhm Ye, did I disturb you?"

"Hindi naman bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, so bukas anong oras tayo magkikita?"

"Ah di ko sure Cha ha, may pupuntahan ako eh." saad ko dahil balak ko puntahan si Rad bukas kung ibibigay ni Jovs ang address nito.

"Ah ganun ba" bakas yung pagkadismaya niya pero di ko na lang binigyan pansin.

May nagpop naman na chat head sa laptop ko at grabe! Napakabilis kausap ni Jovs. Binigay nga niya at sana di ako niloloko nito.

"Pasalamat ka mabait ako kung hindi nakoooo. 🙄"

Yan yung reply niya kaya napangiti na lang din ako.

"Ye? Anjan ka pa?" tanong ni Cha.

"Ah oo, oo. The day after tomorrow na lang Cha. Siguro afternoon, may kailangan lang ako bawiin" sagot ko.

"Ano yun?"

"Puso ko." Natawa na lang ako sa sagot ko. Corny eh.

"Sige Cha ha. Text na lang kita." dagdag ko at pinatay na din ang tawag.

*****

Rachel's

Napahawak na lang ako sa ulo ko. Madami ata akong nainom kagabi dahil medyo hindi ko na alam kung anong nangyari din.

"Good morning mahal na prinsesa." saad ni Jovs at inabutan ako ng pagkain at orange juice.

"Salamat." sagot ko at kumain na muna.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon