Jimin's Pov
"Jimin kanina ka pa hinihintay ni Minhyukie-hyung sa labas! Hindi kana tatangkad lumabas kana!" Sigaw ni Jin hyung!
Masama bang mag pagwapo lalo?!
"Pati kami mapapagalitan pag nalate ka!" sigaw din ni Kookie!
"Jimin wala ka pa ding jams kahit na magtagal ka dyan!" Namjonnie hyung
"Eto na puta kayo! Pag ako nag ka jams ibabato ko lahat sainyo!" Lumabas na ko ng kwarto at binitbit yung bag na dadalhin ko sa photoshoot.
Photoshoot para isang facial brand, ako yung napili kasi pogi ako. Tapos.
Oh diba? Easy~!
"Chim mag breakfast ka sa sasakyan, oh." Sabi ni Bridgette sabay abot ng sandwich at coffee sakin.
Buti pa to hindi ako tinutukso pinag handa pa ko ng breakfast!
"Thank you! Good bye kiss ko?"
"Patangkad ka muna pandak!" She said at pinuntahan na yung anak niya, si baby V na hawak ni Taehyung.
"Pag talaga ko tumangkad! Alis na nga ako! Magtext na lang kayo kung may ipapabili kayo! Bye~!"
Pag labas ko nakasimangot si Minhyukie-hyung sakin.
"Pasalamat ka hindi si Hobeom-hyung yung kasama mo ngayon kung hindi baka natanggal na yang anit mo!" he said
"Thank you hyung~! Love you!" pag papacute ko sakanya para hindi na ko sermonan pa.
"Ewan ko sayo. Sakay na baka malate tayo." Utos niya.
Pumasok naman agad ako at agad din kaming umalis.
Habang nasa byahe kumain lang ako, yung gawang sandwich ng mabait naming Bridgette.
Baka mag taka kayo kung sino siya at bakit kasama namin siya sa bahay, kaibigan namin siya bago pa man kami mag debut as an idol. Napulot ni V kung saan tapos pinakilala saamin, de joke, patayin ako nun pag nabasa niya to.
She's more like a family, may anak na siya si Vishop. Pogi ng batang yun e mana saamin!
Ideal woman ko yun eh si Bridgette, talino, bait, maalaga, galing magluto, ganda, sweet kahit na pumapatay kaso pinag aagawan na siya makiki-agaw ka pa ba?
Dami pa namang iba dyan!
Kainggit yung may mga lovelife pero okay lang! Gwapo naman ako! Makikita ko din yung para sakin!
Habang nag gagala yung utak ko nagulat ako sa pag hinto ng sasakyan.
"Oh hyung bakit tayo huminto?"
Huminto kami sa kalagitnaan ng daan!
"Nag overheat ata yung makina. Tsk." Sagot ni Minhyukie-hyung
"Saglit lang susubukan ko igilid yung sasakyan." Sabi niya.
After ilang try na sindihan uli yung makina, naitabi naman yung sasakyan sa gilid ng kalsada kahit paano.
Napatingin ako sa oras at malapit na kong malate. Patay ako neto.
"Hyung paano yung photoshoot?"
Sa lahat nga naman ng timing na masisiraan ka oh.
"Natawagan ko na yung pipick-up ng sasakyan tapos tinawagan ko na din yung photographer, susunduin ka ng assistant niya. Hindi muna kita masasamahan kasi babatayan ko tong saskayan."
BINABASA MO ANG
You Can't Resist Me (BTS FanFic)
Fanfiction"My life is a mess, but it becomes messier when you came! I don't like you, and I can resist you. Try me, Mr Park." ---