Chapter 9

1.1K 99 29
                                    





Oath Of Love
Written by Yuan



Kabanata 9

MIGUEL'S POV

Isang buwan na rin ang lumipas simula nang makabalik kami rito sa probinsya. Marami nang nagbago sa mga nakalipas na panahon. Ibang-iba na ang probinsya na noo'y nakagisnan ko.

Nang magpunta kami ng Maynila para dun manirahan, hindi ko maitatanggi na nahirapan akong mag-adjust doon. Nasanay din kasi akong kasama ang kababata ko. Si Angela na madalas sandalan ko sa tuwing minamaltrato ako ng madrasta ko noon.

Matagal din kaming nanirahan doon. Akala ko mahihirapan akong mag-adjust muli dahil kahit papaano nasanay na ako sa maingay na mundo nito. Isang mundo na walang kasiguraduhan kung makikipagsapalaran. Isang magulong mundo na kung saan maraming nagbabakasali na uunlad ang kanilang buhay.

Pero nung makasama kong muli si Angela pakiramdam ko'y walang nagbago. Na 'yung lugar na iniwan ko noon ay isa paring paraiso. Paraiso na kung saan may lungkot man pero lamang parin ang kaligayahan sa tuwing nakakasama ko siya.

Walang mapaglagyan ang tuwa ko nung muli kong makita si Angela. Aminin ko man ito o hindi, miss na miss ko siya. Miss na miss ko ang kababata kong kahit kailan ay hindi nawala sa tabi ko noon kahit na gaano pa kahirap ang pinagdadaanan naming dalawa.

Nakatutuwa lang na mula noon hanggang ngayon, may isang tao akong maituturing na ispesyal. Ispesyal dahil kahit kailan hindi siya nawalan ng puwang sa puso ko.

Sa totoo lang, napakalaki na nang pinagbago niya.

Hindi sa pag-uugali niya kundi sa pisikal na katangian niya. Tiyak na maraming kalalakihan ang pwedeng mahumaling sa amo ng mukha niya dala ng mga kumikinang niyang mga mata. Labi na mamula-mula at makinis na kutis kahit laki sa probinsya.

Napakasimpleng babae lamang ni Angela pero kapag tinignan mo siya, hindi mo na maiaalis ang tingin mo sa kanya.

Naalala ko nga noong unang ingkwentro namin dito sa probinsya. Nung kakabalik lang namin dito, nagmadali talaga akong puntahan siya. Sabik na sabik kasi akong makita siya at kung ano na ang itsura niya.

Ang weird lang kasi hindi ko namalayan na 'yung babaeng nakabanggaan ko pala noong araw na 'yun ay siya pala. Hindi ko kasi akalain na hindi pala magiging ganoon kaganda ang muli naming pagkikita.

Pero nakatutuwa lang na, agad-agad kaming pinagdikit muli ng tadhana.

Napansin ko ngang nairita siya sa 'kin nung araw na 'yun eh. Hindi naman kasi talaga siya tumitingin sa nilalakaran niya. Pasalamat nga siya, isang gwapong katulad ko ang nakabanggaan niya. Hehe.

Akala ko nga, galit siya sa'kin, e. Napagsabihan ko kasi siya nung magkabanggaan kami. Kasalanan niya naman kasi talaga. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.

Napansin ko kasing tipid ang ngiti niya sa akin nung kinausap ko na siya. Kaya inakala kong baka galit siya sa 'kin dahil sa nangyari.

Pero nung tanungin ko naman siya kung bakit hindi yata siya masaya na muli kaming nagkita, sabi niya, malaki na raw kasi ang pinagbago naming dalawa kaya nakaramdam daw siya ng konting pagkailang sa akin.

Pero akala ko talaga nagalit siya dahil sa pagkakabanggaan namin nun. Marami nga talagang namamatay sa maling akala, no?

Nung nagpunta kami sa lugar kung saan madalas kaming naglalaro noong mga bata kami. Pakiramdam ko, bumalik muli ako sa pagiging bata. Naalala ko kasi kung paano kami mag-enjoy noon.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon