Prologue
Mia's POV
Ladies and Gentlemen, please welcome the one and only, Ms Mia Reylo!
Nagsi-palakpakan sila lahat. Mabibingi ka na lang siguro sa sobra lakas ng cheer nila.
Hinanda ko na yung sarili ko, para sa pinaka-unang concert ko.
Excited na akong lumabas at ipakita at ipadinig sa kanilang lahat ang talento ko sa pagkanta.
At sisiguradohin kong mahuhumaling sila sa boses ko.
Minulat ko ang aking mga mata, hanggang ngayon pa-ulit ulit na 'tong panaginip ko.
Kailan ba ako tatan-tanan netong panaginip 'tong 'to?
Oo, aaminin kong pangarap na pangarap ko ito dati. Ang magkaroon ng sariling concert at maging sikat.
Oo pangarap ko ito dati, pero hindi na ngayon.
Iniwan ko na 'yong pangarap na iyon, simula ng mangyari yun......
Pero paano kaya kung makakanta ako ulit?
Paano kung isang araw makilala ako ng lahat, dahil sa pagkakanta?
Paano kaya kung...?
Hay bahala na nga bumangon nalang ako. Tiningnan ko kung anong oras na ba... 5:30 ang aga pa. Pinikit ko ulit yung mata ko.
Ano ba to? Hindi naman ako inaantok eh. Kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako inaantok.
Makatayo na nga lang. Ano bang gagawin ko ngayon? Mamaya pa naman 7:30 ang klase namin.
Naligo nalang ako at nagbihis. Pagbaba ko nandun na si Yaya sa kusina at nagluto.
"Good morning Yaya!" Binati ko siya. Siya si Yaya Mels, siya na ang nag-alaga sa akin simula pa nang bata ako.
"Aba! Parang ang ganda ng gising ng alaga ko ahh." Kahit kailan hindi niya ako nabigo pangitiin.
"Ahh, ija pwede mo bang gising 'yong kuya mo. Parang mantika talaga matulog." Ano ba itong palakang 'yon, ewan ko ba kung bakit ang tagal gumising.
"Ah sige yaya, tapusin mo nalang po yang niluluto mo, ang bango kasi eh" nagugutom na tuloy ako. Umakyat nalang ako para gisingin ang napaka-gwapo kong kuya.
Kung ano-ano pa kasi ang gagawin sa gabi.
"Hoy palaka!! Gumising ka na!! Mala-late na tayo oh!!!!" Linakasan ko talagang boses ko. Kasi kong hindi? Sus kailan pa to babangon.
"Bat ba ang ingay mo!! Agang-aga ang ingay!!" Aba! Mas nilakasan niya yung boses niya. Gusto mo pala ng away ha?
"Bumangon ka na!! Mala-late na tayo!!!" Aba hindi ako papatalo noh.
Hahahaha sa wakas bumangon na siya. Hindi niya ako matitiis pagdating dito.
Bumaba nalang ako. Pagbaba ko handa na ang pagkainan. Parang tumulo na ata tong laway ko. Hahhaha makakain na nga.
Bumaba na si kuya. Nakisali na rin siya sa akin kumain.
"Hoy manang! Bakit ba ganyan itsura mo ha? Hindi ka ba mag-aayos?" Ano naman meron sa itsura ko, at bakit pa ako mag-aayos.
"Ano bang meron sa itsura ko ha? At huwag ka ngang magsalita, lumalabas na yung pagkain mo sa baba mo" sinamaan niya naman ako ng tingin. "Oh bakit ba? Para kang baboy kumain!!"
"Humanda ka sakin!!" Bahala na siya. Lumabas nalang ako at sumakay sa kotse namin.
Lumabad na din si kuya, at sumakay sa kotse, sa harap siya katabi si manong driver.
Nagtataka siguro kayo kung nasan ang mga magulang namin, malalaman niyo din 'yon
Itutuloy...
-----------
[A/N] sorry ang ikli ng prologue, babawi ako sa susunod.
BINABASA MO ANG
Your Voice
Teen FictionOnce a nobody, then becomes a somebody. Siya si Mia Argon Reylo isang dakilang nobody na nakilala dahil sa kanyang natatagong talento. Una siyang nakilala ni Kian Vince Perez na hindi niya inakalang susi para maging sikat si Mia. Ano kaya ang kinala...