Akala

19 0 0
                                    

               
                         
                                          

Di ko talaga maintindihan kung ano ba tayo,
Kung meron bang tayo o ano nga ba ang tayo
Dahil sa una pa lamang iba na diba?
O, talagang ako lang ang nag-akala?

Ang hirap lang kasing intindihin
Na bigla ka na lang di-namansin
at ang masakit pa'y lumayo ka na lang bigla
Na wala man lang paalala?

Pa'no na lamang ang mga alaala,
Dibat araw gabi'y tayo'y magkasama
Paano na ang mga matatamis mong mga pangako?
Ito ba ay iyong ipapako?

Dumating na nga ang pagkakataon
Ang pinaghandahan kong panahon
Upang itanong sayo
ang  tanong na ito;

"Ano ba tayo?"
At sinagot mo nga ako,
"Anong tayo? walang tayo!"
At sapagkakataong 'yon tayo'y naging mga
 estranghero.

         -Ruds
 

Badass PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon