T W E N T Y T W O

1.1K 56 4
                                    

Year 2013 (PAST) - Part V

Ilang araw pa ang nakalipas matapos ang prom, naisipan ni Maymay yayain si Marco na mag-ice skating sa mall. Hindi niya pa kasi nasusubukan ito. Si Marco naman, syempre marunong dahil may snow naman minsan sa Italy.

"Basta wag kang pasaway ah! Isang maling galaw mo lang, pilay ka!"

"Magbe-behave ako. Alalayan mo ako ha?"

"Oo naman. Una, ganito."

Iniisa-isa ni Marco ituro ang mga basic. Nakakapag-skate na sila ng sabay at tuwang-tuwa si Maymay dito. Hindi na kasi siya matatakutin sa mga ganitong bagay. Hindi tulad noon na pati pagsakay sa bike ay ayaw niya.

Dahan-dahang natuto at bumilis narin ang pag-i-skate nila, hanggang sa na-kaya niya kahit paunti-unti ng mag-isa. Mabilis kasi din siyang matuto.

"Hala uy! Kaya ko na!"

"Wow. Yes! Ang galing mo!"

"Mas magaling ka, ikaw nagturo eh!"

"Naks! So ako magbabayad nito ganun? Yan ka nanaman sa mga puri mo. Hahaha"

"Anobayan! Di na mauto! Hahaha"

"Anyway, kaya pa?"

"Uy teka! Hahawakan ko parin kamay mo ah! Hindi kita bibitawan. Parang hindi ko pa pala kaya."

"Hugot! Hahaha"

"Uy hindi ah. Hahaha Oy tara."

Nagskate sila na magkahawak ang kamay pero nagulat si Marco nang biglang bumitaw sakanya si Maymay kaya naman nakita niyang sesemplang na ito. Buti nalang ay mabilis siya para hindi siya masaktan masyado.

"Aray! Ang sakit!"

"Hala May! Saan? Ano? Teka!"

"Kasi binitiwan mo lang ako. Hinayaan mo akong masaktan. Hahaha"

"Hahaha kahit kailan ka talaga! Nakuha mo pa magbiro eh sumemplang ka na nga."

"Kasi naman OA ng reaction ng mukha mo. Hahaha Yung isang paa ko hindi ko maigalaw."

"Bakit ka kasi bumitaw?"

"Hindi mo lang hinawakan yung kamay ko ng mahigpit! Mas masakit pa yung katotohanang yun sa pagsemplang ko."

"Wow, talaga lang ah? Sorry na."

"Oy naniniwala na siya! Hahaha pero yung paa ko masakit talaga. Hindi ko mailalakad to."

"Halika, tara na. Oo na po, bubuhatin kita Senyora!"

"Ay mabuti naman, aking alagad. Hahahaha"

"Hay nako. Baka inuuto mo nalang ako ah?"

"Aray! Ang sakit talaga! Sobra! Hahahahaha"

Binuhat ni Marco si Maymay at ipinunta sa may first aid station. Nilagyan ng benda ang paa niya. At dahil diyan, may isang event ang hindi niya masasalihan.

--

Bago matapos ang school year at ang nalalapit na graduation, may isa pang event ang inaabangan nila. Ito ay ang school-wide pageant para sana sa Foundation Anniversary ngayong taon. First time lang itong gaganapin kaya naman na-delay ang event dahil narin sa preparations.

Kasali dito si Marco, at pati narin si Edward. Dalawang representative kasi ang kailangan ng bawat klase. Okay lang naman daw kung parehong lalaki, kasi sa ibang section naman ay puro babae.

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon