10-10-10
binati ko sya, syempre naghintay ako na mag- 00:00 para effort naman kahit di mapuntahan at magkita e mabati naman ng saktong 00:00.
at ayun nga.. tagumpay ako.. natulog na ko after ng mahabang kong teks message sa kanya.
mga 8am. nagising ako. di ako mapakali kase wala akong magawa sa birthday nya. wala man lang ako gift or kahit magkasama man lang kahit saglit.
bigla ko naisip.. pano kaya kung i-surprise ko sya? puntahan ko sa kanila!
naligo na ko non.. wala akong nakahandang regalo. ewan ko kung bakit ako di handa. haha.
pumunta ako sa bayan (30 minutes ang byahe mula sa bahay), naghahanap ng pede iregalo. kahit simple lang ayos na. pag nagpunta pa kasi ako sa mall, baka gabihin ako..di pwede! tumakas lang ako sa amin. haha! Layo kasi ng bahay nila. laguna pa e. mula samen, mga 1-3 hours ang byahe, depende pa sa traffic. haha!
at yun nga..may naisip na ako. nag-rent ako ng computer.. naghanap ng pictures nya. yung pinakamadalas na ginagawa nyang dp sa fb. para maganda sa paningin nya. pinaprint ko yun. mga 25-30 pictures lang naman, tapos may mga kasama pang ibang pa-echos na pics para sa designs.
oops! teka, naalala ko na! bumili pala ako ng picture frame nun sa national bookstore! tapos meron pang 2 shirts akong nabili para pareho kami. haha! oo tama. handa pala ako. kaso di pa ako nakunteto. dapat kasi sa ibang araw ko ibibigay yun, pero mas ok kung sa birthday nya mismo.
hmmn.. mejo malaki yun frame.nagkasya kasi yung mga pinaprint ko.. mga 3 or 5 lang yung natira. pinag-dikit-dikit ko lang. tas konting echos lang pampaganda. sa jobi ko na nga lang yun nagawa kasi dun malamig. sa 2nd floor ako para sigurado walang makakakita na kilala nya at wala pati masyadong tao.
11 na ata ako natapos. kasama na yung byahe, paghahanap ng pictures at pagpapa-print at paggawa. **di pa ko nakain nito ng breakfast kasi nagmamadali na ako. Tulo pawis pa. whews! "
nag-byahe na ko papunta sa laguna. madalas sa walter kami natambay kaya dun ako pupunta. kabado ako. baka maligaw kasi! haha! pangalwang beses ko lang kasi magba-byahe papunta sa laguna non. tsk. duwag kasi ako mag-isa, lalo na pag hindi pamilyar sa lugar. haha! ang una e nung kasama ko sya. pangalwa lang to na mag-isa ako.
*kabado*
nung makita ko na yung "Walter Mart", nakahinga na ako. At kahit malayo pa, bumaba na ko. Para siguradong di ako makakalampas. Haha!
Syempre magka-teks pa rin kami. Ang alam nya nasa bahay lang ako. nanonood. syempre ayokong magsinungaling pero kailangan, para maging masaya sya. YUN ang nasa isip ko.
ok..eto, dala ko yung frame at yung shirt. hmmn.. ano pa ba ang kulang?! birthday.. gifts.. bisita..... a-huh! CAKE!
nasa loob ako ng walter. lakad-lakad.. isip-sip kung saan meron cake. labas ng walter. pumunta sa may left side. AYUN! Red Ribbon. Syempre kahit gusto ko na kumain, di ko ginawa. Cake muna nya ang bibilhin ko.
mga 2 na non.. OK na! kumpleto na. sobrang pagod na ako.. gutum na gutom pa. ang dami kong dala para sa kanya. sana maging masaya sya.
pasok ulit ako ng walter. lakad-lakad. isip-isip kung pano ang diskarte na aking gagawin. napatigil ako sa may hagdan, wala masyadong tao. tambay muna. hmmn..
tawagan ko na sya..
*calling....*
*tut tut tut*
bakit kaya walang nasagot?? isa pa..
*calling....*
sagutin mo.. sagutin mo..
BINABASA MO ANG
bi to straight. (True Story)
Short Story"this story is really a mind-bl0wing one. ur lucky kase naranasan mu na t0h and for sure, na overcome mu agad. i id0lize u. each one of us have our own "katangahan" issue. piling ta0 lang ang nakakagawa ng ganyan pagmamahal. :) just enj0y baliwag101...